IU

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isa itong pangalang Koreano; ang apelyido ay Lee.
IU
IU at Little Forest VIP premiere on February 26, 2018 (2).jpg
Kabatiran
Pangalan noong ipinanganakLee Ji-eun
Kapanganakan (1993-05-16) Mayo 16, 1993 (edad 29)
Timog Korea
Mga kaurianK-pop
Ballad
TrabahoMang-aawit
aktres
Mga taong aktibo2008–kasalukuyan
Mga tatakLOEN Entertainment
Universal Music Japan
Warner Music Taiwan
WebsaytOpisyal na pahina ng personal na impormasyon
Pirma
Signature of IU.svg
Pangalang Koreano
Hangul
Hanja
Binagong RomanisasyonI Ji-eun
McCune–ReischauerYi Chi-ŭn
Pangalan sa entablado
Hangul아이유
Binagong RomanisasyonAiyu
McCune–ReischauerAiyu

Si Lee Ji-eun (Koreano이지은, ipinanganak noong 16 Mayo 1993), mas kilala sa pangalang IU (Koreano아이유), ay isang mang-aawit, manunulat ng awitin, at aktres sa Timog Korea. Noong nasa paaralang panggitna pa lamang, siya ay sumali sa iba't ibang ahensiyang pantalento. Pumirma siya sa LOEN Entertainment noong 2007 bilang nagsasanay at opisyal na unang lumabas matapos ang 10 buwan, kasama ang kanyang kauna-unahang album na Lost and Found. Nakamit niya ang tagumpay na pang-mainstream sa pamamagitan ng mga sumunod na album na Growing Up and IU...IM, ngunit sa pamamagitan ng "Good Day", isang kanta mula sa kaniyang album na Real, nakamit niya ang kasikatan sa kaniyang bansa. Ang "Good Day" ay nakapagkamit ng limang magkakasunod-sunod na linggo sa pinakamataas na posisyon ng Gaon Digital Chart.[1]

Si IU sa 2010 Melon Awards noong 2010.

Kasabay ng tagumpay ng kaniyang mga album noong 2011 na Real+ at Last Fantasy, binansagan din siya bilang "nakababatang kapatid na babae" ng Korea.[2] Ang "Hold My Hand", na ginamit para sa seryeng The Greatest Love, ay ang kauna-unahang awit na kaniyang naisulat. Nanatili ang kaniyang pangingibabaw sa mga tsart pang-musika sa mga sumunod na album na Modern Times, A Flower Bookmark, Chat-Shire, at Palette.[3][4][5]

Maliban sa kaniyang karera sa musika, siya ay nakipagsapalaran din sa pag-host ng mga palabas sa radyo at telebisyon, pati na rin sa pagganap. Matapos ang kaniyang suportang pagganap sa Dream High, bumida siya sa You're the Best, Lee Soon-shin, Pretty Man, The Producers at Moon Lovers: Scarlet Heart Ryeo.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang source]

  1. Mga sanggunian ng Gaon Digital Chart para sa "Good Day":
    • "South Korean Gaon Digital Chart 2010 Week 51". Gaon Chart (sa wikang Ingles). Korea Music Content Industry Association. Nakuha noong 8 Nobyembre 2015.
    • "South Korean Gaon Digital Chart 2010 Week 52". Gaon Chart (sa wikang Ingles). Korea Music Content Industry Association. Nakuha noong 8 Nobyembre 2015.
    • "South Korean Gaon Digital Chart 2011 Week 1". Gaon Chart (sa wikang Ingles). Korea Music Content Industry Association. Nakuha noong 8 Nobyembre 2015.
    • "South Korean Gaon Digital Chart 2011 Week 2". Gaon Chart (sa wikang Ingles). Korea Music Content Industry Association. Nakuha noong 8 Nobyembre 2015.
    • "South Korean Gaon Digital Chart 2011 Week 3". Gaon Chart (sa wikang Ingles). Korea Music Content Industry Association. Nakuha noong 8 Nobyembre 2015.
  2. Benjamin, Jeff (17 Setyembre 2012). "IU: 21 Under 21 (2012)". Billboard (sa wikang Ingles). Nakuha noong 8 Nobyembre 2015.
  3. Sohn, Ji-young (May 16, 2014). "IU sweeps charts with covers album". The Korea Herald (sa wikang Ingles). Seoul. Nakuha noong 10 Nobyembre 2015.
  4. "IU tops eight domestic charts with new song "Twenty-Three"". The Korea Times. South Korea. 23 Oktubre 2015. Nakuha noong 8 Nobyembre 2015.
  5. Benjamin, Jeff (3 Nobyembre 2015). "IU's Best Deep Album Cuts: 'The Shower,' '23' & More". Billboard (sa wikang Ingles). Nakuha noong 10 Nobyembre 2015.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.