Pumunta sa nilalaman

Papa Francisco

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Jorge Mario Bergoglio)
Ang Kanyang Kabanalan
Papa Francisco
Obispo ng Roma
Ang Santo Papa noong 2021
SimbahanSimbahang Katolika
ArkodiyosesisDiyosesis ng Roma
SedeBanal na Sede
Nagsimula ang pagka-Papa13 Marso 2013
HinalinhanBenedicto XVI
Mga orden
Ordinasyon13 Disyembre 1969
ni Ramón José Castellano
Konsekrasyon27 Hunyo 1992
ni Antonio Quarracino
Mga detalyeng personal
Pangalan sa kapanganakanJorge Mario Bergoglio
Kapanganakan (1936-12-17) 17 Disyembre 1936 (edad 88)
Buenos Aires, Arhentina
KabansaanArhentino,
Vaticano
DenominasyonKatoliko
TirahanLungsod ng Vaticano
Dating puwesto
MottoMiserando atque eligendo
Lagda
Eskudo de armas

Si Papa Francisco (Latin: Franciscus, Italyano: Francesco; Kastila: Francisco) ipinanganak; Jorge Mario Bergoglio noong 17 Disyembre 1936) ay ang ika-266 at kasalukuyang Papa ng Simbahang Katolika.[1]

Taál ng Buenos Aires, Arhentina, itinalaga siya bilang paring Katoliko noong 1969. Noong 1998 siya ay iniluklok bilang Arsobispo ng Buenos Aires, at noong 2001 siya ay ginawáng kardinal ni Papa Juan Pablo II. Nahalál siya bilang Papa noong 13 Marso 2013, matapos na magbitíw si Papa Benedicto XVI noong 28 Pebrero. Pinili ni Bergoglio ang ngalang pampapang Francisco, ang kauna-unahang papang gumamit ng naturang pangalan, bilang pagpupugay kay San Francisco ng Asisi. Siya ang kauna-unahang Papa mula sa labas ng Europa simula noong ika-8 na dantaon, unang nagmula sa kontinente ng Timog Amerika (at mangyaring sa Katimugang Hemispero), at unang papa na hindi taga-Europa matapos ang panahon ni Papa Gregorio III noong taong 741.[2] Siya rin ang unang naluklok na Heswita bilang Pontifex Maximus.

Sa kabuuan ng kanyang buhay, bilang isang indibidwal at isang pinunong relihiyoso, nakilala ng publiko si Papa Francisco sa kanyang kababaang-loob, sa kanyang pagmamalasakit sa mga mahihirap, at sa kanyang pagnanais na bumuo ng mga pag-uusap bilang paraan upang makaugnay ang lahat ng tao mula sa iba't-ibang lahi, paniniwala, at pananampalataya.[3][4][5] Nakilala rin siya sa pagiging payak at di-gaanong pormal na pamamahala bilang Santo Papa, lalo na noong pinili niyang manirahan sa bahay-pampanauhin (guesthouse) ng Domus Sanctae Marthae kaysa sa apartamento ng Apostolikong Palasyo na siyang ginamit ng mga naunang Papa. Dagdag dito, dahil sa pagiging Heswita at tagasunod ni San Ignacio ng Loyola, kilala rin siya sa pagiging payak sa pananamit, gaya ng pagtanggi niyang magsuot ng tradisyunal na kapa ng Papa na mozzetta noong siya ay maluklok, pagpili niya ng pilak sa halip na ginto para sa kanyang singsing, at paggamit niya ng kanyang krus na ginagamit na niya mula pa noong siya'y kardinal pa lamang.[6][7]

Nanatili ang posisyon ng Papa sa doktrinang Katoliko hinggil sa aborsiyon, artipisyal na kontrasepsiyon, at homoseksuwalidad. Bagama't nananatili ang posisyon ng katuruan ng Simbahan hinggil sa mga gawaing homoseksuwal, sinabi niyang hindi dapat maliitin ang mga bading o bakla.[8] Bilang kardinal, tinutulan niya ang pag-iisang-dibdib ng magkatulad na kasarian (same-sex marriage) sa Arhentina.[9] Dagdag dito, pinananatili niya na siya'y "anak ng Simbahan" hinggil sa pagiging tapat sa mga doktrina ng Simbahan, tinukoy ang aborsiyon bilang "kasuklam-suklam,"[10] at iminungkahing ang mga babae ay pinahahalagahan sa halip na inoordinahan.[11] Kung ibubuod, binigyang-diin ni Papa Francisco na "Kabalintunaang sabihing sinusunod mo si Hesukristo subalit tinatanggihan mo ang Simbahan."[12]

