Pumunta sa nilalaman

Siling labuyo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Mouse dropping chili)
Huwag itong ikalito sa siling kayena at siling Thai.
Siling labuyo
Kaanghangan Napakaanghang
Sukatang Scoville80,000 - 100,000 SHU

Siling labuyo
Labuyo
Klasipikasyong pang-agham edit
Kaharian: Plantae
Klado: Tracheophytes
Klado: Angiosperms
Klado: Eudicots
Klado: Asterids
Orden: Solanales
Pamilya: Solanaceae
Sari: Capsicum
Espesye:
C. frutescens
Pangalang binomial
Capsicum frutescens

Ang siling labuyo[* 1] o labuyo[1] (Ingles: wild chili) ay isang uring-linang (cultivar) ng maliliit na sili[2][3][4] na karaniwang makikita sa Pilipinas. Ang iba pang lokal na tawag dito ay chileng bundok, siling palay, pasitis, pasite (Tagalog), katumbal, kitikot, siling kolikot (Bisaya), silit-diablo (Ilocano), lada, rimorimo (Bicolano), and paktin (Ifugao).[5]

Ang halamang labuyo ay isang pangmatagalang halaman na may maliliit, maanghang at patulis na mga bunga, karaniwang 2-3 sa isang buko. Ang mga bunga ng karamihang uri ay kulay pula, may ilang uri na kulay dilaw, lila o itim.

Sa mga supermarket sa Pilipinas, mayroon na ring mga pulang Thai pepper o siling bird's eye na karaniwang pinapangalanang siling labuyo sa mga etiketa nito, subalit ang mga ito ay ibang uri ng sili (espesyeng Capsicum annuum) na nagmula sa Taiwan. Sinasabing mas mahina ang taglay nitong anghang kumpara sa siling labuyo subalit mas pinipili ito ng mga magtitingi dahil mas mahaba ang tinatagal o shelf life nito.

Maliit man ang siling labuyo, nagtataglay naman ito ng matinding anghang. Naitala ito dati bilang ang pinakamaanghang na sili sa Guiness Book of World Records hanggang sa natuklasan na ang iba pang mas maaanghang na mga uri ng sili. Ang sukat ng anghang ng siling labuyo ay 80,000-100,000 yunit ayon sa Scoville scale subalit ito ay lubhang mababa kumpara sa sukat ng higit na maanghang na siling habañero.

Sangkap sa pagluluto

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bagaman hindi pangunahing sangkap sa mga lutuing Pinoy, madalas pa rin naman itong ginagamit na pampaanghang sa ilang ulam. Kadalasan din itong ginagamit sa suka para sa maanghang na sawsawan, ang mga dahon naman nito ay karaniwang ginagamit bilang gulay, gaya na lang sa lutong tinola.[2][6]

Iba pang gamit

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa panggagamot, ang siling labuyo ay dating ginagamit bilang halamang lunas para sa pananakit ng buto, rayuma, impatso, kabag at sakit ng ngipin.[6]

Maaari rin itong gamiting pantaboy ng insekto (insect repellent) o pamatay-insekto kapag inihalo sa tubig.[7][8]

Siling Labuyo
  1. "siling-labuyo" (may gitling) ang lahok sa UP Diksiyonaryong Filipino, Ikalawang Edisyon

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Labuyo Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine., Tagalog English Dictionary, Bansa.org
  2. 2.0 2.1 DeWitt, D.; Bosland, P.W. (2009). The Complete Chile Pepper Book: A Gardener's Guide to Choosing, Growing, Preserving, and Cooking. Timber Press. ISBN 978-0881929201.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  3. Diksyunaryong Tagalog-Ingles ni Leo James English, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971-91055-0-X
  4. Lacquian, Eleanor at Irene Sobreviñas (1977). "Labuyo". Filipino Cooking Here & Abroad (Lutuing Pilipino Dito at sa Labas ng Bansa).{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Capsicum Frutescens Linn. Sileng-Labuyo
  6. 6.0 6.1 Nagpala, Ellaine Grace. (2007). A fresh look at siling labuyo. BAR Chronicle 8(10). Retrieved 2009-10-22.
  7. Aguilar, Ephraim. (2007-5-31). School teaches love for environment Naka-arkibo 2009-07-25 sa Wayback Machine.. Philippine Daily Inquirer. Retrieved 2012-10-21.
  8. anonymous. "Introduction to Natural Farming with Organic and Biological Technology: An Attempt to Get Back to Mother Nature". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-05-24. Nakuha noong 2013-06-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

HalamanPagkain Ang lathalaing ito na tungkol sa Halaman at Pagkain ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.