Lalawigang Romano
Sa sinaunang Roma. ang lalawigan (Latin: provincia, na nagiging provinciae kapag maramihan) ay ang pangunahin, pinakamalaking sakop at administratibong yunit ng pag-aaring teriyoryal sa labas ng Tangway ng Italya hanggang sa pagkabuo ng mga Tetrarkiya (sirka 296). Ang salitang province sa makabagong Ingles ay may pinagmulan sa terminong ginamit ng mga Romano.
Ang mga lalawigan ay pangkalahatang pinamumunuan ng mga politiko sa antas na Senador na kadalasa'y naging mga konsul o naging mga preator. Ang naiiba lamang ay ang lalawigan ng Ehipto na isinama n Augustus matapos ang kamatayan ni Cleopatra. Ito ay pinamunuan ng isang gobernador sa antas ng ekwestriyan, marahil bilang isang pagpapakawalang pag-asa sa ambisyon sa Senado. Kakaiba itong pamumunong ito ngunit hindi salungat sa batas ng Roma dahil ang Ehipto ay tinitingnan bilang pansariling ari-arian ni Augustus na sumusunod sa kinaugalian ng mga naunanang mga haring Helenistiko.
Mga lalawigang Republikano
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang salitang provincia ay unang nangahulugang bilang isang karaniwang gawain o panunungkulan sa loob ng Republikang Romano. Sa ilalim ng Republikang Romano, ang mga mahistrad ay nahahalal sa panunungkulan sa loob ng isang taon at ang mga naglilingkod sa labas ng lungsod ng Roma gaya ng mga konsul sa mga kampanya ay tinalaga sa isang taging "probinsiya" na isang lugar ng pamamahala. Ang salita ay hindi nakakuha ng isang depinidong teitoryal na pag-uunawa hanggang ang Roma a nagsimulang magpalawak ng mga sakop nito sa labas ng Italya noong Unang Digmang Punic at ang mga unang permanentang mga lalawigan nito (Sicily noong 241 BC at Sardinia noong 237 BC) ay naitatag.
Sa simula ng bawat taon, ang mga lalawgan ay ipinapili sa mga panghinaharap na mga egobernador ng mga maramihan o tuwirang paghirang. Karaniwan, ang mga lalawigan na may inaasahang mga pahamak — gaya ng mga pagsugod ng mga barbaro o pangloob na mga rebelyon — ay nabigay sa mga aktibo o naunang mga konsul, mga kalalakihang may pinakamalaking karangalan at kasanayan, samantalang ang natitira ay binibgay sa mga preator at propaetor.
Ang pagpapakalat ng mga lehiyon sa mga lalawigan ay naka-ayon din sa laki ng panganib na naroroon. Halimbawa, ang lalawigan ng Lusitania ay walang permanenteng lehiyon ngunit ang Germania Inferior, na kung saan ang pangharang sa Ilog Rhine ay hindi pa nailalagay ay may kampamyento ng apat na lehiyon. Ang mga masuliraning mga lalawigang ito ay pinakagusto ng mga panghinaharap na mga gobernador. Ang suliranin ay nangangahulugang mga digmaan at ang mga digmaan ay inaasahang magdadala ng mga nakaw, mga alipin na maibebenta at iba pang mga pagkakataon para magpayaman.
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Map of the Roman Empire Naka-arkibo 2006-11-28 sa Wayback Machine.
- Map of the Roman Empire in year 300
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Early Imperial Roman provinces, at livius.org Naka-arkibo 2006-06-16 sa Wayback Machine.
- Westermann, Großer Atlas zur Weltgeschichte (sa Aleman)
- Loewenstein, Karl (1973). The Governance of Rome. Springer. ISBN 9024714583.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Chris Scarre, "The Eastern Provinces," The Penguin Historical Atlas of Ancient Rome (London: Penguin Books, 1995), 74-75.