Kaya naman, hinimok niya si Obispo Charles J. Scicluna ng Malta na magsalita laban sa pag-ampon ng mga nagsasamang magkatulad ang kasarian (same-sex couples),[13][14] pinanatiling ang mga Katolikong galing sa diborsiyo at muling nagpakasal ay maaaring hindi tumanggap ng Eukaristiya, at nagtiwalag (excommunicate) ng isang dating paring Katoliko dahil sa mga pananaw nitong lumalapastangan sa Simbahan.[15] Binigyang-diin niyang ang tungkulin ng mga Kristiyano na tulungan ang mga mahihirap at mga nangangailangan, at itinataguyod niya ang mapayapang usapin at mga usapang kabilang ang mga nasa iba't-ibang pananampalataya o interfaith dialogue.[5][16][17][18][19] Ipinahayag din niyang walang puwang sa Simbahan ang pagpapahintulot sa pang-aabusong seksuwal (sex abuse) sa Simbahan, na nagsabing ang pang-aabusong seksuwal ay "kasingsamá ng pagsasagawa ng Itim na Misa (satanic mass)."[20][21][22]

Si Jorge Mario Bergoglio[23] ay isinilang sa Buenos Aires, isa sa limang anak ng Italyanong emigranteng[24][25] sina Mario José Bergoglio, isang orbrero sa daangbakal, at ng kaniyang asawang si María Sívori, isang maybahay. Noong siya ay binatilyo, si Bergoglio ay inalisán ng isang bahagi ng kaniyang baga dulot ng impeksiyon.[26] Siya ay nag-aral at nakatanggap ng Antás Masterál sa kímika at sa Pamantasan ng Buenos Aires bago niya napágpasyaháng pumasok sa pagkapari.[27] Ayon din sa ibang mga sanggunian, siya ay nakapagtapos mula sa isang páaraláng teknikal bilang mekanikong pangkemikal at sa edad ng 21 ay nagpasyang maging pari.[28]

Pumasok si Bergoglio sa Kapisanan ni Hesus noong 11 Marso 1958 at nag-aral sa pagkapari sa isang seminaryong Heswita sa Villa Devoto. Noong 1960, nakuha niya ang pagkalisensiya sa pilosopiya mula sa Colegio Máximo San José sa San Miguel. Noong 1964 at 1965 nagturo siya ng literatura at sikolohiya sa Colegio de la Imaculada, isang mataas na paaralan sa lalawigan ng Santa Fe, Arhentina. Noong 1966 nagturo siya ng kaparehong kurso sa Colegio del Salvador sa Buenos Aires.[29]

Noong 1967, natapos ni Bergoglio ang kaniyang pag-aaral ng teolohiya at naordena sa pagkapari noong 13 Disyembre 1969 ni Arsobispo Ramón José Castellano. Namasukan siya sa Pakultad ng Pilosopiya at Teolohiya ng San Miguel[30], isang semninaryo sa San Miguel, Buenos Aires. Naabot ni Bergoglio doon ang posisyong novice master at naging propesor ng teolohiya.

Itinaas ng Kapisanan ni Hesus si Bergoglio at siya ay nanungkulan bilang probinsiyal ng Arhentina mula 1973 hanggang 1979.[31] Nilipat siya sa isang doctoral dissertation sa Sankt Georgen sa Alemanya at bumalik sa Arhentina upang manungkulan bilang kumpesor at direktor pang-espiritwal sa Cordoba.[29]

Itinalaga si Bergoglio bilang Pangalawang Obispo ng Buenos Aires noong 1992 at inordena noong 27 Hunyo 1992 bilang Titular Bishop ng Auca [32] kasama si Antonio Kardinal Quarracino, Arsobispo ng Buenos Aires, bilang principal consecrator.

Si Bergoglio ang humalili kay Kardinal Quarracino bilang Arsobispo ng Buenos Aires noong 28 Pebrero 1998 at ipinangalang ordinaryo para sa Silangang Katoliko sa Arhentina, na walang sariling prelado.

Si Kardinal Jorge Bergoglio, SJ noong 2008.

Sa konsistori noong 21 Pebrero 2001, ginawang kardinal si Arsobispo Bergoglio ni Papa Juan Pablo II, na may titulo bilang kardinal-pari ng San Roberto Bellarmino. Bilang kardinal, itinalaga si Bergoglio sa limang administratibong posisyon sa Kuryang Romano.

