Pumunta sa nilalaman

Jon Secada

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jon Secada
Kapanganakan4 Oktubre 1961
  • (Havana Province, Cuba)
MamamayanCuba
NagtaposUnibersidad ng Miami
Trabahomang-aawit, musiko, kompositor, manunulat ng awitin

Si Jon Secada (ipinanganak bilang Francisco Secada Ramírez noong 4 Oktubre 1961) ay isang Kubano-Amerikanong mang-aawit at manunulat ng awit. Ipinanganak siya sa Habana, Kuba, at pinalaki sa Hialeah, Florida. Nanalo siya ng dalawang Parangal na Grammy at nakapagbenta ng 20 milyong mga album magmula maipakilala ang kanyang album ng pagpapakilalang nasa Ingles noong 1992. Pinagsasama sa kanyang musika ang funk, soul, pop at perkusong Latina. Gumanap din siyang manunulat ng kanta para kay Gloria Estefan, Jennifer Lopez, Ricky Martin, Mandy Moore, at iba pang mga tagapagtanghal.