Kolwezi

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Kolwezi
Kolwezi is located in Democratic Republic of the Congo
Kolwezi
Kolwezi
Kinaroroonan sa Demokratikong Republika ng Congo
Mga koordinado: 10°43′S 25°28′E / 10.717°S 25.467°E / -10.717; 25.467
Bansa Demokratikong Republika ng Congo
LalawiganLalawigan ng Lualaba
Itinatag1937
Lawak
 • Kabuuan213 km2 (82 milya kuwadrado)
Taas
1,448 m (4,751 ft)
Populasyon
 (2015[1])
 • Kabuuan572,942
 • Kapal2,700/km2 (7,000/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+2 (Oras ng Lubumbashi)
ClimateCwa

Ang Kolwezi o Kolwesi ay ang kabiserang lungsod ng Lalawigan ng Lualaba sa katimugang bahagi ng Demokratikong Republika ng Congo, kanluran ng Likasi. Mayroon itong paliparan at daambakal na papuntang Lubumbashi. Ang tinatayang populasyon ay humigit-kumulang 453,000 katao.

Malapit sa Kolwezi ang isang plantang static inverter ng HVDC Inga-Shaba.[2]

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Itinatag ang lungsod noong 1937 para maging punong-tanggapan ng kanluraning pangkat ng pagmimina na Union Minière du Haut Katanga.

Labanan sa Kolwezi (1978)[baguhin | baguhin ang batayan]

Pangunahing lathalain: Labanan sa Kolwezi
Labanan sa Kolwezi

Noong ika-13 ng Mayo, 1978 (Sabado), sinakop ng mga dating sundalo ng Katanga ang lungsod, kalakip ng suporta mula sa Angola. Humingi ang noo'y pamahalaang Zaire ng tulong sa Belhika, Pransiya, Maruekos, at Estados Unidos upang maibalik ang kaayusan. Ipinadala ang Ikalawang Rehimyentong Banyaga ng Parakaida (2e REP), isang piling pangkat ng mga parasyutista ng French Foreign Legion, upang palayasin ang mga rebelde at iligtas ang sinumang nabihag. Nagpadala rin ang hukbong Belhikano ng puwersang binubuo ng 750 parasyutista nh Rehimyentong Paracommando at inilipat ang di-bababa sa 1,800 Europeo sa ibang mga lungsod sa rehiyon. Nasawi sa labanan ang 700 mga Aprikano (kasama ang 250 rebelde[3]), 170 mga Europeong nabihag, at anim na mga parasyutista.

Klima[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Kolwezi ay may halumigmig na klimang subtropiko (Köppen climate classification Cwa) na naiimpluwensiyahan ng balaklaot.

Malak ng kapanahunan sa Kolwezi
Buwan Ene Peb Mar Abr May Hun Hul Ago Set Okt Nob Dis Taunan
Balasaking taas °S (°P) 26
(79)
27
(80)
27
(80)
27
(80)
27
(80)
25
(77)
26
(79)
28
(83)
30
(86)
30
(86)
27
(80)
26
(79)
27
(81)
Balasaking baba °S (°P) 16
(60)
16
(60)
16
(60)
15
(59)
13
(56)
11
(51)
11
(51)
13
(55)
14
(58)
16
(60)
16
(60)
16
(60)
14
(58)
Balasaking kadanligan mm (dali) 132
(5.2)
165
(6.5)
230
(9)
66
(2.6)
5
(0.2)
0
(0)
0
(0)
0
(0)
5
(0.2)
66
(2.6)
259
(10.2)
236
(9.3)
1,163
(45.8)
Sanggunian: Weatherbase[4]

Ekonomiya at imprastraktura[baguhin | baguhin ang batayan]

Isang ispesimen ng Kolwezite (lunti), isang bihirang tanso-kobaltong mineral na ipinangalan mula sa lungsod,[5] at kulay-rosas na kalsitang kobalto.

Isang mahalagang sentro ng pagmimina ng tanso at kobalto ang Kolwezi. Mayroon ding mga deposito ng uranyo, radyo, inambatong oksido, at apog. Ang minahán ng Musonoi ay isang set ng mga hantad na hukay (open pits) malapit sa Kolwezi kung saang kinukuha ang tanso at iba pang mga metal mula noong dekada-1940.[6]

Ang kalapit na Lawa ng Nzilo ay nalikha sa pamamagitan ng pagharang sa Ilog Lualaba upang mabigyan ng pinagkukunan ng kuryenteng hidroelektriko at imbakan ng tubig para sa mga gawaing pagmimina.[7][8]

Transportasyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Paliparan ng Kolwezi ay naglilingkod sa Kolwezi at mga karatig-pook nito. Matatagpuan ang paliparan sa layong mga 6 na kilometro (4 na milya) timog ng Kolwezi.[9]

Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. https://www.caid.cd/index.php/donnees-par-villes/ville-de-kolwezi/?domaine=fiche
  2. Dalarnas Tidningar – Ludvika
  3. Général Gaussères. Les enseignements de Kolwezi – Mai 1978, in les Cahiers du Retex n° 12, supplément à Objectif doctrine 37 (published by Centre de doctrine de l'emploi des forces, Ministère de la Défense). On line : "Archived copy" (PDF). Sininop mula sa orihinal (PDF) noong 25 Marso 2009. Hinango noong 2 Nobyembre 2009. Cite uses deprecated parameter |deadurl= (tulong)CS1 maint: archived copy as title (link), 37-31
  4. "Weatherbase: Historical Weather for Kolwezi, Democratic Republic of the Congo". Weatherbase. 2011. Hinango noong 24 Nobyembre 2011.
  5. Kolwezite Mineral Data
  6. "Musonoi Mine, Kolwezi, Katanga Copper Crescent, Katanga (Shaba), Democratic Republic of Congo (Zaïre)". Mindat.org. Hinango noong 4 November 2011.
  7. Davies, Bryan Robert; Walker, Keith F. (1986). The Ecology of river systems. Springer. p. 203. ISBN 90-6193-540-7.
  8. KEITH E. BANISTER, ROLAND G. BAILEY (July 1979). "Fishes collected by the Zaire River Expedition, 1974–75" (PDF). Zoological Journal of the Linnean Society. 66: 205–249. doi:10.1111/j.1096-3642.1979.tb01909.x. Hinango noong 4 December 2011.
  9. "Distance and heading from Kolwezi to airport". WikiMapia. Hinango noong 18 February 2010.

Mga kawing panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]

  • "The French Foreign Legion in Kolwezi"(Broken Promise) [1] By Roger Rousseau aux Editions Rexy ISBN 2-9526927-1-8

Mga koordinado: 10°43′S 25°28′E / 10.717°S 25.467°E / -10.717; 25.467