Pumunta sa nilalaman

Mga sining pangwika

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang mga sining pangwika ang bumubuo sa lahat ng mga anyo ng pakikipag-ugnayan kung saan ginagamit ang mga salita. Kaugnay ito ng kung ano ang wikang ginagamit sa isang pook, bansa, o rehiyon. Sa Pilipinas, may kaugnayan ang sining ng wika sa mga wikang ginagamit sa bansang iyon tulad ng Tagalog, Sebwano, Ilokano, Hiligaynon at iba pa. Sa Estados Unidos, Gayon din sa iba pang mga bansang tulad ng Tsina, Ehipto, Inglatera, Pransiya, Rusya, Espanya, Alemanya, at marami pang iba.[1] (Tingnan ang pamilya ng mga wika.)

Apat na mga sining pangwika

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Si Gene Roddenberry, ang lumikha ng Star Trek, 1976.

Mayroong apat na mga sining pangwika: pakikinig, pagsasalita, pagbabasa, at pagsusulat. Magkakaugma ang lahat ng ito.[1]

Kaugnay ng sining ng pakikinig ang pagbibigay ng karampatang pansin sa pinakikinggan, sa pagbibigay ng angkop na atensiyon sa kawastuhan ng mga naririnig, at sa tamang pagkakaunawa rin ng narinig. Nakatatanggap ang isang tao ng maraming kaalaman at katuwaan sa sining na ito. Katulad ng pagbabasa, kailangan sa pakikinig ang matanto ang mga pangunahing diwa at mga kaugnay ng mga detalye, para mapagaralan ang mga narinig, at para rin makagawa ng mga konklusyon. Nagkakaroon ng sapat na kakayahan sa pagsasalita ang mga taong may sapat na kasanayan sa pakikinig.[1]

Kahulugan ng Pagsasalita

-kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag ang kanyang ideya, paniniwala at nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng wikang nauunawaan ng kanyang kausap.

-Pag-uusap ng dalawa o higit pang bilang ng mga tao: ang nagsasalita at ang kinakausap

-komunikasyon ng mga ideya at damdamin sa pamamagitan ng mga simbolong nakikita at naririnig mula sa tagapagsalita

-Kahusayan o kapangyarihan ng isip sa pananalita na nangungusap o mga salita upang maipahayag ang mga kuru-kuro.

Kahalagahan ng Pagsasalita

Mahalaga ang pagsasalita dahil: • naipaaabot sa kausap ang kaisipan at damdaming niloloob ng nagsasalita • nagiging kasangkapan sa pagkakaunawaan ng mga tao • nakapag-aanyaya o nakaiimpluwensiya ng saloobin ng nakikinig • naibubulalas sa publiko ang opinyon at katwirang may kabuluhan sa kapakanang panlipunan upang magamit sa pagbuo ng mga patakaran at istratehiya sa pagpapatupad ng mga ito. • madaling nakakakuha ng respeto ng ibang tao

Kailangan sa Mabisang Pagsasalita

1. Tiyak ang layunin at lubos ang kaalaman sa paksa. 2. May tiwala sa sarili, matatag na damdamin at malawak na kaisipan. 3. May kasanayan sa wika, retorika at balarila

Kasangkapan ng isang Nagsasalita 1. Tindig 2. Tinig 3. Galaw 4. Kumpas

Pamantayan ng isang Usapan Ang isang usapan o conversation ay isang prosesong pangkomunikasyon ng kinasasangkutan ng dalawa o higit pang kalahok na gumagamit ng verbal o senyas na wika sa pagpapalitan ng kaalaman, pagpapahayag ng saloobin o damdamin na kung saan ay nakaapekto sa kilos o gawi, sikolohikal, kaalaman at damdamin ng mga partikular na kalahok. Gawi ng Pagsasalita – produksiyon ng mga tunog ng pananalita na idinaan sa mas magandang paraan para magbunga ng mas makahulugan na pananalita.

