San Petersburgo

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Leningrad)
Jump to navigation Jump to search
San Petersburgo

Санкт-Петербург
SPB Collage 2014-3.png
Watawat ng San Petersburgo
Watawat
Eskudo de armas ng San Petersburgo
Eskudo de armas
Palayaw: 
Питер
Saint Petersburg in Russia (detail, special marker).png
Mga koordinato: 59°57′N 30°19′E / 59.95°N 30.32°E / 59.95; 30.32Coordinates: 59°57′N 30°19′E / 59.95°N 30.32°E / 59.95; 30.32
BansaRussia
Bahagi ngHilagang-kanlurang Pederal na Distrito
Sa pangangasiwa ngRussia
Itinatag27 Mayo 1703
Ipinangalan kay (sa)San Pedro
Bahagi
Pamahalaan
 • Governor of Saint PetersburgAlexander Beglov
Lawak
 • Kabuuan1,439 km2 (556 milya kuwadrado)
Populasyon
(2018)
 • Kabuuan5,351,935
 • Kapal3,700/km2 (9,600/milya kuwadrado)
ISO 3166 codeRU-SPE
Plaka ng sasakyan78
Websaythttp://gov.spb.ru

Ang Saint Petersburg (San Petersburgo) o Sankt-Peterburg (Siriliko: Санкт-Петербург), kolokyal na kilala bilang Piter (Питер) at dating kilala bilang Pedrograd o Petrograd (Петроград) mula 1914 hanggang 1924 at Leningrad (Ленинград) mula 1924 hanggang 1991, ay isang lungsod na matatagpuan sa hilagang-kanlurang Rusya sa delta ng Ilog Neva sa silangang dulo ng Golpo ng Finland sa Dagat Baltic.

Itinatag ito ni Dakilang Pëtr noong 1703 bilang "bintana sa Europa" at nagsilbi ito mula noon bilang kabisera ng Rusya noong panahong imperyal nito hanggang 1918. Sa taglay nitong populasyon ng 4.7 milyon (2002), ito ngayon ang ikalawang pinakamalaking lungsod sa Rusya, ang ikaapat na pinakamalaki sa Europa, at isang pangunahing sentrong pangkulturang Europeo at ang pinakamahalagang seaport ng Rusya sa Dagat Baltic.

Ang Kastilyong San Miguel

Ang Sankt-Peterburg ang pinakahilagang lungsod sa daigdig na may populasyong humihigit isang milyon. Bilang kapital pampolitika at pangkultura ng Rusya nang higit 300 taon at dahil sa pagpapanatili nito mula noon ng kanyang kaluwalhatian at karingalan, madalas itong tinatawag na “Hilagang Kapital” at idineklarang isang World Heritage Site ng UNESCO.

Ang Ilog Neva ang tinatawag na pangunahing lansangan ng Sankt-Peterburg

Ang Sankt-Peterburg ang sentrong pang-administrasyon ng Leningradskaja oblast’ (na hiwalay sa lungsod) at ng Severo-Zapadnyj federal’nyj okrug.

Ang kompleks ng Èrmitaž at ang Palasyong pantagginaw sa kanan

Lingks palabas[baguhin | baguhin ang batayan]



Rusya Ang lathalaing ito na tungkol sa Rusya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.