Pumunta sa nilalaman

Kalinangang Kanluranin

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Kulturang pangkanluran)
Ang Lalaking Vitruviano o Taong Vitruviano ni Leonardo da Vinci, na isang sagisag ng kahalagahan ng humanismo at empirisismo sa kulturang Kanluranin magmula pa noong Renasimyento.

Ang kalinangang Kanluranin o kulturang Kanluranin, na minsang itinutumbas sa kabihasnang Kanluranin, sibilisasyong Kanluranin, kabihasnang Europeo, o sibilisasyong Europeo, ay ang mga kalinangan o kultura na pinagmulan sa Europa at ginagamitan na napaka malawakan na pagtukoy sa pamanang pangkalinangan ng mga pamantayang ugali ng lipunan, mga pagpapahalagang pang-etika, mga nakaugaliang kinapamihasnan, mga paniniwalang pangpananampalataya, mga sistemang pampolitika, at tiyak na mga artipaktong pangkalinangan, at mga teknolohiya.

Nagsasanga ang kulturang pangkanluran o kalinangang pangkanluran mula sa dalawang pinagkunan: ang Panahong Klasikal ng panahong Griyego at Romano at ang impluwensiya ng Kristiyanismo. Ang mga tema at mga tradisyong makasining, pampilosopiya, pampanitikan, at batas na Kanluranin; ang mga pamanana ng mga pangkat na etniko at pangwika (lingguwistiko), natatangi na ng Europang Latin, Seltiko, mga taong Hermaniko, at kabihasnang Helenistiko (sibilisasyong Heleniko); pati na ang kaugalian ng rasyonalismo sa samu't saring mga nasasakupan ng buhay, na pinaunlad ng pilosopiyang Helenistiko, Iskolastisismo, mga Humanismo, Himagsikang Pang-agham, at ang Panahon ng Kamulatan; at kasama, sa kaisipang pampolitika, ang malaganap na argumentong rasyonal (debate o balitaktakan) na nakakiling para sa malayang kaisipan, mga karapatang pantao, egalitaryanismo (pagkakapantay-pantay), at demokrasya.

Ang katagang ito ay naging ginagamit para sa bansa na ang kasaysayan ay malakas na namarkahan ng imigrasyon o pananahanang Europeo papunta sa mga pook na katulad ng Kaamerikahan at Australasya, at hindi nakatuon lamang sa Kanlurang Europa.

Ang mga tala na pangkasaysayan ng kulturang kanluranin sa loob ng nasasaklawang pangheograpiya nito sa Europa ay nagsisimula sa Sinaunang Gresya, at pagkaraan ay sa Sinaunang Roma, Pagsasakristiyano noong Gitnang Kapanahunan sa Europa, at reporma at modernisasyon na nag-umpisa sa Renasimyento, at naging globalisado sa pamamagitan ng sunud-sunod na mga imperyong pangkolonya ng Europa (mga imperyong Europeo) na nagpakalat ng mga kaparaanan sa pamumuhay at edukasyon ng mga Europeo (mga taga-Europa) sa pagitan ng ika-16 at ika-20 mga daantaon. Umunlad ang kalinangang Europeo o kulturang Europeo na may isang masalimuot na sakop na pilosopiya, iskolastisismo at mistismong midyibal, at humanismong Kristiyano at sekular. Ang makatwirang pag-iisip ay umunlad sa pamamagitan ng isang mahabang panahon ng pagbabago at talatag (pormasyon) na may mga eksperimento sa pagkamulat, naturalismo, romantisismo, agham, demokrasya, at sosyalismo. Dahila sa kaugnayang pandaigdig, yumabong ang kulturang Europeo na kasamang lahat ang udyok na kumandili, umangkop, at sa pinakasukdulan ang makaimpluwensiya ng iba pang mga kalakarang pangkultura.

Ilan sa mga daloy ng kaisipan na nagbigay ng kahulugan sa makabaagong mga lipunang Kanluranin ay ang pagkakaroon ng pluralismong pampolitika, tanyag na mga subkultura (kabahaging mga kultura) o mga kontrakultura (mga pasalungat na kultura, na katulad ng mga kilusan ng Bagong Panahon), at tumataas na sinkretismo na nagresulta mula sa globalisasyon at migrasyong pantao.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]


Kultura Ang lathalaing ito na tungkol sa Kalinangan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.