Pumunta sa nilalaman

Ugnayang matalik

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Matalik na relasyon)

Ang isang ugnayang matalik ay isang partikular na malapit na ugnayang pangpakikipagkapwa-tao (ugnayang interpersonal). Maaari itong pakahuluganan ng ganitong mga katangian: tumatagal na ugali ng pagsandig at pagkalinga sa isa’t isa, paulit-ulit na interaksiyon o pakikipag-ugnayan, pagkakalapit ng damdamin, at pagtupad o pagganap sa pangangailangan. Malaki ang gampanin ng ugnayang matalik sa pangkalahatang karanasan ng tao.[1] Ang mga tao ay may pandaigdigang pangangailangan na maging bahagi ng isa o maraming mga tao at umibig na napupunan kapag nabuo ang isang matalik na ugnayan.[2] Binubuo ang mga ugnayang matalik ng mga taong nabibighani sa, na gusto natin at minamahal, ng romansa, at ugnayang seksuwal, at ng mga taong pinakakasalan natin at binibigyan at pinagtatanggapan ng pagtangkilik o suportang pandamdamin at personal o pansarili.[1] Nagbibigay sa tao ang mga ugnayang matalik ng isang network o sapot na panglipunan ng mga tao na nagbibigay ng malakas na pagkakalapit na pang-emosyon at tumutupad sa ating mga pangdaigdigang mga pangangailangan ng pagiging kasali at ang pangangailangang makalinga.[1]

Ang maparaang pag-aaral ng mga uganayang matalik ay isang bagu-bagong lugar ng pananaliksik sa loob ng larangan ng sikolohiyang panlipunan na lumitaw sa loob ng huling mangilan-ngilang mga dekada.[1] Bagaman ang masistemang pag-aaral ng mga matatalik na mga ugnayan ay kamakailan lamang, ang makapanlipunang kaisipan at pagsusuri ng mga ugnayang matalik ay umiiral na noong pang kaagahan ng kapanahunan ng mga pilosopong Griyego.[1] Ang naunang mga madalubhasang mga pag-aaral ay tumuon din sa mga ugnayang matatalik subalit humahangga laman sa mga tambalan o negosasyon ng maliliit na mga pangkat at pagtupad at pagtanggi.[1]

Ang pagiging matalik na pisikal o kinasasangkutan ng katawan ay kinatatangian ng romansa, pag-ibig na may matinding damdamin (limerensiya), pagiging malapit ng mga kalooban, o gawaing seksuwal.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 Miller, R. S., Perlman, D., & Brehm, S. S. (2007). Intimate Relationships, ika-4 na labas. Toronto, ON: McGraw-Hill.
  2. Perlman, D. (2007). The best of times, the worst of times: The place of close relationships in psychology and our daily lives. Canadian Psychology, 48, 7-18.