Pumunta sa nilalaman

Linux

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Linux kernel)
Linux
Tux ang penguin
Si Tux ang penguino, ang maskot ng Linux[1]
GumawaMga tagapamahagi ng komunidad,
Linus Torvalds
Sinulat saC, assembly language, at mga iba
PamilyaUnix-like
Estado ng pagganaKasalukuyan
Modelo ng pinaggalinganOpen source
Unang labas17 Setyembre 1991; 33 taon na'ng nakalipas (1991-09-17)
Repositoryogit.kernel.org/pub/scm/linux/kernel/git/torvalds/linux.git/
Layunin ng pagbentaCloud computing, embedded devices, mainframe computers, mobile devices, personal computers, servers, supercomputers
Magagamit saMultilingual
PlatapormaAlpha, ARC, ARM, C-Sky, Hexagon, IA-64, LoongArch, m68k, Microblaze, MIPS, Nios II, OpenRISC, PA-RISC, PowerPC, RISC-V, s390, SuperH, SPARC, x86, Xtensa
Uri ng kernelMonolithic
UserlandGNU, BusyBox
User interface
LisensiyaGPLv2[2]
Opisyal na websitekernel.org
Mga artikulo sa serye
Linux kernel
Linux distribution
Ang Ubuntu 23.04 "Lunar Lobster"

Ang Linux (pagbigkas: IPA: /ˈlɪnʊks/, lin-uks) ay isang operating system kernel para sa mga operating system na humahalintulad sa Unix. Isa ang Linux sa mga pinaka-prominanteng halimbawa ng malayang software at pagsasagawa ng open source (bukas na pinagkukunang kodigo); madalas, malayang mapapalitan, gamitin, at maipamahagi ninuman ang lahat ng pinag-ugatang source code (pinagmulang kodigo).

Ang kauna-unahang paglabas sa publiko ng Linux kernel ay noong 17 Setyembre 1991, para sa arkitektura ng Intel x86 PC. Sinama ang kernel sa system utilities at libraries mula sa proyektong GNU upang makalikha ng isang magagamit na operating system, kung saan nabuo ang iminumungkahing, alternatibong terminong GNU/Linux. Naka-empake ang Linux para sa iba't-ibang gamit sa mga ipinapamahaging Linux, kung saan ito'y naglalaman ng minsa'y nabagong kernel kasama ng mga iba't-ibang software packages para sa iba't-ibang pangangailangan.

Mas kilala ang Linux bilang pang-server, sinusuportahan ang Linux ng mga korporasyon gaya ng Dell, Hewlett-Packard, IBM, Novell, Oracle Corporation, Red Hat, at Sun Microsystems. Ginagamit rin ito bilang operating system sa mga hardwer ng kompyuter, kagaya ng kompyuter pang-desktop, mga supercomputer, mga sistemang larong bidyo, tulad ng PlayStation 2, 3, at ng marami pang larong arcade, at kagamitang naka-embed, tulad ng mga cellphone at mga router.

Noong 1992, pinaliwanag ni Linus Torvalds na ang kanyang pagbanggit sa Linux ay /ˈlɪnʊks/, ngunit madalas ding gamitin ang ibang baryasyon ng karamihan.

Ang Unix operating system ay ginawa at ginamit noong dekada 1960 at una namang inilabas noong kaagahan ng dekadang 1970. Nangangahulugan malawakang tinanggap ang palagiang mayroon at madaling paglipat nito. Kinopya at pinalitan ng mga institusyong akademya at mga kalakalan at sa kanyang disenyo, naimpluwensiyahan ang mga may-akda ng iba pang mga sistema.

