Pumunta sa nilalaman

José Abad Santos

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Jose Abad Santos)
Para sa bayan sa Pilipinas, tingnan ang Jose Abad Santos, Davao del Sur.
Para sa estasyon ng LRT ng Maynila, tingnan ang Estasyong Abad Santos ng LRT.
José Abad Santos
Ikalimang Punong Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas
Nasa puwesto
24 Disyembre 1941 – 2 Mayo 1942
Appointed byManuel L. Quezon
Nakaraang sinundanRamón Avanceña
Sinundan niJosé Yulo
Katulong na Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas
Nasa puwesto
18 Hunyo 1932 – 23 Disyembre 1941
Appointed byHerbert Hoover
Nakaraang sinundanNorberto Romuáldez
Sinundan niRicardo Paras
Personal na detalye
Isinilang19 Pebrero 1886(1886-02-19)
Lungsod ng San Fernando, Pampanga
Yumao2 Mayo 1942(1942-05-02) (edad 56)
Malabang, Lanao del Sur

Si Jose Abad Santos y Basco ay ipinanganak noong 19 Pebrero 1886 sa San Fernando, Pampanga. Siya ang ikapitong anak sa sampung mga anak nina Vicente Abad Santos at Toribia Basco. Ang kanyang ama na naging juez de ganados ay namatay noong 1892 noong siya ay anim na taong gulang pa lamang. Pagkatapos ng isang taon si Jose ay naging estudyante ni Calixto Arevalo. Kumuha naman siya ng bagong guro na si Felix Dizon na gumagamit ng wikang Kastila sa pagtuturo.

Sa mga huling yugto ng pananakop ng Amerikano, nag-aral siya sa isang pampublikong paaralan na itinatag ng mga Amerikano. Sa edad na 14 noong 1900, nabasa niya ang librong The American Citizen, na nag-udyok sa kanya para maging isang abogado.[1] Sa taong 1904 ay naging isa siyang pensionado ng gobyerno. Nakapag-aral siya sa Estados Unidos kasama ang 28 na iba pang pensionado. Nag-aral siya sa Sta. Clara College ng ilang buwan. Itinuloy niya ang pag-aaral sa Unibersidad ng Illinois noong 12 Hunyo 1905. Pagkatapos ng isang taon ay lumipat siya sa Northwestern University kung saan nakuha niya ang titulong Batsilyer sa mga Batas.

Bumalik siya sa Pilipinas at naging kawani sa Dibisyon ng Kagawaran ng Tagapagpaganap na may buwanang sahod na 80 piso. Itinaas ito sa 100 piso noong 1 Enero 1910, at naging 110 piso matapos ang isang taon. Kumuha siya ng bar exam noong 1910 ngunit hindi nakapasa dahil tinalakay ang tungkol sa batas ng Espanya na taliwas sa kanyang natutunan sa batas Amerika.[2] Nang kumuha siya muli noong 12 Oktubre 1911 ay nakapasa siya. Mula sa Kagawaran ng Tagapagpaganap , si Santos ay lumipat sa Kagawaran ng Katarungan na may sahod na 110 piso. Naging isa siyang taga-paliwanag ng banyagang wika noong 1912 pagkatapos ay naging taga-salin noong 16 Oktubre 1912. Makalipas ang dalawang taon, naging katulong ng abogado na may sahod na 3,600 sa isang taon at pinataas ito sa 4,000 piso noong 1917. Nagpakasal siya kay Amanda Teopaco noong 13 Setyembre 1918. At muli siyang naging isang katulong ng abogado noong 1919 na may sahod na 6,000 piso taun-taon. Kasama ang kanyang pamilya ay nanirahan siya sa Kalye Mariposa, Lungsod Quezon noong 1930. Naging Pangalawang-kalihim ng Katarungan noong 1922 at naging Kalihim ng Katarungan na may sahod na 12,000 piso taun-taon. Siya rin ang namahala dito sa panahon ng Komonwelt at Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Nang umalis si Pangulong Manuel Quezon patungong Estados Unidos noong 17 Marso 1942, si Abad Santos ang naging representante sa Pilipinas. Nahuli siya noong Mayo 1942 at napatay ng mga Hapon sa Malabang, Lanao dahil sa pagtangging iaalay ang kanyang katapatan sa mga Hapon. Ang kanyang pagkakapatay ay naging inspirasyon sa mga Pilipino.

  1. Landia, James, atbp." Filipino". MPPA-SV Limited
  2. "Dark Times."Japanese Regime 58.2:47.