Mini Israel
31°50′32.97″N 34°58′2.1″E / 31.8424917°N 34.967250°E
Ang Mini Israel ay isang munting liwasan na matatagpuan sa Lambak ng Ayalon, malapit Latrun, Israel. Binuksan noong Nobyembre 2002, naglalaman ang lugar ng replikang miniyatura (o munting kopya) ng daan-daang mga liwasan at makasaysayang lugar sa Israel. Binubuo ang atraksyong panturista ng 350 munting modelo ng tanyag na mga gusali. Nakakagawa ang eskalang 1:25 ng mga malalaking gusali na tinatakpan ang mga adulto at ang mga makasaysayang simbahan na mas matangkad sa isang bata.[1][2]
Pang-kalahatang ideya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinapakita ng permanenteng tanghalan ang pangunahing lugar at istraktura sa Israel na may kahalagaan sa Hudaismo, Kristiyanismo, at Islam. Ang lugar ay may kahalagaan din sa kasaysayan, arkeolohiya, kalinangan, relihiyon, at etnisidad, na nilalarawan ang mga lugar at mga pangkat etniko na nakakabit sa mga ito, tulad ng iba't ibang pangkat pangkalinangang Muslim, Hudyo, at Kristiyano na naninirahan sa bansa, subalit mayroon ding Druze, Bedouin at iba pa.[3] Nasa Hebreo, Arabe, at Ingles ang mga karatula.[4] Mga taga-Israel ang 95% ng bisita ng lugar.[4]
Sinasakop ng lugar ang 60,000 metro kuwadrado (14.8 akre),[4] na may mga modelong makikita sa higit sa 35,000 metro kuwadrado (8.6 akre). Nasa loob din ng liwasan ang isang tindahan ng tagapagpaalaala o souvenir shop, ilang mga kainan, at pahingaan, at isang bulwagan para sa mga panayam at pagpupulong na kung saan makikita ang isang pelikula tungkol sa paglikha ng liwasan. Mayroon din isang gabay na naka-awdyo[3] at mga demotor na andador (o buggy).[4]
Ang pamansag simula noong una pa ay "See it all - small" ("Tingnan ang lahat - ng maliit").[3]
Mga larawan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Walz, Steve (28 Mayo 2010). "Israel: A Summer Like You've Never Experienced Before". The Jewish Journal of Greater Los Angeles (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-05-28. Nakuha noong 14 Hunyo 2010.
{{cite news}}
:|archive-date=
/|archive-url=
timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Mini Israel". Haaretz (sa wikang Ingles). 25 Marso 2008. Nakuha noong 14 Hunyo 2010.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 3.2 "Mini Israel". Jerusalem Post (sa wikang Ingles). 25 Enero 2010. Nakuha noong 14 Hunyo 2010.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 4.2 4.3 Oestermann, Richard (2006). Every second counts: true stories from Israel (sa wikang Ingles). Gefen Publishing House Ltd. p. 123. ISBN 965-229-359-8.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Mini Israel Naka-arkibo 2014-04-25 sa Wayback Machine.