Sinumulan noong 1984, ang isang diumano'y sistemang halintulad ng Unix na tinawag na GNU, na ang tanging mithiin ay ang lumikha ng "kumpletong sistemang software na maaaring gamitin sa Unix"[3] na gawa lamang sa purong malayang software. Noong 1985, itinatag ni Richard Stallman ang Free Software Foundation at gumawa ng GNU General Public License (GNU GPL), upang maipamahagi ang software ng malaya. Ginawa at natapos noong kaagahan ng 1990 ang marami sa programang kinakailangan sa isang OS (gaya ng libraries, compilers, text editors (nagbabago ng teksto), isang Unix shell, at sistemang window), ngunit ang mga mababang antas na bahagi gaya ng device drivers, daemons, at ang kernel ay naumpisahan ngunit di pa tapos.[4] Nabanggit ni Linus Torvalds na kung nagkataon na yari na noon ang GNU kernel, hindi na siya marahil nagpasyang gumawa ng sarili niya.[5]

Linus Torvalds, gumawa ng Linux kernel

Unang naisapubliko ang MINIX, isang sistema na halintulad ng Unix na ginawa para sa anumang academya, ni Andrew S. Tanenbaum noong 1987. Habang mayroon na ang kodigong pinagmulan, ipinagbawal ang pagpapalit at pagpapamahagi nito. Karagdagan pa nito, hindi umaakma ang disenyong 16-bit ng MINIX's sa disenyong 32-bit ng napakamura at mas nagiging kilalang arkitekturang Intel 386 para sa mga personal na kompyuter.

Noong 1991, sinimulan ni Linus Torvalds na gumawa ng isang hindi binebentang kapalit ng MINIX habang nag-aaral siya sa University of Helsinki.[6] Ito ang proyektong kilala ngayon bilang Linux kernel.

Noong una, nakadepende ang Linux sa MINIX userspace. Nang malayang mayroon na ang kodigo mula sa sistemang GNU, kapakipakinabang ito dahil magagamit ito sa bagong OS. Maaaring gamitin sa ibang proyekto ang anumang kodigo na lisensiyado sa ilalim ng GNU GPL, hangga't maipapamigay sa ilalim ng pareho o akmang lisensiya itong ibang proyekto. Upang maging akma ang Linux kernel sa mga komponente mula sa Proyektong GNU, pinalitan ni Torvalds ang orihinal na ginagamit na lisensiya (na nagbabawal sa pagbebenta) para sa kanyang kernel at ginamit ang GNU GPL.[7] Ang Linux at ang mga gumagawa (developer) ng GNU ay nagtrabaho upang maipagisa ang komponente ng GNU sa Linux para makalikha ng isang gumaganang malayang operating system.[4]

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ngayon, ginagamit ang Linux ng maraming dominyo, mula sa sistemang naka-embed[8] hanggang supercomputers,[9] at lugar na matindi ang seguridad sa pag-luklok ng server kasama ng kilalang aplikasyong LAMP.[10] Itinuloy ni Torvalds ang pangangasiwa ng paggawa ng kernel. Habang si Stallman ay namumuno sa Free Software Foundation, na patuloy na sinusuportahan ang mga komponenteng GNU. Sa wakas, tumulong ang mga indibidwal at mga korporasyon na gumawa ng mga komponenteng third-party (ikatlong partido) na hindi gawang GNU. Binubuo ang mga komponenteng third-party ng malawak na gawain at maaaring kasama ang kernel module at aplikasyon ng tagagamit at libraries. Naghahalo, nagsasamasama at nagpapamigay ng kernel, komponenteng GNU, at mga komponente na hindi gawang GNU, kasama ng mga package management software bilang isang ipinapamahaging Linux ang nagtitinda ng Linux at komunidad.

Karapatang-ari at pagpa-pangalan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Linux kernel at karamihan sa GNU software ay naka-lisensiya sa ilalim ng GNU General Public License (GPL), besyong 2. Dahil sa GPL, kinakailangang ng sinumang namamahagi ng Linux kernel ang marapat na pamamahagi rin ang kodigo (at kung anumang pagkakaiba sa orihinal) sa mga tatanggap sa ilalim ng parehong kundisyon. Noong 1997, nabanggit ni Linus Torvalds na ang paglilipat ng lisensiya ng Linux sa GPL ang tunay the pinakamagandang nagawa niya.”[11]

Ang ibang susing komponente ng isang Linux system ay maaaring gumamit ng ibang lisensiya; marami sa libraries ang gumagamit ng GNU Lesser General Public License (LGPL), isang mas mapagpahintulot na klase ng GPL, at ang X Window System ay gumagamit ng Lisensiyang MIT.

