Pumunta sa nilalaman

Next Eleven

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Mga Susunod na Labing-isa)
Mga bansang S-11 nakapula. Mula kaliwa: Mehiko, Nigeria, Ehipto, Turkiya, Iran, Pakistan, Bangladesh, Indonesia, Vietnam, Timog Korea, Pilipinas

Ang Next Eleven o N-11 ay labing-isang bansa—Bangladesh, Vietnam, Ehipto, Indonesia, Iran, Mehiko, Nigeria, Pakistan, Pilipinas, Timog Korea, at Turkiya—na kinilala ng bangkong pampuhunang Goldman Sachs bilang nagtataglay ng mataas na potensiyal na maging mga pinakamalalaking ekonomiya ng ika-21 dantaon kasama ng BRIT.[1] Pinili ng bangko ang mga istadong ito, lahat nagtataglay ng magagandang posibilidad pangkinabukasan para sa pamumuhunan at paglagong pang-ekonomiya, noong ika-12 ng Disyembre 2005.

Ginamit ng Goldman Sachs ang katatagang pang-ekonomiya, kahinugang pampolitika, pagiging bukas ng mga patakarang pangkalakalan at pampuhunan, at ang husay ng edukasyon bilang mga batayan. Ang papel hinggil sa S-11 ay ang pahabol sa papel ng bangko noong 2003 tungkol sa apat na pausbong na ekonomiya ng mga "BRIT": Brasil, Rusya, Indiya, at Tsina.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Archive copy" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2008-09-11. Nakuha noong 2009-02-05.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Global Economics Paper 134 Naka-arkibo 2008-02-27 sa Wayback Machine. and Jim O'Neill, BRIMCs

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.