Pumunta sa nilalaman

Kapangyarihang Aksis

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
  Mga alyado na kasangkot sa labanan bago ang Pearl Harbor
  Mga alyado pagkatapos ng Pearl Harbor
  Kapangyarihang Aksis
  Mga neutral na bansa

Ang Kapangyarihang Axis ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig (Ingles: Axis powers) ay samahang militar ng mga bansang nagnanais kontrolin ang buong mundo. Pinamumunuan ito ng Italya sa ilalim ni Benito Mussolini, Alemanya sa ilalim ni Adolf Hitler, at Hapon sa ilalim ni Emperador Hirohito. Sila ay pumirma ng kasunduang tutulungan nila ang isa't isa kung sakaling atakihin sila ng Kapangyarihang ng magkaka-alyansa (Ingles: Allied powers). Napagkasunduan na hahatiin nila ang mundo. Ang Europa ay paghahatian ng Alemanya at Italya, at ang Asya naman ay sa Hapon.

Ang Mga Lakas ng Painugan ay ang mga bansang nagnanais na sakupin ang mundo:

Ang Alemanya na pinamumunuan ni Adolf Hitler, ang kanyang partido ay nanalo ng maraming pwesto sa Alemanya. Ginamit niya ang SS, Gestapo, at concentration camps , kung saan ang mga Hudyo at ang ibang kalaban niya ay pinadala. Sinimulan niya ang digmaan sa Europa nang sakupin ng pwersa ng Alemanya ang Poland sa pamamakitan ng Blitzkrieg, at sinakop niya ang Pransiya at ang mga katabing bansa sa Hilaga ngunit nabigo niyang sakupin ang Britanya nang sila ay matalo sa labanan sa Britanya (Battle of Britain). Noong 1941 nilusob niya ang Unyong Sobyet (Operation Barbarossa) at lumusob ang mga pwersa sa Moscow ngunit napaatras ng malamig na panahon. Nang tumanggi siyang binatawan ang mga sakop niya, natalo sila sa labanan ng Stalingrad at Kursk. Ang mga pwersa ng Britanya at ng Estados Unidos ay ang nagdulot sa kanya ng pagkatalo sa Hilagang Aprika. Noong 1944, ang pwersa ng Allied powers ay dumaong sa Normandiya sa Pransiya at sa silangan naman ay napaatras uli. Naglunsad sila ng huling atake sa labanan sa Bulge (Battle of the Bulge) ngunit napilitan ding sumuko noong 8 Mayo 1955

Sinimulan ng Italya ang pagpapalaki ng imperyo nito sa pamamagitan ng pagsalakay sa Ethopia. Sinuportahan din ng Italya si Franco sa Digmaang Sibil sa Espanya at sinamahan din ang Alemanya sa Kapangyarihang Aksis. Nilusob din ng Italya ang Albania, Gresya at Hilagang Aprika. Si Benito Mussolini ay inaresto noong 1943, ngunit pinalaya siya ng mga Aleman at ginawa siyang pinuno ng Gobyernong papet. Noong 1945 hinuli muli siya kasama ang asawa niya na si Clara Petacci at binitin patiwarik sa Milan ang kanilang bangkay

Napasali ang Hapon sa digmaan noong pinasabog ng mga Hapones ang Pearl Harbor noong 7 Disyembre 1491. Agad nagdeklara ng pakikidigma ang Estados Unidos sa Hapon. Agad sinalakay ng mga pwersang Hapones ang Malaya at Hong Kong. Isinunod nila ang Singapore, Silangang Indiyas ng Olanda, Pilipinas at ang Burma ngunit ang pagkapanalo ng pwersa ng Estados Unidos sa Guadacanal ang nagtapos sa pagpapalaki ng Imperyo ng Hapon. Pagkatapos isa isang pinalaya ng mga pwersa ng Estados Unidos ang mga bansang sakop ng Hapon. Tinagka ng Allied powers na sakupin ang Hapon ngunit hindi ito natuloy dahil sa pagbagsak ng bombang atomika sa mga bayan ng Hiroshima at Nagasaki. Kaagad sumuko ang Hapon upang mailigtas ang bansa sa mga panganib.

Kasunduang Tripartite ay ang kasunduang tutulungan nila ang isa't isa kung sakaling sila ay atakihin.