Pumunta sa nilalaman

Istana Nurul Iman

Mga koordinado: 4°52′19.31″N 114°55′14.72″E / 4.8720306°N 114.9207556°E / 4.8720306; 114.9207556
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Istana Nurul Iman
Map
Pangkalahatang impormasyon
Estilong arkitekturalMalay, Islam
Bayan o lungsodBandar Seri Begawan
BansaBrunei
Natapos1984
HalagaUS$1.4 bilyon
Teknikal na mga detalye
Bilang ng palapag200,000 metro kuwadrado o 2,152,782 ft²
Disenyo at konstruksiyon
ArkitektoLeandro V. Locsin (pangkalahatang disenyo), Khuan Chew (panloob na disenyo)

Ang Istana Nurul Iman na nangangahulugan na Palasyo ng Liwanag ng Pananampalataya (Ingles: Palace of the Light of Faith) ay ang palasyo na opisyal na tirahan ng kasalukuyang namumuno o sultan ng bansang Brunei at puwesto ng pamahalaan ng Brunei.[1][2][3] Ayon sa Guinness World Records, ang palasyong ito ay naitala noong 1984 bilang pinakamalaking palasyo na tirahan sa buong mundo.[2]

Matatagpuan ang Istana Nurul Iman sa gilid ng Bandar Seri Begawan na kapital ng bansang Brunei.[4][5]

gate ng Istana Nurul Iman
Istana Nurul Iman
Nakatayo ang Presidente ng Pilipinas na si Pangulong Duterte at Sultan ng Brunei Darussalam na si Sultan Haji Hassanal Bolkiah Mu’izzaddin Waddaulah sa entablado sa Istana Nurul Iman

Noong 1984 ay naitala ang Istana Nurul Iman sa Guinness World Records na pinakamalaking palasyo na tirahan sa buong mundo.[2] Nababanggit na ito ay higit pa sa apat na beses na laki ng Palasyo ng Versailles sa Pransiya.[1] Ito ay sumasaklaw sa 200,000 metro kuwadrado o 2,152,782 talampakang kuwadrado at nagtataglay ng malaking mosque na maaaring maglaman ng 1,500 na katao, bulwagan para sa pagdiriwang para sa 5,000 na mga panauhin, limang palanguyan, 1,788 na mga kuwarto, 257 na mga banyo, kuwadra na may erkondisyoner para sa 200 na kabayo na ginagamit sa larong polo at garahe para sa 110 na mga sasakyan tulad ng Ferrari, Bentley at Rolls-Royce.[2][6]

Ang kabuuan ng palasyo ay dinisenyo ni Leandro Locsin na isang Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas sa Arkitektura at naitayo noong 1984 ng Ayala International na isang Pilipinong kumpanya sa halaga na tinatayang 1.4 bilyong dolyares (US dollars).[6][2] Ang panglabas na disenyo ng palasyo ay nagpapakita ng pinaghalong elemento ng Malay na mababanaag sa mga vaulted na mga bubong at ng Islam na makikita sa mga simboryo at arko.[1]

Ang panloob na disenyo ng Istana Nurul Iman ay ginawa ni Khuan Chew.[2] Ang palasyo ay mayroong 564 na aranya, 51,000 na bumbilya, 44 na hagdanan at 18 na elebetor.[6]

Pagpasok sa palasyo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Binubuksan sa mga nasasakupan ng Sultan ng Brunei ang Istana Nurul Iman sa loob ng tatlong araw bawat taon tuwing kasiyahan ng Hari Raya Aidilfitri para ipagdiwang ang pagtatapos ng Ramadan.[4][1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 "Istana Nurul Iman". Presidential Broadcast Staff-Radio Television Malacanang. Republic of the Philippines. Setyembre 2, 2016. Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Hunyo 2021. Nakuha noong 23 Nobyembre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 "Largest residential palace". Guinness World Records. Guinness World Records Limited. Nakuha noong 23 Nobyembre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Universiti Brunei Darussalam (UBD) - NEW". University of Otago. University of Otago. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Septiyembre 2020. Nakuha noong 23 November 2020. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  4. 4.0 4.1 "Brunei All pray and no work". The Economist. The Economist Newspaper. Agosto 13, 2015. Nakuha noong 23 Nobyembre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Bandar Seri Begawan". Britannica. Encyclopædia Britannica, Inc. Nakuha noong 23 Nobyembre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 6.2 "The World's Largest House". International Business Times. IBTimes LLC. Enero 19, 2009. Nakuha noong 23 Nobyembre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

4°52′19.31″N 114°55′14.72″E / 4.8720306°N 114.9207556°E / 4.8720306; 114.9207556