Uri ng Gawi ng Pagsasalita

1. Ang Kumakatawan – kung saan ang mga nagsasalita ay may kinalaman sa pag-iba ng mga antas patungo sa tamang preposisyon na dapat nilang sinabi; panunumpa, paniniwala at pag-uulat. Halimbawa: Ipinapangako ko na aking pagyayamanin lalo ang mga naiwan ng aking mga magulang. 2. Direktibo – kung saan ang mga nagsasalita ay may kinalaman sa paghimok sa mga tagapakinig na gumawa ng kahit na ano; mag-utos, makiusap, makipagtalo. Halimbawa: Gawin mo ang lahat ng aking ipinagagawa at huwag ka nang magtanong ng ano pa man. 3. Commissive – kung saan ang mga nagsasalita ay gumagawa ng alinmang pag-iba sa mga antas patungo sa aksiyon; mangako, sumumpa o mga gawain. Halimbawa: Gagawin ko ang bagay na iyong gusto, ano man ang iyong ipagawa. 4. Deklarasyon – kung saan sa pamamagitan ng nagsasalita na baguhin ang estado ng mga gawain sa pamamagitan ng pagsasagawa katulad ng gawi ng pagsasalita. Halimbawa: Ipinababatid ko sa inyong lahat na ang sinuman ang lumabag sa aking batas ay magkakamit ng parusa. 5. Ekspresibo – kung saan ang tagapagsalita ay nagpapakilala ng kanyang pag-uugali; pagbati o paghingi ng paumanhin. Halimbawa: Siya ay humingi ng tawad sa kanyang mga nagawa at akin namang pinagbigyan.

Tatlong (3) Sangkap ng Gawi sa Pagsasalita

1. Lokusyonaryong Gawi ng Pagsasalita – ito ay paglalarawan kung ano ang sinasabi ng nagsasalita. Halimbawa: Si Ana ang pinakamagandang dilag sa nayon. 2. Ilokusyonaryong Gawi ng Pagsasalita – ang layunin ng gawi ng pagsasalita sa pagbigkas ng pangungusap kabilang ang paglalahad, pangangako, humihingi ng paumanhin. Ito ay pagpapahayag ng kung ano ang nais gawin ng nagsasalita. Halimbawa: Pakikuha ang baso sa lamesa. 3. Perlokusyonaryong Gawi ng Pagsasalita – bisa ng sinasabi ng nagsasalita sa nakikinig o epekto ng sinasabi ng nagsasalita sa nakikinig. Literal at Di-Literal na Gawi ng Pananalita Literal o masasabi nating literal ang isang gawi ng pananalita kung sa pangungusap ay gumagamit ng mga salitang may eksaktong kahulugan. o Kung may tiyak na konteksto o kitang-kita o lantad na ang nais iparating ng isang naglalarawan Halimbawa: Nakakasama ng kalooban ang mga masasakit na salitang kanyang binitawan. Di-literal o kung di kaagad mailalarawan ang konteksto na nais ipahayag at nangangailangan pa ng masusing pa-iisip. o Kung sa pangungusap ay gumagamit ng mga matatalinghagang salita

Kapwa kaugnay ng sining ng pagbabasa ang tahimik na pagbabasa at ang malakasang pagbabasa. Sa proseso ng pagbabasa, nagiging bihasa sa pagkilala ng mga simbolo ng nasusulat na wika ang isang tao, partikular na ang batang nag-aaral, bakit ganun ang mga sagisag na ito. Kaya't nagaganap ang pagbabasa at pagsasanay sa pagbasa na katulong ang sining ng pakikinig. Sapagkat pinagmumulan ng mga maraming impormasyon at katuwaan ang pakikinig. Mas napauunlad ang pagbabasa sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga programang pampanitikan kung saan nakaaalam ang mag-aaral ng maraming mga salaysayin, sulatin ng poesya, at mga dulang may sapat na kalidad.[1]

Kabilang sa sining ng pagsulat ang pagsusulat sa pamamagitan ng kamay at ang pagbabaybay. Maging ang sining pagsulat ng mga komposisyon at ang pagkasanay sa pagtatala ng mga komposisyon para sa ibang taong babasa. Ilan sa mga halimbawa ng sining na ito ang paggawa ng mga liham, ng mga tula, pagtugon sa mga sulat ng ibang tao, at pagsusulat ng mga maiikling kuwento at nobela.[1]

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 "Language arts". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)