Katedral ng Myeongdong
Katedral ng Myeongdong Simbahang Katedral ng Birheng Maria ng Inmaculada Concepcion 천주교 서울대교구 주교좌 명동대성당 | |
---|---|
Relihiyon | |
Pagkakaugnay | Katoliko Romano |
Distrito | Arkidiyosesis ng Seoul |
Katayuang eklesyastikal o pang-organisasyon | Katedral |
Lokasyon | |
Lokasyon | Seoul (kabesera), Timog Korea |
Mga koordinadong heograpikal | 37°33′48″N 126°59′14″E / 37.5633°N 126.9873°E |
Arkitektura | |
Uri | Simbahan |
Istilo | Neogotiko |
Groundbreaking | 1892 |
Nakumpleto | 1898 |
Ang Simbahang Katedral ng Birheng Maria ng Inmaculada Concepcion (Latin: Ecclesia Cathedralis Nostrae Dominae de Immaculatae Conceptionis; Koreano: 천주교 서울대교구 주교좌 명동대성당; RR: Cheonjugyo Seoul-daegyogu Jugyo-jwa Myeongdong-daeseongdang),[1] impormal na kilala bilang Katedral ng Myeongdong (명동대성당), ay ang pambansang katedral ng Katoliko Romanong Arkidiyosesis ng Seoul. Matatagpuan sa kapitbahayan ng Myeongdong ng Jung-gu, Seoul, Timog Korea, ito ang luklukan ng Arsobispo ng Seoul na si Kardinal Peter Chung Soon-taick, ang pinakamataas na Katoliko Romanong prelado ng bansa.
Inialay itong dambana sa Mahal na Birheng Maria bilang Inmaculada Concepcion, ang punong Patrona ng Korea buhat ng isang Pontipikal na atas na ipinagkaloob ni Papa Gregorio XVI noong 1841. Nagsisilbi ang katedral bilang isang palatandaan ng komunidad, atraksiyon sa mga turista, at isang kilalang simbolo ng Simbahang Katoliko sa Korea. Itinalaga ng Pamahalaan ng Timog Korea ang katedral bilang isang makasaysayang pook (Blg. # 258) noong 22 Nobyembre 1977.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Simbahang Katedral ng Birheng Maria ng Inmaculada Concepcion Katedral ng Myeongdong | |
Hangul | 명동대성당 |
---|---|
Hanja | 明洞大聖堂 |
Binagong Romanisasyon | Myeongdong Daeseongdang |
McCune–Reischauer | Myŏngdong Taesŏngdang |
Ang Kristiyanismo ay labis na inusig sa ilalim ng dinastiyang Joseon ng Korea. Gayumpaman, ang interes dito ay lumago bilang isang bagong karanasan sa akademiko, at kapansin-pansin sa mga miyembro ng paaralang Silhak (실학; "praktikal na pag-aaral"), naakit sa kanilang nakitang mga egalitaryong halagahan.[2] Ang Katolisismo ay nakakuha ng mga tagasunod noong ika-19 na siglo sa pamamagitan ng gawain ng mga misyonerong Pranses. Ang mga pag-uusig na humantong sa isang ekspedisyong Pranses noong 1866.
Matapos magkaroon ng komersiyal na kasunduan ang dinastiyang Joseon sa Estados Unidos noong 1882, si Marie-Jean-Gustave Blanc, Obispo ng Korea, ay humingi ng lupain upang makabuo ng isang misyon. Sa ilalim ng pangalang Kim Gamilo, nakuha niya ang isang bakanteng lote sa Jonghyeon (Chong-Hyen), nangangahulugang "Burol ng Batingaw"; ngunit dahil sa kalapitan nito sa isang templog Confuciano, tumanggi ang mga Koreano na may maitayo roon.[3] Isang paaralan ang itinayo, at planong magtayo ng isang simbahan na inilagay sa ilalim ng pangangasiwa ng paring Pranses na si Eugéne Jean George Coste sa pagtatapos ng tratadong diplomatikong pangkalakalan sa pagitan ng Korea at Pransiya noong 1887.[3] Sa pook na ito, itinayo ang unang diyosesis ng Joseon at itinayo ang isang gusali upang mapalago ang mga seminarista sa halos 60 mga silid, na ipinakita kay Papa Leo XIII upang kumbinsihin siyang ihiwalay ang teritoryo mula sa Diyosesis ng Beijing.
Noong 1887, sinalungat ni Emperador Gojong ng Korea ang pagtatayo ng katedral at binantaan ang lupa na kukumpiskahin. Pagsapit ng Abril 1888, naglagay ang gobyerno ng Korea ng isang utos ng paghihigpit patungo sa sirkulasyon ng gintong pera, sa isang kontra-Kristiyanong pagtatangka laban sa pagkalat ng Katolisismo sa bansa. Sinuportahan ito ni Emperador Gojong ng Korea, bahagyang dahil sa kaniyang pangamba na ang isang gusali ay itatayo na mas mataas kaysa palasyong imperyal, kung kaya naantala ang buong pagtatayo ng dambana. Noong 28 Abril 1888, inatasan niya ang ministrong pangkalakalan na si Byong-Sik Cho para ihinto ng mga gobyerno ng Amerika, Rusya, at Italya ang pagpopondo sa katedral.