Binanggit ni Torvalds sa publiko na hindi niya gagawing palitan ang lisensiya ng Linux kernel sa version 3 ng GPL, ipinamahagi noong kalagitnaan ng 2007, tinutukoy nito ang pagpalit sa bagong lisensiya na nagbabawal sa paggamit software sa digital rights management.[12][13]

Isang pag-aaral noong 2001 sa Red Hat Linux 7.1 na nakita na itong distribusyon ay naglalaman ng 30 milyong linya ng pinagmulang kodigo. Gamit ang Constructive Cost Model, sinabi ng pag-aaral na nangangailangan ang distribusyon ito ng mga walong libong taon (12 ng buwan bawat taon) ng paglikha. Ayon sa pag-aaral, kapag nilikha ang lahat nitong software sa isang konbensiyonal na proprietary, ibig sabihin, marahil aabot ito ng mga 1.08 bilyong dolyar (Dolyar ng Estados Unidos sa taong 2000) upang malikha sa Estados Unidos.[14] Nasulat ang kalahatan sa kodigo (71%) nasulat sa mga wikang pangprogramang C, ngunit marami pang ibang wika ang nagamit, kasama na ang C++, assembly language, Perl, Fortran, Python at iba't iba pang mga wikang shell script. Bahagyang higit sa kalahati ng lahat-lahat ng kodigo ang lisensiyado sa ilalim ng GPL. Magtatamo lamang ang Linux kernel mismo ng 2.4 milyong linya ng kodigo, o 8% ng kabuuan.[14] Sa kailan lamang na pag-aaral, parehong pagsusuri ang ginawa para sa Debian GNU/Linux version 4.0.[15] Naglalaman ng mahigit 283 milyong linya ng kodigong pinagmulan ang distribusyong ito, at ang tinatayang aabot ng 5.4 bilyong Euro ang gastusin para makalikha gamit ang konbensiyonal na pamamaraan. Sa Estados Unidos, isang tatak ang pangalang Linux na nakarehistro kay Linus Torvalds.[16] Noong una'y, walang nagparehistro nito, ngunit noong 15 Agosto 1994, si William R. Della Croce, Jr. ang nag-rehistro para sa tatak na Linux, at saka humiling ng royalties (mga bayad) mula sa mga namamahagi ng Linux. Noong 1996, nagdemanda si Torvalds at iba pang apektadong organisasyon na ang maibigay kay Torvalds ang tatak, at noong 1997, naayos ang kaso.[17] Nagsimulang panghawakan ang pagpapalisensiya ng Linux Mark Institute. Binanggit ni Torvalds na ginawa niya lang ang pagpapa-tatak ng pangalan upang mapigilan ang iba pang balak gawin uli ang nangyari, ngunit ito'y naipasa sa batas ng tatak ng Estados Unidos noong 2005 upang maging tagapagpatupad ng nararapat ukol sa tatak. Ang resulta, nagpadala ng liham ang LMI sa mga nagbebenta ng distribusyon at humiling na magbayad para sa paggamit ng pangalan, at sumunod ang ilan sa mga kompanya.[18]

Sa pananaw ng Free Software Foundation, ang distribusyon ng Linux na gumagamit ng GNU software bilang "GNU variants" (ibang uri) at humihiling ang ganoong mga operating system na marapat tawagin bilang GNU/Linux o isang sistemang GNU na batay sa Linux.[19] Lamang, binabanggit ang pamilya ng mga operating system ng medya at karamihan bilang Linux. Habang pinupunto ng iba namang namamahagi ang paggamit sa naturang porma, mas kapuna-puna ang Debian sa kanilang Debian GNU/Linux distribusyon, limitado ang terminong gamit sa labas ng komunidad. Isang pinagmumulan ng pagkalito sa maraming baguhan ang pagkakaiba sa pagitan ng Linux kernel at mga distribusyon na nakabatay dito at ang sistemang GNU, at nanatiling kontrobersiyal ang pagpapangalan nito. Ginagamit din ito ni Richard Antonio.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang buong artikulo o mga bahagi nito ay isinalin magmula sa artikulong Linux kernel ng Ingles na Wikipedia, partikular na ang bersiyong ito.

