Daloy ng kuryente
Daloy ng kuryente | |
---|---|
Mga kadalasang simbulo | I |
Yunit SI | ampere |
Pagkahango mula sa ibang kantidad | |
Dimensiyon |
Ang saloy o daloy ng kuryente (Kastila: corriente eléctrica, Ingles: electric current) ay isang pagdaloy ng karga ng kuryente sa pamamagitan ng konduktor na isang medyum o kasangkapang. Sa ibang pananalita, ito ang pag-agos ng karga ng kuryente.[1] Dinadala ng umaagos na karga ng kuryente sa pamamagitan ng, halimbawa, mga magalaw na elektron sa isang daluyan, mga iono sa isang elektrolito o pareho sa isang plasma.[2]
Sa mga sirkitong elektriko, ang kargang ito ay kadalasang dinadala ng mga gumagalaw na dagisik (elektron) sa isang kawad. Ito ay maaari ring dalhin ng mga iono sa isang elektrolita o ng parehong iono at dagisik gaya ng sa isang plasma.[3]
Ang yunit SI sa pagsukat ng rate ng daloy ng kargang elektriko ang ampere o amperyo na isang kargang dumadaloy sa isang surpasiyo sa antas ng isang coulomb kada segundo. Ang kuryenteng elektrikal (daloy ng kuryente) ay sinusukat ng isang ammetro o amperimetro.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 Lakatos, John; Oenoki, Keiji; Judez, Hector; Oenoki, Kazushi; Hyun Kyu Cho (Marso 1998). "Learn Physics Today!" (sa wikang Ingles). Lima, Peru: Colegio Franklin D. Roosevelt. Nakuha noong 2009-03-10.
- ↑ Anthony C. Fischer-Cripps (2004). The electronics companion (sa wikang Ingles). CRC Press. p. 13. ISBN 9780750310123.
- ↑ Anthony C. Fischer-Cripps (2004). The electronics companion (sa wikang Ingles). CRC Press. p. 13. ISBN 978-0-7503-1012-3.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Elektronika at Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.