Pumunta sa nilalaman

Katauhang pangkasarian

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Kasariang pagkakakilanlan)

Ang pagkakakilanlang kasarian o katauhang pangkasarian (Ingles: gender identity) ay isang paraan ng isang indibidwal sa pagkilala sa kanyang sarili sa isang kategoryang pangkasarian. Halimbawa ay ang pagiging lalaki o babae at sa ibang mga kaso ay wala sa dalawang kategorya. Ang pangunahing pangkasariang pagkakakilanlang ay karaniwang natutuklasan at nabubuo sa edad na tatlong taong gulang at napakahirap mabago matapos ang edad na ito.[1] Bawat lipunan ay may natakda ng kategoryan pangkasarian na nagsisilbing basehan ng pagkakabuo nga panlipunang pagkakakilanlan kaugnay sa ibang miyembro ng lipunan. Kadalasan, ang pangkalahatang pagkakahati sa kasarian ng lalaki at babae ay napagaalaman at napagpapasiyahan sa haynayang kasarian ng tao. Ngunit sa lahat ng lipunan may mailan-ilang tao ang hindi itinuturing ang kanilang sarili na bahagi ng isang kategoryang pangkasarian na nasusunod sa kanilang haynayang kasarian. May mga ibang kultura na nagpapahintulot ng hormonal o operasyon na nakakabago ng pag-aari ng isang tao upang maiangkop ang kanilang haynayang katangian sa kanilang pangkasariang pagkakakilanlan. Sa ibang lipunan ang pagiging kabilang sa kahit anong kategoryang pangkasarian ay tanggap ng mga tao pabaya sa haynayang kasarian. Isang bukas na tanong para sa lahat kung baket ang kategoryang pangkasarian ng ibang tao ay sumusunod o hindi sa pangkalahatang uliran at ang iba ay hindi makilala ang sarili sa alinmang kategoryang pangkakasarian. Maging ang pagkakaibang ito sa likas o pag-aaruga ay nanatiling isang pinag-uusapang paksa sa panlipunan at panghaynayang siyensiya. Karagdagang tanong ay kung gaano nakakaapekto ang henetiko laban sa panlipunang kadahilanan sa pagtuklas at pagbuo ng kasariang pagkakakilanlan ng isang indibidwal.

Ang salitang "pangkasariang pagkakakilanlan", sa katunayan, ay isang medikal na termino na ginagamit bilang pagpapaliwanag sa sex reassignment surgery sa publiko,[2] ngunit natuklasan din na ito ay ginagamit sa sikolohiya, bilang ubod ng pangkasariang pagkakakilanlan.[3] Kahit na ang pagbuo ng pangkasariang pagkakakilanlan ay hindi lubusang naiintindihan maraming kadahilanan ang nakakaapekto sa paglago nito. Haynayang kadahilanan kabilang na ang mga antas ng mga hormona bago ipanganak at pagkaraang maipanganak, at pagreregula ng mga hene.[4] Ang panlipunang kadahilanan tulad ng mga mensahe mula sa pamilya, midya at ibang institusyon.[5] Ang pangkasariang pagkakakilanlan ng isang tao ay apektado din ng teorya ng panlipunang pagkatuto, na nagsasaad na natutuklasan ng mga kabataan ang kanilang pangkasariang pagkakakilanlan sa pamamagitan ng panonood at pangongopya ng mga gawaing may kinalaman sa kasarian, at mga ganitmpala o parusang natatamo sa pagtulad sa mga gawaing ito.[6] May ilang kaso na ang pangkasariang pagkakakilanlan ng isang indibiwal ay hindi naayon sa kanyang haynayang kasarian, nagdudulot ng kakaibang pagbibihin at pagkilos na sa pananaw ng ibang tao ay naiiba sa tradisyonal na kasarian, ang mga ito ay karaniwang tinatawang na pangkasariang pagkakaiba o transhender.[7]

Ang pansariling konsepto o sariling pagkakakilanlan ay ang pag-intindi ng isang tao sa paraan kung paano sila tinitignan at iniintindi ng iba. Ang pangkasariang pagkakakilanlan ay hindi lang ang pagsasalarawan kung saan maipapangkat ang sarili bilang kabahagi ng lalaki o babaeng kasarian; na wala ang konsepto ng pakikihalubilo sa pangkalahatang lipunan, na kung hindi naitatalaga, ang salitang pangkasariang pagkakakilanlan ay mapapawalang saysay. Ang mga taong ang pagkakakilala sa kanilang mga sarili bilang mga transeksuwal ay may pagnanasang tratuhin na kabahagi ng kasariang kabaligtaran ng kanilang karyotipo; subalit ay kadalasang isang simpleng paraan upang baguhin ang kanilang pangangatawan at pamumuhay na tutumbas sa kung ano ang tunay nilang nararamdaman, na maaring wala man lang kinlaman sa kanilang pagiging lalaki o babae.

Sa paglaganap ng pangkasariang pagkakakilanlan na naiimpluwensiyahan ng maraming kadahilanan, maraming problema rin ang kaantabay nito. Isang pangunahing problema ay ang diperensiya sa katauhang pangkasarian na tumatalakay sa matindi at patuloy na damdamin at pagkilala sa kasalungat na kasarain at pagiging hindi kumportable at panatag sa sariling kasarian.[8] Sa kaguluhan o diperensiya ng katauhang pangkasarian, mayroong kawalan ng pagkakasundo ng kasarian noong kapanganakan sa panlabas na kasarian o henitalya ng isang tao at ng pagkokodigo ng utak ng kasarian ng isang tao bilang maskulino o peminino.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "gender identity." Encyclopædia Britannica Online. 11 Marso 2011.
  2. 2.0 2.1 "The term 'gender identity' was used in a press release, 21 Nobyembre 1966, to announce the new clinic for transsexuals at The Johns Hopkins Hospital. It was disseminated in the media worldwide, and soon entered the vernacular. ... gender identity is your own sense or conviction of maleness or femaleness." Money, John (1994). "'The concept of gender identity disorder in childhood and adolescence after 39 years'". Journal of Sex and Marital Therapy. 20 (3): 163–77. PMID 7996589.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. , Richard G. Kopf, Edward Nersessian, Textbook of Psychoanalysis, (American Psychiatric Association, 1996), p. 645.
  4. Money, John (1994). "The concept of gender identity disorder in childhood and adolescence after 39 years". Journal of Sex and Marital Therapy. 20 (3): 163–77. PMID 7996589.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Henslin, James M. (2001). Essentials of Sociology. Taylor & Francis. pp. 65–67, 240. ISBN 0536941858.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Myers, David G. (2008). Psychology. New York: Worth.
  7. Blackless, Melanie; Besser, M., Carr, S., Cohen-Kettenis, P.T., Connolly, P., De Sutter, P., Diamond, M., Di Ceglie, D. (Ch & Adol.), Higashi, Y., Jones, L., Kruijver. F.P.M., Martin, J., Playdon, Z-J., Ralph, D., Reed, T., Reid, R., Reiner, W.G., Swaab, D., Terry, T., Wilson, P., Wylie. K. (2003). "Atypical Gender Development – A Review". International Journal of Transgenderism. 9: 29–44. doi:10.1300/J485v09n01_04. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-10-07. Nakuha noong 2008-09-28.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  8. "Gender Identity Disorder | Psychology Today." Psychology Today: Health, Help, Happiness Find a Therapist. Psychology Today, 24 Oktubre 2005. Web. 17 Disyembre 2010. <http://www.psychologytoday.com/conditions/gender-identity-disorder>.