Gayunpaman, si Emperador Gojong ay naging kumbinsido sa halaga ng pagkakaroon ng isang Kristiyanong Katedral at sumang-ayon upang isagawa ang paglalagak ng pundasyong bato noong 5 Agosto 1892. Ang gastos sa konstruksiyon ay humigit-kumulang na US $ 60,000,[3] suportado ng Samahang Banyagang Misyon ng Paris. Dahil sa Unang Digmaang Sino-Hapon, at sa kasunod na pagkamatay ng kapalit na si Eugéne Jean George Coste, ang pagpapasinaya ng katedral ay ipinagpaliban nang maraming taon. Noong Mayo 19 1898, sa wakas ay inialay ito at isinakonsagrado sa Inmaculada Concepcion at pinasinayaan bilang Katedral ng Jong-Hyun.[4] Sa pagtatayo nito, ito ang pinakamalaking gusali sa Seoul.[3]
Noong 1900, ang mga labi ng mga Koreanong Martir na namatay sa pag-uusig noong 1866 ay inilipat sa cripta nito mula sa seminaryo sa Yongsan-gu. Noong 1924, isang tubong organo ang inilagay sa simbahan ngunit dahil sa kagutuman buhat ng Digmaang Koreano ay ninakaw ito at kalaunan ay winasak.
Ang Katoliko Romanong kaparian ay kabilang sa mga nangungunang kritiko ng pamamahalang militar ng Timog Korea noong dekada 70 at 1980, at ang Katedral ng Myeongdong ay naging sentro ng protesta pampolitikang Minjung pati na rin isang santuwaryo para sa mga nagpoprotesta;[5] katunayan, binansagan itong "Mecca" ng mga aktibistang maka-demokrasya.[6] Ang mga Katoliko at hinaharap na Pangulong Kim Dae-jung ay nagsagawa ng kilos-protesta sa katedral noong 1976 upang igiit ang pagbitiw ni Pangulong Park Chung Hee, at humigit-kumulang 600 ang nagprotesta na pinamunuan ng mag-aaral ang nagsagawa ng isang welgang gutom loob ng 1987 matapos ang tortyur at pagkamatay ng estudyante sa unibersidad na si Park Jong-chol.[7]
Ang katedral ay nananatiling isang tanyag na lugar para sa mga nagpoprotesta, dahil sa dating pagtanggi ng gobyerno na magsagawa ng pag-aresto sa mga nagpoprotesta sa loob ng pag-aari ng simbahan. Noong 2000, tinangka ng katedral na opisyal nang ipagbawal ang mga nagpo-protesta na walang paunang pag-apruba matapos ang isang protesta ng mga unyon ng mga manggagawa sa telekomunikasyon ang nambugbog ng mga babaeng nagsisimba at sinira ang pag-aari ng simbahan.[7]
Noong 22 Nobyembre 1977, itinalaga ng gobyerno ng Korea ang katedral bilang Makasaysayang Lugar Blg. 258, na ginawang pangunahing katangian ng kultura at pag-aari ng bansa.
Nag-aalok ang katedral ng Banal na Misa para sa mga dayuhan tuwing Linggo ng umaga, habang ang natitirang mga serbisyo nito ay nasa Koreano.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Myeong-dong Cathedral of the Immaculate Conception of Mary and St. Nicholas, Seoul 서울시, Seoul-teukbyeolsi 서울특별시, South Korea". www.gcatholic.org. Nakuha noong 2016-05-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Seoul International Publishing House (1983). Focus on Korea, Korean History. Seoul. pp. 7–8.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: location missing publisher (link) - ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 F. Ohlinger; H. G. Appenzeller; George Heber Jones (Enero 1898), The Korean repository, bol. 5, p. 239
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "History of Myeong Dong Cathedral". www.mdsd.or.kr. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-04-11. Nakuha noong 2008-05-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Conde, Carlos H. (Abril 3, 2005). "Asians Pay Tribute to the Pope". International Herald Tribune.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ The Associated Press (Marso 7, 2008). "SKorean priests lead campaign against 'economic dictator' Samsung".
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 7.0 7.1 Lee, Dong-min (Marso 22, 2002). "Myeongdong Cathedral Fighting Image of Protest Haven". Korea Herald.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]- (sa Koreano) Opisyal na Website ng Myeongdong Cathedral (Koreano)
- YouTube: Myeongdong Cathedral, Opisyal na Live Streaming - YouTube
- (sa Ingles) Myeongdong Cathedral Ingles impormasyon, na nagbibigay ng kasaysayan, arkitektura at pandekorasyon highlight, iskedyul ng serbisyo, at mga direksyon