Lobito
Lobito Cidade do Lobito | |||
---|---|---|---|
Munisipalidad at lungsod | |||
Tanawin ng Lobito | |||
| |||
Palayaw: Flamingos City | |||
Mga koordinado: 12°22′S 13°32′E / 12.367°S 13.533°E | |||
Bansa | Angola | ||
Lalawigan | Benguela | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 1,409 milya kuwadrado (3,648 km2) | ||
Taas | 456 tal (139 m) | ||
Populasyon (2014) | |||
• Kabuuan | 324,050 | ||
• Kapal | 230/milya kuwadrado (89/km2) | ||
Sona ng oras | UTC+1 (WAT) | ||
Klima | BWh |
Ang Lobito ay isang munisipalidad (katumbas ng mga lungsod) sa lalawigan ng Benguela sa Angola.[1] Matatagpuan ito sa baybaying-dagat ng Karagatang Atlantiko, sa hilaga ng Bunganga ng Catumbela.
Mula pa noong 1905 ang lungsod at nakasalalay ang pag-iral nito sa look ng kaparehong pangalan na pinili bilang pambaybaying dulo ng Daambakal ng Benguela patungo sa dakong looban na dumadaan sa Luau patungo sa Katanga sa Demokratikong Republika ng Congo. Ang populasyon noong 2014 ay 324,050 katao, sa loob ng lawak na 3,648 km². Binubuo ang munisipalidad ng mga komyun ng Canjala, Egipto Praia at Lobito.[2]
Opisyal na itinatag ang lungsod noong ika-2 ng Setyembre 1913, at nagdadaos sila ng taunang pagdiriwang para sa nasabing okasyon.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pamumuno ng mga Portuges
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Lobito ay itinayo sa isang sandspit at lupang tinambak, kalakip ng isa sa pinakamagandang likas na mga daungan ng Aprika na sinisilong ng isang sandspit na may habang limang kilometro. Ang lumang munisipalidad (concelho) ay itinatag noong 1843 ng pangasiwaang Portuges. Itinatag din ang bayan noong 1843 sa bisa ng kautusan ni Maria II ng Portugal, at sinimulan ang mga its trabaho sa daungan noong 1903. Ngunit hindi pinasigla ang malaking mga pagunlad hanggang sa matapos ang Daambakal ng Benguela noong 1928 na nagpakawing ng Portuges na Angola sa Belhikanong Congo. Sa ilalim ng pamumunong Portuges, ang pantalan ay isa sa mga pinakaabala sa Angola na nagluluwas ng mga ani mula sa loob at naghahawak ng panlulang pangangalakal mula sa mga minahan sa timog-silangang Belhikanong Congo at Hilagang Rhodesia. Mahalaga rin ang pangingisda, turismo at paglilingkod. Ang karnabal sa Lobito ay isa rin sa pinakatanyag at pinakapatok sa Portuges na Angola.[3] Nang dumating ang taong 1843 sinang-ayunan ni Maria II ng Portugal ang pagsilang ng bayan, na sa mga panahong iyon ay nakilala bilang Catumbela das Ostras (Catumbela of Oysters)[4]
=Pagkaraan ng kalayaan mula sa Portugal
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kasunod ng Rebolusyong Carnation noong ika-25 ng Abril 1974 sa Lisbon, inalok ng kalayaan ang Angola. Naging kákauntî ang mga gawain sa pantalan ng lungsod dahil sa mga pagkasira ng panlulan na daambakal at mataas na pangamba noong Digmaang Sibil ng Angola (1975–2002). Nang dumating ang kapayapaan at katatagan noong dekada-2000, sinimulan ng Lobito ang sistema ng muling pagtatayo at ipinagpatuloy ang hakbang nito tungo sa kaunlaran.
Klima
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nakararanas ang Lobito ng banayad na tropikal na klimang medyo tigang na may kaunting mga sukdulan sa temperatura. Napakainit at tuyo ang mga taglamig, habang mas-mainit at mabasa-basa naman ang tag-init.
