Pumunta sa nilalaman

Katedral ng Notre-Dame

Mga koordinado: 48°51′11″N 2°20′59″E / 48.8530°N 2.3498°E / 48.8530; 2.3498
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Notre-Dame de Paris
Ina ng Paris
Notre-Dame de Paris, bago ang sunog noong 2019
48°51′11″N 2°20′59″E / 48.8530°N 2.3498°E / 48.8530; 2.3498
LokasyonParvis Notre-Dame – place Jean-Paul-II, Paris, Pransiya
DenominasyonSimbahang Katolika
Kasapi525,600
Websaytnotredamedeparis.fr
Arkitektura
Estadonapinsala ng sunog, hindi ginagamit; may planadong restorasyon
IstiloPranses na Gothic
Taong itinayo1163–1345
Pasinaya sa pagpapatayo1163 (1163)
Natapos1345
Detalye
Haba128 m (420 tal)
Lapad48 m (157 tal)
Bilang ng tore2
Taas ng tore69 m (226 tal)
Number of spires1 (nasira ng sunog)
Spire height91.44 metro (300.0 tal) (dati)[1]
Kampana10
Pamamahala
ArkidiyosesisParis
Klero
ArsobispoMichel Aupetit
DekanoPatrick Chauvet
RektorPatrick Jacquin
Laity
Director of musicSylvain Dieudonné[2]
Padron:Infobox historic site

Ang Katedral ng Notre-Dame ( /ˌnɒtrə ˈdɑːm,_ˌntrə ˈdm,_ˌntrə ˈdɑːm/;[3][4][5] Pranses: [nɔtʁə dam]  ( pakinggan)), na madalas na tinutukoy bilang Notre-Dame,[a] ay isang Katolikong katedral sa Île de la Cité sa ika-4 na arrondissement ng Paris, France. Ang katedral ay kinonsegra sa Birheng Maria at itinuturing na isa sa mga pinakamahusay na halimbawa ng arkitekturang Pranses na Gothic . Ang makabagong paggamit ng rib vault at flying buttress, ang napakalaking at makukulay na bintanang rosas nito, at ang naturalismo at kasaganaan ng palamuting iskultura ay nagpaiba rito mula sa naunang istilong Romaniko.[6]

Sinimulang itayo ang katedral noong 1160 sa ilalim ni Obispo Maurice de Sully at halos nakumpleto noong 1260, bagama't madalas itong baguhin sa mga sumusunod na siglo. Noong dekada 1790, na-desecrate ang Notre-Dame noong Himagsikang Pranses; ang karamihan sa mga relihiyosong imahe nito ay nasira o nawasak. Noong 1804, naging pook ang katedral ng pagkorona kay Napoleon I bilang Emperador ng Pransiya, at naging saksi sa pagbural ng ilang mga presidente ng Ikatlong Republika ng Pransiya.

Noong 1831, pumukaw ang mas laganap na interes sa katedral matapos lumabas ng nobela ni Victor Hugo na Notre-Dame de Paris (sa Ingles, The Hunchback of Notre-Dame; "Ang Kuba ng Notre-Dame"). Nagtungo ito sa isang malaking proyektong restorasyon sa pagitan ng 1844 at 1864, na pinangangasiwaan ng Eugène Viollet-le-Duc, na siyang nagpatayo ng kilalang toreng patulis ng katedral. Pinagdiwang ang pagpapalaya ng Paris noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa loob ng Notre-Dame noong 1944 sa pag-awit ng Magnificat. Simula noong 1963, nilinis ang harapan ng katedral mula sa ilang siglong pagdapo rito ng dumi. Isa pang proyektong paglilinis at restorasyon ay natupad sa pagitan ng 1991 at 2000.[7]

Isa sa pinakatanyag na simbolo ng lungsod ng Paris at ng Pransiya ang katedral. Bilang katedral ng Arkidiyosesis ng Paris, ang Notre-Dame ay naglalaman ng katedra ng Arsobispo ng Paris. Humigit-kumulang 12 milyong katao ang bumibisita sa Notre-Dame taun-taon, kaya't itong ang pinakabinibisitang bantayog sa Paris.[8]

Habang sumasailalim sa pagsasaayos at renobasyon, nasunog ang bubong ng Notre-Dame sa gabi ng 15 Abril 2019. Nang matapos nang maapula ang sunog matapos ang 15 oras, nakatamo na ng matinding pinsala ang katedral, kasama ang pagguho ng toreng patulis at karamihan sa bubong na yari sa kahoy na binalutan ng tingga sa ibabaw ng batong kisame.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. The name Notre Dame, meaning "Our Lady" is frequently used in names of churches including the cathedrals of Chartres, Rheims and Rouen.
  1. Breeden, Aurelien (15 Abril 2019). "Part of Notre-Dame Spire Collapses as Paris Cathedral Catches Fire". The New York Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Abril 2019. Nakuha noong 15 Abril 2019. {{cite news}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Musique Sacrée à Notre-Dame de Paris". msndp. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Abril 2019. Nakuha noong 15 Abril 2019. {{cite web}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Notre Dame". Collins English Dictionary.
  4. "Notre Dame" Naka-arkibo 2019-04-15 sa Wayback Machine.. Oxford Dictionary of English.
  5. "Notre Dame" Naka-arkibo 2019-04-15 sa Wayback Machine.. New Oxford American Dictionary.
  6. Ducher 1988, pp. 46–62.
  7. "Historique de la construction" (sa wikang Pranses). Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-08-02. Nakuha noong 2 Agosto 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Paris facts". Paris Digest. 2018. Nakuha noong 15 Setyembre 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)