Kokand

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Kokand

Qo‘qon / Қўқон
Palasyo ng Khan
Palasyo ng Khan
Kokand is located in Uzbekistan
Kokand
Kokand
Kinaroroonan sa Uzbekistan
Mga koordinato: 40°31′43″N 70°56′33″E / 40.52861°N 70.94250°E / 40.52861; 70.94250Coordinates: 40°31′43″N 70°56′33″E / 40.52861°N 70.94250°E / 40.52861; 70.94250
Bansa Uzbekistan
RehiyonRehiyon ng Fergana
Pamahalaan
 • HokimMa'rufjon Usmonov
Lawak
 • Kabuuan40 km2 (20 milya kuwadrado)
Taas
409 m (1,342 ft)
Populasyon
(2016)
 • Kabuuan239,900
 • Kapal6,000/km2 (16,000/milya kuwadrado)
Sona ng oras+5
Kodigong postal
150700
Websaytkokand.uz

Ang Kokand (Uzbek: Qo‘qon, Қўқон, قوقان; Persa: خوقند; Chagatai: خوقند, Xuqand; Tajik: Хӯқанд) ay isang lungsod sa Rehiyon ng Fergana sa silangang Uzbekistan, sa timog-kanlurang dulo ng Lambak ng Fergana. Matatagpuan ito 228 kilometro (142 milya) timog-silangan ng Tashkent, 115 kilometro (71 milya) kanluran ng Andijon, at 88 kilometro (55 milya) kanluran ng Fergana. Binansagan itong "Lungsod ng mga Hangin" o kung minsan, "Bayan ng Baboy-ramp. Hango ang pangalang Kokand's mula sa kilalang pamilyang pangkat na "Kokan" na nakabilang sa liping Kongrat ng mga Uzbek.[1]

Ang lungsod ng Kokand ay nasa salubungang-daan ng dalawang pangunahing sinaunang rutang pangangalakal papunta sa Lambak ng Fergana, isa patungong Tashkent sa hilagang-kanluran Tashkent, at ang isa pakanluran sa Khujand. Dahil dito, isa itong pangunahing ruta ng transportasyon sa Lambak ng Fergana.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Umiiral na ang lungsod mula noong ika-10 dantaon sa ilalim ng pangalang Khavakand, at madalas nababanggit sa mga tala ng mga manlalakbay na dumadaan sa mga rutang pampulutong sa pagitan ng India at Tsina. Sinakop ng Dinastiyang Han ng Tsina ang buong lungsod noong unang dantaon B.K. Kalaunan, muling sumalakay ang mga Arabo ang rehiyon mula Dinastiyang Tang. Winasak ng mga Mongol ang Kokand noong ika-13 dantaon.

Nagsimula ang kasalukuyang lungsod bilang isang moog noong 1732 sa sityo ng dating mas-lumang kuta na tinatawag na 'Eski-Kurgan. Noong 1740, ito ay naging kabisera ng kahariang Uzbek, ang Khanate of Kokand na umabot sa Kyzylorda sa kanluran at Bishkek sa hilagang-silangan. Isa rin itong pangunahing sentro ng relihiyon sa Lambak ng Fergana. Sa lungsod pa lamang ay may mga 300 moske.

Nabihag ng mga puwersang imperyal ng Rusya sa ilalim ni Mikhail Skobelev ang lungsod noong 1883, kung kailang naging bahagi ito ng Rusong Turkistan. Ito ay kabisera ng panandalian (1917–18) at kontra-Bolshevik na Provisional Government of Autonomous Turkistan (kilala ngayon bilang Kokand Autonomy).[2] Humingi sila ng kooperasyon mula kina Ataman Dutov at Alash Orda. Subalit hindi gaanong nagtagumpay ang kanilang sugo sa Amir ng Bukhara.

Demograpiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Historical population
TaonPop.±%
1897 81,354—    
1939 84,645+4.0%
1959 105,082+24.1%
1970 133,131+26.7%
1979 152,776+14.8%
1989 182,073+19.2%
1999 est. 192,500+5.7%
2014 est. 187,500−2.6%
2018 est. 246,900+31.7%
Ang mga datos (maliban sa pagtataya 2014) ay hango sa Wikidata. Senso 1989: [3]

Ang populasyon ng Kokand noong ika-24 ng Abril 2014 ay nasa 187,477 katao.

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Географические названия мира: Топонимический словарь. — М: АСТ. Поспелов Е.М. 2001.
  2. The Politics of Muslim Cultural Reform, Jadidism in Central Asia by Adeeb Khalid, Oxford University Press, 2000
  3. "Всесоюзная перепись населения 1989 г. Численность наличного населения союзных и автономных республик, автономных областей и округов, краёв, областей, районов, городских поселений и сёл-райцентров. (All Union Population Census of 1989. Present population of union and autonomous republics, autonomous oblasts and okrugs, krais, oblasts, districts, urban settlements, and villages serving as district administrative centers.)" (sa Russian). Всесоюзная перепись населения 1989 года (All-Union Population Census of 1989). Demoscope Weekly (website of the Institute of Demographics of the State University—Higher School of Economics. 1989. http://demoscope.ru/weekly/ssp/rus89_reg.php. Hinango noong 2010-03-23.