Pumunta sa nilalaman

Maximino Hizon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Maximino Hizon
KapanganakanMayo 9, 1870
KamatayanSetyembre 1, 1901

Si Maximino Hizon (9 Mayo 1870 – 1 Setyembre 1901) ay isang rebolusyonaryong Pilipino, na namuno sa aklasan laban sa mga Kastila sa ilalim ng bandila ni Emilio Aguinaldo.[1] Galing siya sa mayamang pamilya sa bayan ng Mexico, Pampanga.[2] Sumali siya sa Katipunan at namumuno sa mga misyon kabilang ang muling pagkuha ng Maynila mula sa mga Amerikano.[2] Naging kilala din siya sa Labanan sa Kalookan noong Pebrero 23, 1899. Bukod sa Pampanga at Maynila, pinamunuan niya ang mga pagsalakay sa Amerikano sa Bataan, Zambales, Tarlac at Pangasinan.

Naging bahagi panghukbong sangay ng Rebolusyonaryong Pamhalaan ng Pampanga at pinili siya ni Gobernador Tiburcio Hilario bilang pinuno nito.[3] Sa kalaunan, naging heneral siya[4] at naging kinatawan ng Sorsogon sa Kongreso ng Malolos.[5]

Si Maximino H. Hizon ay ipinanganak noong Mayo 9, 1870 sa Parian, Mexico, Pampanga.[6] Ang kanyang mga magulang ay sina Atanacio Hizon at Ancieta Hipolito.[6] Unang nag-aral si Maximino sa Pampanga, at ito ay kanyang ipinagpatuloy sa Maynila.[6]

Sumanib si Hizon sa Katipunan noong 1896. Siya rin ang nagtatag ng ganitong samahan sa kanyang bayan sa Mexico, Pampanga. Dahil dito, nakulong at pinatapon siya sa Jolo noong Agosto 19, 1869, sa panahon na natuklasan ang tagong samahan. ngunit siya ay pinalaya rin matapos ang kasunduan sa Biak-na-Bato. Muli siyang sumanib sa grupo ng mga nag-aaklas noong taong 1898. Naging Komandante Heneral siya ng Pampanga at sa kalaunan ay Brigadyer Heneral noong 1898 din. Pinamunuan niya ang mga pag-atake sa garison ng mga Kastila sa bayan ng San Fernando, Pampanga. Pinamunuan din niya ang mga pag-atake sa mga Amerikano sa iba't ibang lugar tulad ng sa Maynila, Bataan, Zambales, Tarlac at Pangasinan. Isa rin sa kilala niyang labanan ang Labanan sa Kalookan noong Pebrero 23, 1899.[1]

Noong Enero 17, 1900, nasugatan siya sa isang labanan sa Dumandan na malapit sa Porac, Pampanga at noong Hunyo 19, 1900, nabihag siya sa San Jose, Malino, Mexico, Pampanga.

Inatake siya sa puso at namatay noong Setyembre 1, 1901 sa Guam sa panahon ng napatapon siya roon.[5]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Aquino, Glenna (2014-01-14). "'Bale mi'– 'my house'". Inquirer Lifestyle (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-07-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  2. 2.0 2.1 Orejas, Tonette (2016-08-29). "In Pampanga, all heroes are remembered". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-07-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Viray, Atty Atlee T. (2021-03-09). "Viray: The Hilarios: Excellence in their blood". Sunstar (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-03-10. Nakuha noong 2021-07-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Cruz, Elfren S. (2018-04-18). "Days of Filipino valor". Philstar.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-07-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  5. 5.0 5.1 Orejas, Tonette (2015-08-31). "Pampanga City keeps Heroes Park". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-07-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 6.2 "BMs urge schools to include martyr's history in curricullum". Sun.Star Pampanga (via PressReader) (sa wikang Ingles). Setyembre 3, 2013. Nakuha noong Hulyo 8, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)