Mga Yamato
Mga rehiyong may malaking bilang nila | |
---|---|
Hapon | |
Wika | |
Hapon | |
Relihiyon | |
Tradisyunal Shinto at Budismong Hapon Karamihang Walang relihiyon Minorya Kristiyanismo, bagong relihiyong Hapon | |
Kaugnay na mga pangkat-etniko | |
|
Ang mga Yamato (大和民族 Yamato minzoku, lit. na 'etnisidad na Yamato') o Wajin (和人 / 倭人, lit. na 'mga Wa') ay isang pangkat etniko sa Silangang Asya na binubuo ng higit sa 98% ng populasyon ng Hapon. Ipinakita ng mga pag-aaral ng henetiko at antropometriko na ang mga Yamato ay higit na nagmula sa mga Yayoi at Kofun, na lumipat sa Hapon mula sa lupalop simula noong unang milenyo BC, at sa isang mas mababang lawak ay ang mga katutubong Jōmon na naninirahan sa kapuluang Hapon sa loob ng mga milenyo bago nito.[1]
Maaari din itong tumukoy sa mga unang tao na nanirahan sa Lalawigan ng Yamato (modernong Prepekturang Nara). Pinagtatalunan ng mga henerasyon ng mga arkeologo, historyador o dalubhasa sa kasaysayan, at lingguwistang Hapon kung ang nauugnay ang salita sa naunang Yamatai (邪馬臺). Noong ika-6 na dantaon, itinayo ng angkang Yamato ang una at tanging dinastiyang Hapon. Ang angkan ay naging naghaharing paksyon sa lugar, at isinama ang mga katutubong Hapon at mga migrante mula sa pangunahing lupain.[2] Itinaas din ng mga pinuno ng angkan ang kanilang sariling sistema ng paniniwala na nagtatampok sa pagsamba sa mga ninuno sa isang pambansang relihiyon na kilala bilang Shinto.[2]
Ginamit ang katawagan noong huling bahagi ng ika-19 na dantaon upang makilala ang mga naninirahan sa kalupaang Hapon mula sa mga minoryang grupong etniko na naninirahan sa paligid na mga lugar ng noon ay Imperyong Hapones, kabilang ang mga Ainu, Ryukyuan, Nivkh, gayundin ang mga Tsino, Koreano, at Austronesyo (katutubong Taiwanes at Mikronesyo) na isinama sa Imperyo ng Hapon noong unang bahagi ng ika-20 dantaon. Kalaunan ginamit ang katawagan bilang propaganda ng lahi. Pagkatapos ng pagsuko ng Hapon sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, naging lipas na ang katawagan para sa pagmumungkahi ng mga nosyong rasistang sudosiyentipiko na winaksi sa maraming lupon.[3] Mula nang bumagsak ang Imperyo, binibilang lamang ng mga estadistikang Hapon ang kanilang populasyon sa mga tuntunin ng nasyonalidad, sa halip na etnisidad.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Cooke, N. P.; Mattiangeli, V.; Cassidy, L. M.; Okazaki, K.; Stokes, C. A.; Onbe, S.; Hatakeyama, S.; Machida, K.; Kasai, K.; Tomioka, N.; Matsumoto, A. (17 Setyembre 2021). "Ancient genomics reveals tripartite origins of Japanese populations". Science Advances (sa wikang Ingles). 7 (38): eabh2419. Bibcode:2021SciA....7.2419C. doi:10.1126/sciadv.abh2419. PMC 8448447. PMID 34533991.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 Tignor, Robert (2013). Worlds Together, Worlds Apart Volume 1: Beginnings through the Fifteenth Century [en]. New York: W. W. Norton & Company. p. 346. ISBN 978-0-393-12376-0.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Tessa Morris-Suzuki (1998). "Debating Racial Science in Wartime Japan". Osiris (sa wikang Ingles). 13: 354–375. doi:10.1086/649291. JSTOR 301889. PMID 11640198.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)