Mata Hari
Mata Hari | |
---|---|
Kapanganakan | Margaretha Geertruida Zelle 7 Agosto 1876 |
Kamatayan | 15 Oktobre 1917 | (edad 41)
Dahilan | Kamatayan sa pagbaril ng tilap ng mga sundalong naatasang bumaril sa kanya. |
Nasyonalidad | Olandes |
Ibang pangalan | Mata Hari |
Asawa | Rudolf John MacLeod (1895–1903) |
Anak | Norman-John MacLeod Jeanne-Louise MacLeod |
Ang Mata Hari ay ang pangalang pang-entablado ni Margaretha Geertruida "Grietje" Zelle o Gertrud Margarete Zelle (ipinanganak noong 7 Agosto 1876, sa Leeuwarden, Olanda o sa Haba, Indonesya[1] – namatay noong 15 Oktubre 1917, sa Vincennes, Paris, Pransiya), na isang Prisyanang (Olandesa) eksotikang mananayaw at kortesana o sosyal ("mataas ang uri") na patutot na nahatulan at pinaslang bilang parusa sa pamamagitan ng eskuwadra o tilap ng mga sundalong naatasang bumaril sa kanya. Pinarusahan siya ng ganito dahil sa pagiging espiya o paniniktik para sa Alemanya noong panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig, pagkaraan ng paglilitis ng mga kinatawang ahente ng Pransiya.[1][2]
Bilang isang eksotikang mananayaw, nakakuha siya ng mga lihim na pangmilitar dahil sa pang-aakit at pagbibigay-aliw sa Pranses na mga opisyal.[1]
Pinagmulan ng pangalang pangtanghalan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pinaniniwalaang isang pariralang Malay ang "Mata Hari" na may kahulugang "araw", at literal na may ibig sabihing "mata ng araw (na ito)."[2]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 "Mata Hari". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa M, pahina 580. - ↑ 2.0 2.1 "Mata Hari". Encyclopædia Britannica. Nakuha noong 2007-08-21.
{{cite news}}
: Cite has empty unknown parameter:|coauthors=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Netherlands ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.