Kakawate
Kakawate | |
---|---|
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | Plantae |
Klado: | Tracheophytes |
Klado: | Angiosperms |
Klado: | Eudicots |
Klado: | Rosids |
Orden: | Fabales |
Pamilya: | Fabaceae |
Sari: | Gliricidia |
Espesye: | G. sepium
|
Pangalang binomial | |
Gliricidia sepium (Jacq.) Kunth ex Walp.
| |
Kasingkahulugan | |
|
Ang kakawate[2] (mula sa katutubong salitang Mehikanong cacahuate; Ingles: Gliricidia, Mexican lilac, mother of cocoa, Nicaraguan cacao shade, quickstick, St. Vincent plum, at tree of iron[1]) ay isang uri ng puno na karaniwang itinatanim bilang palamuti. Ginagamit itong silungan o pananggalang sa labis na sikat ng araw para sa mga punong kakaw. Ginagamit din ito bilang haligi ng maliit na bahay, hawakan ng mga kagamitang pangkamay, panggatong, at bakod. Dahil nga nagiging pananggalang ng kakaw, tinatawag din itong madre kakaw, madre de kakaw, madre ng kakaw (o ina ng kakaw), marikakaw, madrekako, marikadaw, at marikadaw. Dagdag pang katawagan dito ang apatot, balok-balok, kakwate, at kukuwatit.[1] Sa Sulu, tinatawag itong mandiri kakaw. Sa agham, kilala ito bilang Gliricidia sepium o Robinia sepium. Kabilang sa iba pang katawagang pang-agham nito ang Gliricidia maculata, Galedupa pungam, Milletia luzoniensis, at Milletia splendidissima.
Sa panggagamot
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ginagamit itong nakaugaliang gamot laban sa galis-aso sa tao (Ingles: scabies) .[3] Kabilang sa iba pang gamit ng kakawate ang panlunas sa pangangati at pamamantal ng balat kung saan ipinapahid ang katas mula sa mga dahon, balat ng puno, o ugat; bilang pambugaw ng mga lamok kung saan inilalagay ang sariwang dahon sa balat; panlaban sa rayuma, saradong pagkabali ng buto, at pagkakaroon ng pilay (na tinatawag ding bati o balinganga) kung saan dinudurog o pinipisa ang mga dahon at ginagamit na panapal; at bilang pampagaling at panghilom ng mga sugat kung saan ginagamit ang mga dagta ng balat ng puno, dahon at ugat nito.[4]
Mayroon din itong katangian panlaban sa mga fungus, pampalabas ng plem, pampakalma, panlanggas o pampalabas ng nana, lunas sa alopecia, beke, gasgas sa balat, paso, sipon, panghihina, erysipelas, lagnat, gangrene, sakit ng ulo, pangangati ng balat, tumor ng balat, mga ulser, urticaria, at iba pang sakit sa balat.[5]
Paggagamot ng galis-aso
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ito ang mga kailangan sa paghahanda ng gamot sa galis-asong ginagamitan ng kakawate: apat na puting mga kandila (tinatawag na esperma), langis ng niyog o anumang mantika (550 cc; mga dalawang baso), at mga dahon ng kakawate (250 g; mga isang baso). Nililinis muna ng lubos ang mga dahon ng kakawate at hinihiwa ng husto at pino. Idinadagdag ang mga dahon sa langis o mantika. Hinahalo ito habang pinapakuluan. Nililikom ang mga dahon sa ibabaw ng langis o mantika, saka sinasala pagkaraan. Kinukuha ang apat na puting mga kandila at tinatadtad ng pino. Idinadagdag ang mga pininong kandila sa pinakuluang mga sangkap, hinahalo ang lahat hanggang sa matunaw ang mga kandila. Sa mag-uli, habang ginagamitan ng panala, sinasala ang lahat at inililipat sa isang malinis na lalagyang babasaging yari sa salamin. Pinalalamig muna ito bago gamitin.[3]
Bilang pagkain
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa tao
