Kristallnacht
Ang Kristallnacht (Aleman; tinatawag ding Reichskristallnacht, Reichspogromnacht; Tagalog: Gabí ng Salamíng Baság) ay may halos dalawang araw na pogrom (serye ng mga atake laban sa mga Hudyo) sa Alemanyang Nazi at iilang mga bahagi ng Austria noong Nobyembre 9 at Nobyembre 10, 1938. Tinatayang 30,000 mga Hudyo ang inilipat papuntang mga kampo ng konsentrasyon, at mahigit sa 1,500 mga sinagoga ang dinambong at bahagyang nawasak. Gayundin, halos lahat ng mga sementeryong panghudyo sa Alemanya at Austria ang nasira. Ito ang palatandaan ng pagbabago magmula sa diskriminasyon laban sa mga Hudyo na naging pag-uusig at deportasyon ng mga ito.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Napag-alaman ni Herschel Grynszpan (ibang babaybay: Grünspan), isang Hudyong may 17 taong gulang na naninirahan sa Paris, Pransiya, na ang buo niyang pamilya ay pinabalik sa Zsbaszyn, Polonya, bagaman ang mas nakababatang mga bata ay ipinanganak sa Alemanya. Kumuha siya ng isang baril, at pinaputukan niya si Ernst Eduard vom Rath, na kalihim ng embahada ng Alemanya sa Paris, noong Nobyembre 7. Namatay si vom Rath dahil sa natamo niyang mga sugat noong Nobyembre 9.
Hindi malinaw ang motibo ni Grynszpan. Sa isang paglilitis na panghukuman noong 1942, sinabi niyang ito ay buhat ng paghihiganti, at ninais niya sanang barilin ang embahador, ngunit sa halip ay natamaan ang kalihim.
Ginamit ito ng NSDAP ang pangyayaring ito bilang isang dahilan upang samsamín ang mga ari-arian ng mga Hudyo. Nagkaroon ng isang kahalintulad na kaganapan noong Pebrero 1936 subalit halos walang kinahinatnán. Pagkaraan, nagpaputok ng baril si David Frankfurter, isang estudyanteng Hudyo, sa kalihim ng NSDAP na si Wilhelm Gustloff. Noong panahong iyon, hindi nakakilos ang NSDAP dahil sa Olimpikong Pang Tag-init sa Berlin noong 1936.
Karagdang mababasa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Schultheis, Herbert. Die Reichskristallnacht in Deutschland nach Augenzeugenberichten (Bad Neustädter Beiträge zur Geschichte und Heimatkunde Frankens 3). Bad Neustadt a. d. Saale: Rötter Druck und Verlag. 1985. ISBN 978-3-9800482-3-1.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan, Alemanya at Awstriya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.