Datos ng klima para sa Lobito | |||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Buwan | Ene | Peb | Mar | Abr | May | Hun | Hul | Ago | Set | Okt | Nob | Dis | Taon |
Sukdulang taas °S (°P) | 35.0 (95) |
35.0 (95) |
34.4 (93.9) |
35.6 (96.1) |
33.3 (91.9) |
33.3 (91.9) |
28.9 (84) |
29.4 (84.9) |
28.3 (82.9) |
30.6 (87.1) |
33.9 (93) |
32.8 (91) |
35.6 (96.1) |
Katamtamang taas °S (°P) | 28.3 (82.9) |
29.4 (84.9) |
30.6 (87.1) |
30.0 (86) |
28.3 (82.9) |
25.6 (78.1) |
23.3 (73.9) |
23.3 (73.9) |
24.4 (75.9) |
26.1 (79) |
28.3 (82.9) |
28.3 (82.9) |
27.2 (81) |
Arawang tamtaman °S (°P) | 25.3 (77.5) |
26.4 (79.5) |
27.2 (81) |
27.0 (80.6) |
25.0 (77) |
22.2 (72) |
20.3 (68.5) |
20.0 (68) |
21.4 (70.5) |
23.3 (73.9) |
25.3 (77.5) |
25.3 (77.5) |
24.1 (75.4) |
Katamtamang baba °S (°P) | 22.2 (72) |
23.3 (73.9) |
23.9 (75) |
23.9 (75) |
21.6 (70.9) |
18.9 (66) |
17.2 (63) |
16.7 (62.1) |
18.3 (64.9) |
20.6 (69.1) |
22.2 (72) |
22.2 (72) |
20.9 (69.6) |
Sukdulang baba °S (°P) | 13.3 (55.9) |
16.1 (61) |
18.9 (66) |
18.3 (64.9) |
13.9 (57) |
12.8 (55) |
10.6 (51.1) |
11.7 (53.1) |
12.8 (55) |
13.9 (57) |
16.1 (61) |
17.2 (63) |
10.6 (51.1) |
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) | 20.3 (0.799) |
38.1 (1.5) |
119.4 (4.701) |
53.3 (2.098) |
2.5 (0.098) |
0.0 (0) |
0.0 (0) |
1.3 (0.051) |
2.5 (0.098) |
30.5 (1.201) |
25.4 (1) |
61.0 (2.402) |
354.0 (13.937) |
Sanggunian: Sistema de Clasificación Bioclimática Mundial[5] |
Demograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taon | Pop. | ±% |
---|---|---|
2005 | 207,957 | — |
2014 | 324,050 | +55.8% |
Transportasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Lobito ay ang dulo ng Daambakal ng Benguela
Ang Pantalan ng Lobito ay matatagpuan sa Look ng Lobito sa isang sandspit na may humigit-kumulang 4.8 kilometro ang haba. Pinangangasiwaan ang pantalan ng Empresa Portuaria do Lobito. Humahawak ang Pantalan ng Lobito ng 2,000,000 tonelada ng kargamento at 370 barko taun-taon, at kalakip ng pagunlad ng ekonomiya sa rehiyong Benguala, isinasailalim ang mga pasilidad ng pantalan sa pagpapalawak.[6]
Walang sariling paliparan ang Lobito. Sa halip, ang mga pinakamalapit na paliparan ay ang Paliparan ng Catumbela na nasa layong 13 kilometro (8.1 milya) mula sa lungsod, at ang Paliparan ng Benguela na nasa 33 kilometro (21 milya) mula sa lungsod.[6]
Pandaigdigang ugnayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mgakakambal ang Lobito sa:
- Sintra, Portugal
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "City councils of Angola". Statoids. Nakuha noong Abril 7, 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Census 2014 Naka-arkibo 2016-03-04 sa Wayback Machine., preliminary results
- ↑ LobitoAnosOuro.wmv, a film of the Lobito in Portuguese Angola, before independence from Portugal
- ↑ "Lobito - A cidade dos flamingos" (sa wikang Portuges). destinobenguela.com. Nakuha noong 22 Mar 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Lobito (Angola)" (PDF). Centro de Investigaciones Fitosociológicas. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Pebrero 7, 2016. Nakuha noong Pebrero 6, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 IHS Fairplay Ports & Terminals Guide. Berkshire, UK: IHS Global Limited. 2013. pp. 1-42–1-43. ISBN 9781906313562.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)