Pumunta sa nilalaman

Komitas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Komitas

Vardapet
Si Komitas noong 1901[1] o 1902[2]
Kapanganakan
Soghomon Soghomonian

Oktubre 8 [Lumang Estilo Setyembre 26] 1869
Kamatayan22 Oktobre 1935(1935-10-22) (edad 66)
LibinganPanteon ni Komitas
NasyonalidadArmenio
EdukasyonSeminaryong Gevorkyan
PamantasangHumboldt University ng Berlin
TrabahoMusikologo, kompositor, maestro sa koro
Aktibong taon1891–1915
Websitekomitasmuseum.am
Pirma

Si Soghomon Soghomonian,[A] inordina at karaniwang kilala bilang Komitas,[B] (Armenyo: Կոմիտաս; Oktubre 8 [Lumang Estilo Setyembre 26] 1869 – Oktubre 22, 1935) ay isang Armeniong pari, musikologo, kompositor, tagaareglo, mang-aawit, at maestro ng koro, na tinuturing na tagapagtatag ng pambasang paaralan ng musika sa Armenia.[4][7] Kinikilala siya bilang isa sa mga tagapanguna ng etnomusikolohiya.[8][9]

Ulila noong bata pa siya, dinala si Komitas sa Etchmiadzin, ang relihiyosong sentro ng Armenia, kung saan nakatanggap siya ng edukasyon sa Seminaryong Gevorkyan. Pagkatapos ng kanyang ordinasyon bilang vardapet (selibatong pari) noong 1895, nag-aral siya ng musika sa Pamantasang Frederick William sa Berlin. Pagkatapos noon, "ginamit niya ang kanyang Kanluraning pagsasanay upang itaguyod ang isang pambasang tradisyon".[10] Kinolekta at sinalin niya ang higit sa 3,000 piraso ng musikang pambayan, na higit sa kalahati nito ay nawala sa kalaunan at mayroon sa mga 1,200 na lamang ang nananatili. Maliban sa mga musikang pambayang Armenio, nagkaroon din siya ng interes sa ibang kalinangan at noong 1903, nilathala niya ang kauna-unahang koleksyon ng musikang pambayang Kurdo na pinamagatang Kurdish melodies. Tinanghal ng kanyang koro ang musikang Armenio sa maraming lungsod sa Europa, na umani ng mga papuri ni Claude Debussy, at iba pa. Nanirahan si Komitas sa Constantinople noong 1910 upang tumakas sa pagmamaltrato ng sobrang konserbatibong klerigo sa Etchmiadzin at upang ipakilala ang musikang pambayang Armenio sa mga malawak na tagapakinig. Malawak siyang tinanggap ng pamayanang Armenio, habang tinawag siya ni Arshag Chobanian bilang ang "tagapagligtas ng musikang Armenio."[11]

Noong panahon ng Henosidyong Armenyo—kasama ng daan-daang ibang mga intelektuwal na Armenio—ipinatapon at inaresto si Komitas sa isang bilangguang kampo noong Abril 1915 ng pamahalaanng Otomano. Maaga siyang pinakawalan sa ilalim ng hindi malinaw na kalagayan at nakaranas ng pagkasira ng kaisipan at nagkaroon ng matinding kaso ng posttraumatic stress disorder (PTSD) o sakit pagkatapos ng isang traumatikong istres. Ang laganap na napopoot na kapaligiran sa Constantinople at ang mga ulat ng malawakang patayan at martsa ng kamatayan na umabot sa kanya ay mas lalo pang nagpalala sa kanyang marupok na katayuang kaisipan. Una siyang nilagay sa isang ospital na pinapagana ng Turkong militar hanggang 1919 at pagkatapos nito ay nilipat sa saykayatrikong ospital sa Paris, kung saan naglagi siya sa mga huling taon ng kanyang buhay sa matinding paghihirap. Nakikita si Komitas ng marami bilang isang martir ng henosidyo at isinalarawan bilang isa sa mga pangunahing simbolo sa sining tungkol sa Henosidyong Armenio.[12]

  1. Սողոմոն Սողոմոնեան sa klasikal na ortograpiya Սողոմոն Սողոմոնյան sa repormadong ortograpiya. Naka-anglikanisado minsan bilang Solomon Solomonian.[3][4]
  2. Malawak siyang kilala bilang Komitas (may transliterasyon na Gomidas mula Kanlurang Armenio) lamang. Ang kanyang ranggo sa simbahan, ang Vardapet, ay kadalasang ginagamit kasama ng kanyang pangalan: Komitas Vardapet (Կոմիտաս Վարդապետ), Gomidas Vartabed sa Kanlurang Armenio. Noong unang bahagi ng dekada 1900, at hanggang 1908, pumipirma siya bilang Soghomon Gevorgian (Kevorkian o Keworkian),[5] hango sa Seminaryong Gevorkyan.[6]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Soulahian Kuyumjian 2001, p. 46.
  2. "Etchmiadzin. 1902" (sa wikang Ingles). Virtual Museum of Komitas. Nakuha noong 21 Pebrero 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Lang, David Marshall (1980). Armenia: Cradle of Civilization (sa wikang Ingles). London: Allen & Unwin. p. 256. ISBN 9780049560079.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 "Komitas". Encyclopædia Britannica (sa wikang Ingles). Nakuha noong 26 Enero 2014. Komitas [...] created the basis for a distinctive national musical style in Armenia.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "The Monthly Musical Record". The Monthly Musical Record (sa wikang Ingles). London: Augener. 30: 15. 1900.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Soulahian Kuyumjian 2001, pp. 45–46.
  7. Editorial Board (1969). "Հայ ազգային երաժշտության հիմնադիրը [The Founder of Armenian National Music]". Lraber Hasarakakan Gitutyunneri (sa wikang Armenio). Yerevan: Armenian Academy of Sciences (11): 3–6. Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-05-21. Nakuha noong 2020-10-15.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: unrecognized language (link)
  8. Poladian 1972: "He was among the pioneers in ethnomusicology, a younger contemporary of Carl Stumpf (1848–1936)."
  9. McCollum, Jonathan Ray (2004). "Music, Ritual, And Diasporic Identity: A Case Study Of The Armenian Apostolic Church" (PDF) (sa wikang Ingles). University of Maryland. p. 11. Nakuha noong 4 Pebrero 2014. Komitas Vardapet, considered a pioneer in ethnomusicology, turned his attention to the anthropological, sociological, and historical aspects of comparative musicology.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Crutchfield, Will (5 Oktubre 1987). "Music Noted in Brief; Choir From Armenia at Avery Fisher Hall". The New York Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 26 Enero 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Soulahian Kuyumjian 2001, p. 51.
  12. Soulahian Kuyumjian, Rita. Archeology of Madness: Komitas, Portrait of an Armenian Icon. Edition: 2, Reading, England: Taderon Press; Princeton, NJ: Gomidas Institute, 2001, p. 3. (sa Ingles)