Pumunta sa nilalaman

Kulo-kulo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Kulo-Kulo
Katayuan ng pagpapanatili
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Orden:
Pamilya:
Sari:
Espesye:
G. platenae
Pangalang binomial
Gallicolumba platenae
(Salvadori, 1891)

Ang kulo-kulo (Gallicolumba platenae) (Ingles: Mindoro bleeding heart) o la-do, manatad, manuk-manuk, punay, at puñalada sa mga katutubong Mangyan ay isang uri ng kalapating mababa ang lipad na matatagpuan lamang sa isla ng Mindoro sa Pilipinas.[1] Ayon sa International Union for Conservation of Nature o IUCN, ang kulo-kulo ay lubhang nanganganib nang maubos.[2] Sadyang napakailap ng nasabing kalapati kaya di-matantiya ang nalalabing dami nito, ngunit sa pagkakatala nito bilang "critically endangered" o lubhang nanganganib nang maubos, nangangahulugang kakaunti na lamang sa 500 ang natitirang bilang nito.[1]

Tirahan at pagkain

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mula 1980, naitala lamang sa aapat na lugar sa Mindoro ang nasabing ibon. Ito ay sa Puerto Galera, MUFRC Experimental Forest, Bundok Siburan at sa Liwasang Pambansa ng Bundok Iglit-Baco. Ngunit mayroon ding mga di-kumpirmadong ulat kung saan ito'y nakita sa walo pang lugar na patunay na kalat pa ang natitirang populasyon nito.

Ang kalapating ito ay naninirahan sa mga tuyo at mabababang pangunahin at pangalawang klaseng kagubatan na natatakpan ng suson hanggang sa mga bundok na di-lalagpas ang taas sa 750m at bahagya lamang ang mga libis. Hindi alam kung ito'y lumilipat o umaalis sa kanilang tinitirhan kapag nagbabago ang panahon o upang manginain.

Karaniwang kinakain ng mga kulo-kulo ang mga nahuhulog na tuyong buto ng mga prutas, ratiles at bulati. Nakikita rin itong nanginginain sa mabababang sanga ng mga puno at sa mga puno ng balete. Naitala na tuwing buwan ng Mayo ito nagkikipagkastahan.[2]

  1. 1.0 1.1 Bleeding Heart Pigeon. Official Website of Mamburao, Philippines. [1] Naka-arkibo 2011-09-14 sa Wayback Machine.. Hinango 2011-09-16. (sa Ingles)
  2. 2.0 2.1 2010. Gallicolumba platenae. In: IUCN 2011. IUCN Red List of Threatened Species. Version 2011.1. [2]. Hinango 2011-09-16. (sa Ingles)