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sinasabing maaaring kainin ang bulaklak kapag pinirito.[5]
Sa hayop
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sinasabing mayaman sa protina ang mga dahon ng kakawate at madaling matunaw sa tiyan. Mababa ito sa tannin at pibra o himaymay. Bilang pagkain ng hayop, nakapagdudulot ito ng paglakas ng produksiyon ng gatas at karneng mula sa hayop. Sa mga kambing, nakakitaan ang pagpapakain nito ng pagdaragdag ng timbang ng katawan ng hayop. Nagagamit itong pakain sa hayop tuwing panahon ng tag-tuyot. Nakabibighani sa mga bubuyog (partikular na ang Apis spp.) ang mga bulaklak ng kakawate kung kaya't isa itong mahalagang halaman sa paggawa ng pulut-pukyutan.[5]
Pagkalason
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bagaman nagagamit bilang pakain sa mga hayop, may ilang mga hayop na nalalason sa pagkain ng kakawate. Nakalalason sa mga tao ang mga dahon, buto, at mga pinulbos na mga balat ng puno kapag hinalo sa sinaing o lutong bigas, mais, at kapag nagdaan sa permentasyon o pagbubulok. Hindi pa natitiyak kung bakit nagiging nakalalason ang kakawate sa ganitong mga anyo at paraan, subalit dahil dito, nagagamit ang kakawate bilang lason laban sa mga daga at iba pang mga pesteng hayop.[5]
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Talababa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 Agroforestry Database, mula sa World Agroforestry Centre, Agroforestry.net
- ↑ English, Leo James (1977). "Kakawate". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 Stuart, Godofredo. "Kakawate," Preparation for scabies treatment, Philippine Medicinal Plants, StuartXchange.org
- ↑ "Kakawate," Naka-arkibo 2009-02-28 sa Wayback Machine. Gamot Pinoy, GlobalPinoy.com
- ↑ 5.0 5.1 5.2 5.3 "Kakawate," Naka-arkibo 2008-09-19 sa Wayback Machine. Filipino Herbs Healing Wonders, Philippine Medicinal Plants Healing Wonders, Collection of Philippine Medicinal Herbs and Plants Photos, FilipinoVegetarianRecipe.com
Bibliyograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Stuart, Godofredo. "Kakawate," Philippine Medicinal Plants, StuartXchange.org
- Dela Cruz, Rita T. Kakawate and its many uses Naka-arkibo 2008-09-30 sa Wayback Machine., Bar Chronicle (buwanang lathalain), Arkibo/Sinupan, Bol. 4 Blg. 7, Hunyo 1-30, 2003, Bureau of Agricultural Research, Department of Agriculture, Bar.gov.ph
- "Kakawate," Naka-arkibo 2009-02-28 sa Wayback Machine. Gamot Pinoy, GlobalPinoy.com
- "Kakawate," Naka-arkibo 2008-09-19 sa Wayback Machine. Filipino Herbs Healing Wonders, Philippine Medicinal Plants Healing Wonders, Collection of Philippine Medicinal Herbs and Plants Photos, FilipinoVegetarianRecipe.com
- Gliricidia sepium (gliricidia), Species Profiles for Pacific Island Agroforestry at Agroforestry Database[patay na link], mula sa World Agroforestry Centre, Agroforestry.net at TraditionalTree.org, Abril 2006, bersyon 2.1
- Gliricidia sepium, Treating Livestock with Medicinal Plants: Beneficial or Toxic?, ANSCI.Cornell.edu
- Gliricidia sepium / Robinia sepium, TropicalForages.info
- Gliricidia sepium (Jacq.) Steud., Hort.Purdue.edu
- Gliricidia sepium (Jacq.) Kunth ex Walp. quickstick, Plants.USDA.gov
Panlabas na kawing
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Larawan ng kakawate ni Konifacio "Konie" Casuga sa Treklens.com