Marko Rudio
Marami pong problema ang artikulong ito. Tulungang mapabuti po ito o di kaya'y talakayin ang mga problemang nakasaad sa pahina ng usapan nito.
|
Marko Rudio | |
---|---|
Kapanganakan | Marko Godreic Rudio 17 Mayo 1998 |
Trabaho | mang-aawit, gitarista, pianista, drummer |
Aktibong taon | 2022-kasalukuyan |
Si Marko Godreic Rudio ay isang mang-aawit na mula sa San Nicolas, Pangasinan. Siya ang nadiskubre at natalo siya sa ika-anim na season ng Tawag ng Tanghalan noong 2023.
Karera
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 2017 ay naunang sumali si Marko sa ikalawang season ng Tawag ng Tanghalan sa noontime show na It's Showtime. Doon niya kinanta ang "It Will Rain" na inawit ng Amerikanong singer na si Bruno Mars. Dito, natalo siya sa naturang kompetisyon.
Sumali din siya sa mga TV shows at guestings tulad ng "Eat Bulaga" (kung saan napatugtog siya ng piano), "Rated K", "Bet ng Bayan" at "Walang Tulugan" ng yumaong si German Moreno.
At noong 2022, sumali ulit si Marko sa ika-anim na season ng Tawag ng Tanghalan sa It's Showtime. Dito, nagtuloy-tuloy siya hanggang sa walong magkakasunod na winning straight sa naturang kompetisyon, hanggang makapasok siya sa Semifinals.
Bago ang Semifinals ng Tawag ng Tanghalan, nagsimula munang gumawa ng music video si Marko Rudio kasama ang The Band Dogz. Ito ang "Hiwaga" na nag-release noong October 2022 at na-release din sa Spotify noong December 18, 2022.
Nitong Nobyembre 2022, nag-guest si Marko kasama ang The Band Dogz sa Rakista Radio. Dito kinanta nila ang orihinal na kanta tulad ng "Toyo," "Olats," "Pantasya" at "Hiwaga".
Noong May 2023, nailunsad ang Semifinals ng ikaanim na season ng Tawag ng Tanghalan. Doon kinanta ni Marko ang "Upuan" ng hip-hop singer na si Gloc-9. Dito, nagkaroon ng standing ovation sa mga judges at mga audience. Nagtuloy siya hanggang siya'y nakapasok sa Grand Finals.
At nitong May 6, 2023, nailunsad ang "Huling Tapatan" o Grand Finals ng Tawag ng Tanghalan. Dito unang kinanta ni Marko ang "Beep Beep" ng Pinoy pop band na Juan Dela Cruz. At sa pangalawang round, ay kinanta niya kasama si Jed Madela ng awiting "I Made It Through the Rain" ng Amerikanong pop singer na si Barry Manilow. Dito, natalo siya at pasok na sana siya sa Top 3 Round.
Noong May din, gumawa naman si Marko ng mga awitin ng Sugarfree tulad ng "Tulog Na," "Makita Kang Muli" at "Hari ng Sablay" na dapat niya kakantahin sa Top 3 Round. Humakot nito ng maraming views sa Facebook at YouTube.
Noong June, nag-guest din si Marko sa mga TV shows tulad ng Magandang Buhay at I Can See Your Voice.
Noong July, gumawa naman si Marko Rudio ng bagong single na "Kasama Ka". Magkakaroon din ng MV sa darating na Pebrero 2 sa pamamagitan ng Star Music.
At nitong Setyembre, nag-guest si Marko sa It's Showtime matapos ang ikaanim na season ng Tawag ng Tanghalan kasama ang The Band Dogz. Naglaro din sila sa segment na "Rampanalo" pagkatapos ng kanilang performance.
Maging bahagi na rin si Marko Rudio sa pamamagitan ng Star Music.
Mga shows
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Eat Bulaga: Music Hero
- Tawag ng Tanghalan (2017; 2022, 2023)
- Magandang Buhay
- I Can See Your Voice (kasama sina Lyka Estrella at Viller Villalobo)
- Rated K (kasama ang The Band Dogz)
- ASAP Natin 'To (kasama sina Lucas Garcia, Sam Mangubat at Jed Madela mula sa awiting "When a Man Loves A Woman" ni Michael Bolton)
- It's Showtime
- Kapamilya Chat
Walang kategorya ang artikulong ito.
Makakatulong sa pagpapaunlad ng artikulong ito sa paglalagay ng isa o higit pang kategorya upang maisama ito sa mga kaugnay na artikulo (paano?). Alisin po lang ang tag pagkaraan ng pagsasauri, hindi bago nito. |