  1. Linux Online (2008). "Linux Logos and Mascots". Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 15, 2010. Nakuha noong Agosto 11, 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "The Linux Kernel Archives: Frequently asked questions". kernel.org. Setyembre 2, 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 5, 2015. Nakuha noong Setyembre 4, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. About the GNU Project - Initial Announcement
  4. 4.0 4.1 Kabuuang ng Sistemang GNU
  5. "Linus vs. Tanenbaum debate". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-12-02. Nakuha noong 2007-12-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Torvalds, Linus. "What would you like to see most in minix?". Newsgroupcomp.os.minix. 1991Aug25.205708.9541@klaava.Helsinki.FI. Nakuha noong 2006-09-09.{{cite newsgroup}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Torvalds, Linus (1992-01-05). "RELEASE NOTES FOR LINUX v0.12". Linux Kernel Archives. Nakuha noong 2007-07-23. Ang karapatang-ari sa Linux ay papalitan: Marami akong natanggap na kahilingan na gawing akma sa GNU copyleft, at tatanggalin ang kundisyong "you may not distribute it for money" ("hindi mo maaaring ipamahagi kapalit ng pera"). Ako'y sang-ayon. Iminumungkahi ko na ang copyright ay palitan para ito ay maging akma sa GNU ─ habang nag-aantay sa approval ng mga taong persons tumulong magsulat ng code. Sa pagkakaalam ko, walang magiging problema kahit kanino: Kung mayroon kauong hinanakit ("Isinulat ko ang kodigo sa pag-aakalang ang karapatang-ari ay magiging pareho kailanman"), sulatan ninyo ako. Kung di nama'y ang GNU copyleft ay ang magiging bagong lisensiya sa ika-1 ng Pebrero. Kung hindi ninyo alam kung anu ang karapatang-aring GNU ─ basahin ninyo.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Santhanam, Anand; Vishal Kulkarni (1 Marso 2002). "Linux system development on an embedded device". DeveloperWorks. IBM. Nakuha noong 2007-07-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Lyons, Daniel. "Linux rules supercomputers". Nakuha noong 2007-02-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Schrecker, Michael. "Turn on Web Interactivity with LAMP". Nakuha noong 2007-02-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Linus Torvalds interview". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-03-11. Nakuha noong 2007-09-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Torvalds, Linus (2006-01-26). "Re: GPL V3 and Linux - Dead Copyright Holders". Linux Kernel Mailing List. Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-08-20. Nakuha noong 2007-12-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Torvalds, Linus (2006-09-25). "Re: GPLv3 Position Statement". Linux Kernel Mailing List. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-09-08. Nakuha noong 2007-12-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. 14.0 14.1 Wheeler, David A (2002-07-29). "More Than a Gigabuck: Estimating GNU/Linux's Size". Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-04-21. Nakuha noong 2006-05-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Amor, Juan José; atbp. (17 Hunyo 2007). "Measuring Etch: the size of Debian 4.0" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2007-09-25. Nakuha noong 2007-09-16. {{cite web}}: Explicit use of et al. in: |author2= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "U.S. Reg No: 1916230". United States Patent and Trademark Office. Nakuha noong 2006-04-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "Linux Timeline". Linux Journal. 31 Mayo 2006.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "Linus gets tough on Linux trademark". 2005-09-05. Nakuha noong 2006-09-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Stallman, Richard (2007-03-03). "Linux and the GNU Project". Free Software Foundation. Nakuha noong 2007-03-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)