Pumunta sa nilalaman

Erin Tañada

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Lorenzo Tañada III)
Lorenzo Tañada III
Kapanganakan16 Agosto 1963
  • (Kalakhang Maynila, Pilipinas)
MamamayanPilipinas
NagtaposPamantasang Ateneo de Manila
Trabahopolitiko
Opisinamiyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas ()

Si Lorenzo "Erin" Reyes Tañada III (ipinanganak 16 Agosto 1963) ay isang Pilipinong politiko. Kasapi siya ng partido Liberal. Nahalal siya bilang kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas, bilang kinatawan ng Ikaapat na Distrito ng Quezon simula noong 2004 hanggang 2013.

Si Erin sa kanyang mga kaibigan, ay kinatawan ng ikatlong henerasyon ng mga Tañada sa politika. Apo siya ng dating Senador Lorenzo M. Tañada na kilala sa kanyang maaanghang na mga pananalita, mahusay na pakikipagdebate at walang takot na paglaban sa diktadurya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, at anak ni dating Senador Wigberto E. Tañada. Siya ang panganay sa apat na anak ni Bobby Tañada. Ang tatlo pa niyang kapatid ay sina Toby, Mar and Trina.

Karerang Pampolitika

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagsimula si Erin bilang kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas, bilang kinatawan ng Ikaapat na Distrito ng Quezon. Siya ang Tagapangulo ng Komitiba sa Karapatang Pantao sa mababang kapulungan. Gayundin katulong na Tagapangulo siya ng mga komitiba sa Globalisasyon at WTO at ng Kapayapaan, Rekonsilyashon, at Pagkakaisa. Muli siyang nahalal bilang kinatawan ng ikaapat na distrito ng Lalawigan ng Quezon sa natapos na Pangkalahatang halalan. Noong Mayo 2010, nagbigay daan siya sa kinatawan ng Lungsod Quezon na si Sonny Belmonte para sa pagka-Ispiker ng Kapulungan ng mga Kinatawan[1].

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Belmonte is LP bet for Speaker". Manila Bulletin. Nakuha noong 2010-06-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
Sinundan:
Georgilu R. Yumul-Hermida
Kinatawan, Ikaapat na Distrito ng Quezon
2004–2013
Susunod:
Angelina D.L. Tan


PilipinasPolitiko Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Politiko ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.