Nakilala si Kardinal Bergoglio dahil sa kaniyang pagiging magpakumbaba, pagka-konserbatibo sa doktrina at sa kaniyang prinsipyo sa katarungang panlipunan.[33] Mas pinili niya ang pagkakaroon ng simpleng pamumuhay: mas pinili niyang manirahan sa isang maliit na apartment sa halip ng magarang tirahan para sa obispo, at mas pinili niyang sumakay sa mga pampublikong transportasyon kaysa sa isang limousine.[34]

Noong pumanaw si Papa Juan Pablo II noong 2005, isa sa mga napipisil na papabile si Bergoglio.[35] Lumahok siya bilang isang kardinal-tagahalál (cardinal elector) sa kongklabe noong 2005 na siyang nagluklók kay Papa Benedicto XVI. Ayon sa pahayagang La Stampa, gitgitan sila ni Ratzinger sa halalan, hanggang sa humingî siya ng isang madamdaming pakiusap sa mga kardinal na huwag siyang ihalal.[36] Bago nagsimula ang kongklabe ay nakilahok din siya sa libing ni Papa Juan Pablo II at gumanap bilang rehente kasama ang Kolehiyo ng mga Kardinal, at namuno sa Simbahang Romana Katolika noong panahon ng sede vacante.

Bilang isang kardinal, nakilala si Bergoglio bilang isang konserbatibong Katoliko.[37]

