Marky Cielo
Marky Cielo | |
---|---|
Kapanganakan | Mark Angelo Cadaweng Cielo 12 Mayo 1988 |
Kamatayan | 7 Disyembre 2008 | (edad 20)
Ibang pangalan | Marky Cielo, Boknoy, Kuya Marky |
Aktibong taon | 2006 - 2008 |
Si Mark Angelo Cadaweng Cielo (Mayo 12, 1988 - Disyembre 7, 2008), mas kilala bilang Marky Cielo ay isang Pilipinong aktor at mananayaw.
Buhay bago sumabak sa Showbiz
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Cielo ay lumaki sa Butuan bago tumira sa Mountain Province noong 2001. Nabibigkas niya ang mga wikang Kankanaey, Ilokano, Tagalog at Bisaya (gaya ng Wikang Butuanon at Wikang Cebuano). Ayon sa pangyayari sa kanyang buhay na pinakita sa Magpakailanman, ang mga magulang ni Marky ay naghiwalay noong bata pa sila ng kanyang kapatid na babae. Mag-isa silang inalagaan ng kanyang ina. Nagkita lamang sila ng kanyang ama makalipas ng maraming taon.
Buhay Pang-kolehiyo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Siya ay isang unang taong mag-aaral sa Unibersidad ng Santo Luis sa Baguio City ng kursong arkitektura bago sumali sa Starstruck. Kabilang din siya sa SLU. Sinabi ng kanyang ama na may plano si Cielo na mag-aral muli subalit pumanaw na siya.
Pagsali sa StarStruck
[baguhin | baguhin ang wikitext]Tinanggap niya ang paghikayat ng kanyang mga kaklase na sumali sa StarStruck. Napanalunan niya ang titulong Ultimate Male Survivor, at ang titulong Sole Survivor Batch 3. Siya rin ang unang Igorot na sumali sa patimpalak. Isa sa mga napalanunan niya ay ang bahay at lote sa Antipolo na tinitirhan ng kanyang pamilya.[1]
Karera sa Showbiz
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pumasok si Cielo sa larangan ng showbiz pagkatapos ng kanyang pagkapanalo sa StarStruck. Ang kanyang unang palabasay ang Fantastikids kasama nila Isabella de Leon at B.J. "Tolits" Forbes at pagkatapos ay Encantadia: Pag-ibig Hanggang Wakas. Namatay ang kanyang ginaganap na tauhan sa mga palabas na Bakekang at Asian Treasures. Sinasabi na ang mga palabas na ito ang tumulong sa pag-taas ng karera ni Cielo. Naging bida si Cielo sa Pilipinong paggawa Uchuu Keiji Shaider bilang Alexis del Mundo o Shaider. Subalit Dennis Trillo at StarStruck Ultimate Hunk Aljur Abrenica ay sinama din dito at pinalitan ang titulo ng programa at tinawag na Zaido: Pulis Pangkalawakan, isang sekwel sa Mga Bayaning Bakal kung saan ginanap niya si Alexis Lorenzo o ang Berdeng Zaido. Sinasabing ang Zaido ay ang pinakamalaking tulong sa kanyang pag-angat bilang artista. Sumali din siya sa Sine Novela: Kaputol ng Isang Awit. Sumali din siya sa Codename: Asero at pagkatapos ay sa LaLola na naging huli niyang palabas sa telebisyion.
Kamatayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Cielo ay natagpuan ng kanyang ina noong Disyembre 7, 2008, noong pumasok ito sa kanyang kuwarto sa kanilang bahay sa Lungsod ng Antipolo ng mga dakong alas-diyes ng umaga upang gisingin siya para sa isang programang pangkawang-gawa. Siya ay 20 taong gulang. Isang pang-unang ulat ay nagsabing namatay siya habang natutulog. Huling nakita si Cielo sa LaLola, kung saan iniwan niya ang karakter na si "Billy".[2]
Pilmograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Telebisyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]year | show(s) | role |
2008 | LaLola (huling paglabas sa telebisyon) | Billy Lobregat / Enrico |
2008 | Dear Friend | Jerome |
2008 | Codename: Asero | Troy / Agent Beatbox |
2008 | Kalam: GMA News and Public Affairs | Host |
2008 | Sine Novela: Kaputol Ng Isang Awit | Eric Valderama |
2007-2008 | Zaido: Pulis Pangkalawakan | Alexis Lorenzo / Zaido Green / Sigma |
2007 | Boys Nxt Door | Buboy/Mario Alberto Almante |
2007 | Bleach | Ichigo Kurosaki (boses lamang) |
2007 | Asian Treasures | Mateo Madrigal |
2006-2008 | SOP | Host / Tagaganap |
2006 | Bakekang | Miguelito "Michael" Dimayacyac |
2006 | Fantastikids: Season 2 | Daniel Trinidad |
2006 | Encantadia: Pag-Ibig Hanggang Wakas | Arman |
2006 | Magpakailanman (Marky Cielo Life Story) | Bilang siya |
2006 | Startalk: StruckAttack | Guest/Host |
2006 | SOP Gigsters | Host / Performer |
2006 | Love to Love: Young At Heart | Joe |
2006 | Fantastikids | Daniel Trinidad |
2005-2006 | StarStruck: The Nationwide Invasion | Ultimate Male Survivor/ Ultimate Sole Survivor |
Pelikula
[baguhin | baguhin ang wikitext]Year | Title | Role |
2006 | Till I Met You | Bryan |
Parangal
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Awardee (2007) - Most Promising Male Artist
- Yes! Magazine's 100 Most Beautiful
- Starstuck Batch 3 - Ultimate Male Survivor and 1st Sole Survivor
- Candy Mag's 100 Candy Cuties