Modern Marvels
Modern Marvels | |
---|---|
Gumawa | Bruce Nash |
Isinalaysay ni/nina | Max Raphael (kasalukuyan) Harlan Saperstein Will Lyman Greg Stebner Bill Ratner Jack Perkins David Ackroyd |
Bansang pinagmulan | Estados Unidos |
Wika | Ingles |
Bilang ng season | 19 |
Bilang ng kabanata | 690 (Talaan ng mga kabanata ng Modern Marvels) |
Paggawa | |
Prodyuser tagapagpaganap | Don Cambou |
Oras ng pagpapalabas | 44 minuto |
Kompanya | Jupiter Entertainment |
Pagsasahimpapawid | |
Orihinal na himpilan | History Channel, H2 |
Orihinal na pagsasapahimpapawid | 1 Enero 1995 11 Abril 2015 | –
Website | |
Opisyal |
Ang Modern Marvels ay isang Amerikano at pandaigdigang serye sa telebisyon ng History Channel. Nakatuon ang palabas sa kung gaano nakakaapekto at ginagamit sa kasalukuyang lipunan ang mga teknolohiya. Kabilang ito sa mga una at pinakamatagal nang pinalabas na palabas ng History, na unang isinahimpapawid sa unang araw ng pagsasahimpapawid ng History noong 1 Enero 1995.
Mula nang itong unang ipinalabas, nakagawa ng Modern Marvels ang higit sa 650 pang-isang oras na mga kabanata na sumasaklaw sa iba't-ibang mga paksa na may kaugnayan sa agham, teknolohiya, elektronika, mekaniks, inhenyeriya, arkitektura, industriya, mass production, paggawa, at agrikultura. Bawat kabanata ay karaniwang tumatalakay sa kasaysayan at produksiyon ng ilang magkaugnay na bagay; bilang halimbawa, isang kabanata tungkol sa mga dinalisay na espiritu (distilled spirits) ay tumatalakay sa produksiyon ng borbon na wiski sa Kentaki, eskoses na wiski sa Eskosya, at tequila sa Mehiko. Upang iangkop sa batayan ng network, nakatuon ang malaking bahagi ng isang kabanata ng Modern Marvels sa kasaysayan ng paksa.[1]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ [1] Naka-arkibo September 12, 2008, sa Wayback Machine.
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang lathalaing ito na tungkol sa Telebisyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.