Pumunta sa nilalaman

Kataas-taasang Pinuno (Hilagang Koreanong titulo)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang kataas-taasang pinuno (Koreano최고령도자) ng Hilagang Korea ay ang de facto pinuno ng Partido ng Mga Manggagawa ng Korea, Koreanong Hukbong Bayan, at Demokratikong Republikang Bayan ng Korea. Noong panahon nang namumuno si Kim Jong-il ay ipinagkaloob ang titulo sa opisina ng Tagapangulo ng Komisyon ng Tanggulang Pambansa. Sa kasalukuyan, hindi ito nakasulat sa saligang batas na isang hiwalay na opisina, ngunit nakasaad doon na ang Pangulo ng Komisyon ng Ugnayang Pampamahalaan ay ang kataas-taasang pinuno ng Hilagang Korea. Sa ngayon, ang posisyong Pangkalahatang Kalihim ng Partido ng Mga Manggagawa ng Korea ang unang priyoridad na posisyong pampolitika ng kataas-taasang pinuno, na hinawakan nina Kim Il-sung at Kim Jong-il, ang una at ikalawang kataas-taasang pinuno ng Hilagang Korea ayon sa pagkakabanggit, at hawak ni Kim Jong-un, ang ikatlo at kasalukuyang kataas-taasang pinuno ng bansa.[1]

Mga Kataas-taasang Pinuno ng Hilagang Korea

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Litrato Pangalan Mga Titulo Panahon Ideolohiya
Kim Il-sung
김일성
(19121994)
Premiyer ng Gabinete ng Demokratikong Republikang Bayan ng Korea 9 Setyembre 1948 – 28 Disyembre 1972 Marxismo-Leninismo
Juche
Sampung Prinsipyo
Tagapangulo ng Sentral Komite ng Partido ng Mga Manggagawa ng Korea 24 Hunyo 1949 – 12 Oktubre 1966
Pangkalahatang Kalihim ng Partido ng Mga Manggagawa ng Korea (Sentral Komite) 12 Oktubre 1966 – 8 Hulyo 1994
Pangulo ng Demokratikong Republikang Bayan ng Korea 28 Disyembre 1972 – 8 Hulyo 1994
Kim Jong-il
김정일
(19412011)
Tagapangulo ng Komisyon ng Tanggulang Pambansa ng Demokratikong Republikang Bayan ng Korea 9 Abril 1993 – 17 Disyembre 2011 Juche
Songun
(Kimilsungismo)
Sampung Prinsipyo
Pangkalahatang Kalihim ng Partido ng Mga Manggagawa ng Korea 8 Oktubre 1997 – 17 Disyembre 2011
Kim Jong-un
김정은
(ipinanganak noong 1983)
Unang Kalihim ng Partido ng Mga Manggagawa ng Korea 11 Abril 2012 – 9 Mayo 2016 Juche
Songun
(Kimilsungismo-Kimjongilismo)
Sampung Prinsipyo
Unang Tagapangulo ng Komisyon ng Tanggulang Pambansa ng Demokratikong Republikang Bayan ng Korea 13 Abril 2012 – 29 Hunyo 2016
Tagapangulo ng Partido ng Mga Manggagawa ng Korea 9 Mayo 2016 – 10 Enero 2021
Pangulo ng Komisyon ng Ugnayang Pampamahalaan ng Demokratikong Republikang Bayan ng Korea 29 Hunyo 2016 – kasalukuyan
Pangkalahatang Kalihim ng Partido ng Mga Manggagawa ng Korea 10 Enero 2021 – kasalukuyan

Kapanahunan ng Pamumuno

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Kim Jong-unKim Jong-ilKim Il-sung

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Supreme Leader Kim Jong Un Cuts Tape for Completion of Sunchon Phosphatic Fertilizer Factory". Kim Il-sung University. Korean Central News Agency (KCNA). 2020-05-02. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-05-17. Nakuha noong 2020-05-02. Kim Jong Un, chairman of the Workers' Party of Korea (WPK), chairman of the State Affairs Commission of the Democratic People's Republic of Korea and supreme commander of the armed forces of the DPRK, attended the ceremony.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)