Hatî ang opinyon ng mga Arhentino patungkol sa kaniya. Habang ang ilan ay malakas ang suporta kay Bergoglio dahil sa kaniyang simpleng pamumuhay, ang iba naman ay malaki ang pagkatutol sa kaniya dahil sa mga isyu patungkol sa kasalang homosekswál at sa kanilang pagkabagabag ukol sa kaniyang relasyon sa mapanupil na rehiméng militar noong dekada 70.[38]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Jorge Mario Bergoglio, 77, of Argentina is Pope Francis I". GMA News. Reuters. 14 Marso 2013. Nakuha noong 13 Marso 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  2. Speciale, Alessandro (13 Abr 2013 6:12 pm EDT). "Cardinal Walter Kasper Says Pope Francis Will Bring New Life To Vatican II". The Huffington Post. London. Nakuha noong 18 Ene 2015. {{cite web}}: Check date values in: |date= (tulong)
  3. Feiden, Douglas (14 Mar 2013 2:00 am). "Pope Francis, the new leader of the Catholic Church, praised by many for practicing what he preaches, his humble nature and his empathy for the poor". New York Daily News. New York. Nakuha noong 18 Ene 2015. {{cite web}}: Check date values in: |date= (tulong)
  4. Vallely, Paul (14 Mar 2013). "Pope Francis profile: Jorge Mario Bergoglio, a humble man who moved out of a palace into an apartment, cooks his own meals and travels by bus". The Independent. UK. Nakuha noong 18 Ene 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 Povoledo, Elisabetta (22 Mar 2013). "Pope Appeals for More Interreligious Dialogue". The New York Times. New York. Nakuha noong 18 Ene 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Willey, David (16 Mar 2013 13:11 GMT). "Pope Francis' first moves hint at break with past". BBC News. London. Nakuha noong 18 Ene 2015. {{cite web}}: Check date values in: |date= (tulong)
  7. "HOLY MASS IN THE PARISH OF ST. ANNA IN THE VATICAN". Libreria Editrice Vaticana. Vatican City. 17 Mar 2013. Nakuha noong 18 Ene 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Pope Francis: Who am I to judge gay people?". BBC News. London. 29 Hul 2013 20:05 GMT. Nakuha noong 18 Ene 2015. {{cite web}}: Check date values in: |date= (tulong)
  9. "In West Hollywood, Pope Francis' stand on gays is unimpressive". Los Angeles Times. Southern California. 14 Mar 2013 12:14 pm. Nakuha noong 18 Ene 2015. {{cite web}}: Check date values in: |date= (tulong)
  10. Pullella, Philip (13 Ene 2014 11:42am EST). "Pope, after conservatives' criticism, calls abortion "horrific"". Reuters. US. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-02-17. Nakuha noong 18 Ene 2015. {{cite web}}: Check date values in: |date= (tulong) Naka-arkibo 17 February 2014[Date mismatch] sa Wayback Machine.
  11. Tornielli, Andrea (14 Dis 2013). "Never be afraid of tenderness". La Stampa. Italy. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Enero 2015. Nakuha noong 18 Ene 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 17 January 2015[Date mismatch] sa Wayback Machine.
  12. Wooden, Cindy (08 Mayo 2013). "Pope tells sisters: you can't follow Jesus without the Church". Catholic Herald. UK. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Marso 2015. Nakuha noong 18 Ene 2015. {{cite web}}: Check date values in: |date= (tulong)
  13. Kington, Tom (05 Ene 2014 12:08 PM). "Vatican says pope's comments on gay couples don't mark policy change". Los Angeles Times. California. Nakuha noong 18 Ene 2015. {{cite web}}: Check date values in: |date= (tulong)
  14. "Pope encouraged Malta bishop to speak out against gay adoption bill". Catholic News Agency. Italy. 03 Ene 2014 02:35 PM. Nakuha noong 18 Ene 2015. {{cite web}}: Check date values in: |date= (tulong)
  15. Thompson, Damian (27 Set 2013). "Excommunicated priest Greg Reynolds celebrated illicit Mass at which Communion was given to a dog". The Telegraph. UK. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Pebrero 2015. Nakuha noong 18 Ene 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 26 February 2015[Date mismatch] sa Wayback Machine.
  16. Horowitz, Alana (29 Dis 2013). "Pope Francis 'Shocked' By Gay Adoption Bill: Report". The Huffington Post. UK. Nakuha noong 18 Ene 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Rayman, Noah (30 Dis 2013). "Adoption Proposal: Bishop says Pope 'encouraged me to speak out'". Time. US. Nakuha noong 18 Ene 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Goodstein, Laurie (19 Set 2013). "Pope Says Church Is 'Obsessed' With Gays, Abortion and Birth Control". The New York Times. US. Nakuha noong 18 Ene 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Dias, Elizabeth (25 Set 2013). "Backed Women's Ordination and Gays: Despite his reforming attitude, Francis still supports traditional doctrine". Time. US. Nakuha noong 18 Ene 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. Dias, Elizabeth (27 Mayo 2014). "Pope to meet sex abuse victims at the Vatican". BBC News. London. Nakuha noong 18 Ene 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Dockterman, Eliana (26 Mayo 2014). "Pope Declares 'Zero Tolerance' Sex-Abuse Policy". Time. US. Nakuha noong 18 Ene 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. Bowen, Jeremy (27 Mayo 2014 06:35). "Pope's 'zero tolerance' vow on abuse will now need action". BBC News. London. Nakuha noong 18 Ene 2015. {{cite web}}: Check date values in: |date= (tulong)
  23. "College of Kardinals Biographical notes". Vatican.va. Nakuha noong 2013-03-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. Rice-Oxley, Mark (13 Marso 2013). "Pope Francis: the humble pontiff with practical approach to poverty". The Guardian (UK). Nakuha noong 13 Marso 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. "Argentina's Kardinal Bergoglio Is Elected Pope Francis". Bloomberg. 13 Marso 2013. Nakuha noong 13 Marso 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. "New Pope, Francis, Known As Humble Man with a Focus on Social Outreach". CBS New York. CBS Local Media. 13 Marso 2013. Nakuha noong 2013-03-13.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  27. Rocca, Francis X (13 Marso 2013). "Kardinal Jorge Bergoglio: a profile". Catholic Herald. Nakuha noong 13 Marso 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  28. La Nación newspaper: Jorge Bergoglio, a career Jesuit priest, 13 Marso 2013 Naka-arkibo 16 December 2018[Date mismatch] sa Wayback Machine. (sa Kastila) Article gives detail: he graduated from industrial secondary school E.N.E.T Nº 27 "Hipólito Yrigoyen".
  29. 29.0 29.1 "Pope Francis : Kardinal Jorge Mario Bergoglio named new Pope". Baltimore News Journal. 13 Marso 2013. Nakuha noong 13 Marso 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  30. Juan Manuel Jaime – José Luis Rolón. "Official Website, Facultades de Filosofía y Teología de San Miguel". Facultades-smiguel.org.ar. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-03-16. Nakuha noong 2013-03-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2013-03-16 sa Wayback Machine.
  31. NEW POPE: Who is this man named Bergoglio? Naka-arkibo 2013-03-17 sa Wayback Machine., Catholic.org
  32. The titular see of Auca, established in 1969, is seated at Villafranca Montes de Oca, Spain: Titular See of Auca, Spain.
  33. McCarthy, John (3 Marso 2013). "Profile: New pope, Jesuit Bergoglio, was runner-up in 2005 conclave". Ncronline.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-06-03. Nakuha noong 2013-03-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  34. "'Toward The Conclave Part III: The Candidates'". 18 Abril 2005. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-03-15. Nakuha noong 2012-03-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2013-05-15 sa Wayback Machine.
  35. Dougherty, Michael Brendan (19 Abr 2012 02:19 pm). "One Of These Men Will Be The Next Pope". Business Insider. New York. Nakuha noong 18 Ene 2015. {{cite web}}: Check date values in: |date= (tulong)
  36. "Ecco come andò davvero il Conclave del 2005". La Stampa (sa wikang Italyano). Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Mayo 2013. Nakuha noong 13 Marso 2013. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 30 July 2013[Date mismatch] sa Wayback Machine.
  37. Allen, Jr., John L. (3 Marso 2013). "Who Is Cardinal Jorge Mario Bergoglio? (renamed Profile: New pope, Jesuit Bergoglio, was runner-up in 2005 conclave)". National Catholic Reporter. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Hunyo 2017. Nakuha noong 13 Marso 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  38. Pope Francis divides opinion in Argentina
Sinundan ni:
Benedicto XVI (2005-2013)
Kronolohikong tala ng mga Papa (2013-) Kasalukuyan

Mga kawing na panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]