Muktuk
Ang muktuk[1] (isinatitik sa iba't ibang paraan, tingnan sa baba), ay isang tradisyonal na pagkain ng mga Inuit at iba pang mga taong sirkumpolar, na binubuo ng balat at taba ng balyena. Isang bahagi ng lutuing Inuit, kadalasan itong ginawa mula sa balyena ng Artiko (Balaena mysticetus), bagaman ginagamit din ang beluga at narwal. Karaniwan itong kinakain nang hilaw, ngunit maaari ring kainin nang elado, luto,[2] o inatsara.[3]
Mga paraan ng paghahanda
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa Groenlandiya, ibinebenta nang komersiyal ang muktuk (mattak) sa mga pabrika ng isda,[4] at sa Kanada (muktaaq) sa mga ibang komunidad.[5]
Inilarawan sa isang salaysay ng katutubong pangangaso ng balyena noong ika-21 siglo ang balat at taba na minemeryenda habang kinakatay ang ibang karne ng balyena para makain sa hinaharap. Kapag pinakuluan, unaaliq ang tawag sa meryendang ito.[6] Hilaw man o luto, isinasawsaw ang taba at balat sa sarsang HP,[6][7][8][9] isang kondimentong Britaniko, o toyo.[10]
Mga sustansiya at suliranin sa kalusugan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Natuklasan na mainam na pinagmumulan ng bitamina C ang muktuk. May 38 mg (0.59 gr) kada 100 gram (3.5 oz) ng epidermis .[11][12] Ginamit ito bilang antieskorbutiko ng mga Britanikong eksplorador ng Artiko.[13] Mapagkukunan din ang taba ng bitamina D.[14]
Ipinahayag ng Proceedings of the Nutrition Society noong d. 1950 na:
Ang pinakamahalagang pagkain ng mga Eskimong Polar ay ang narwal (Monodon monoceros). [...] Nagugustuhan [nila] ang balat (mattak) at parang kastanyas ang lasa nito; kinakain ito ng hilaw at naglalaman ito ng maraming glukoheno at asidong askorbiko. Halos kasinghalaga ang Puting balyena (Delphinupterus leucas)...[15]
Nakarating ang mga kontaminante mula sa industriyalisadong mundo patungo sa sapot ng pagkain ng katubigang Artiko. Nagsasapanganib ito sa kalusugan ng mga taong kumakain ng mga tradisyonal na pagkain ng mga Inuit.[16] Habang lumalaki ang mga balyena, naiipon ang asoge sa atay, bato, kalamnan, at taba, at napipisan ang kadmiyo sa taba,[17] pareho sa proseso kung saan nagiging problema sa kalusugan ng tao ang asoge sa isda. Nabibiyoakumula sa karne ng balyena ang mga karsinoheno tulad ng mga PCB, mga kompuwestong kemikal na pumipinsala sa mga sistemang nerbiyos, inmune at reproduktibo,[18][19] at iba pang samu't saring kontaminante.[20]
Naugnay rin ang pagkonsumo ng muktuk sa mga silakbo ng botulismo.[21]
Pagbaybay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kabilang sa mga pagsasatitik ng "muktuk", it iba pang tawag sa balat at taba, ang:
- Ikiilgin, wikang Tsukoto o Chukchi
- Maktaaq (ᒪᒃᑖᖅ), Sallirmiutun (Siglitun), Kivalliq, Aivilingmiutut (Aivilik), Hilagang Baffin, Silangang Baffin, Timog Baffin[22]
- Maktak (ᒪᒃᑕᒃ), Inupiaq,[23] Sallirmiutun, Hilagang Baffin[24]
- Maktaq, Inuinnaqtun,[25] Natsilingmiutut (Inuvialuktun)[26]
- Mattak, Labrador, Groenlandiya[27]
- Mangtak, Yupʼik ng Alaska[28]
- Mungtuk, Yupik ng Siberya
- Kimaq, Alutiiq (Sugpiaq)
Sa ilang mga diyalekto, tulad ng Inuinnaqtun, tumutukoy lang ang salitang muktuk sa mga nakakaing bahagi ng balat ng balyena at hindi sa taba.[25][29]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "muktuk". Asuilaak Living Dictionary.
- ↑ Stern, Pamela (2009). The A to Z of the Inuit [Ang A hanggang Z ng mga Inuit] (sa wikang Ingles). Lanham: Scarecrow Press. pp. 101. ISBN 978-0-8108-6822-9.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "10 Weirdest Foods in the World" [10 Pinakakakaibang Pagkain sa Mundo] (sa wikang Ingles). News.travel.aol.com. 9 Setyembre 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Setyembre 2010. Nakuha noong 11 Setyembre 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Heide-Jørgensen, Mads Peter (Enero 1994). "Distribution, exploitation and population status of white whales (Delphinapterus leucas) and narwhals (Monodon monoceros) in West Greenland" [Pamamahagi, pagsasamantala at katayuan ng populasyon ng mga puting balyena (Delphinapterus leucas) at narwhal (Monodon monoceros) sa Kanlurang Groenlandiya]. Meddelelser om Grønland, Bioscience (sa wikang Ingles). 39: 135–149. doi:10.7146/mogbiosci.v39.142541.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hoover C, Bailey M, Higdon J, Ferguson SH, Sumalia R (Marso 2013). "Estimating the Economic Value of Narwhal and Beluga Hunts in Hudson Bay, Nunavut" [Pagtatantiya sa Halagang Ekonomikal ng Paghuhuli sa Narwhal at Beluga sa Look Hudson, Nunavut]. The Arctic Institute of North America (sa wikang Ingles). 66: 1–16. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-07-09. Nakuha noong 2024-09-17.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 Zellen, Barry Scott (2008). Breaking the ice : from land claims to tribal sovereignty in the arctic [Pagtibag sa yelo : mula sa pag-aangkin sa lupa hanggang sa soberanya ng mga tribo sa artiko]. Lanham, MD: Lexington Books. p. 376. ISBN 978-0-7391-1941-9. OCLC 183162209.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Goward, Sydney (2021-08-10). "Exploring Tuktoyaktuk: Pingos, Muktuk, and the Arctic Ocean" [Paggalugad sa Tuktoyaktuk: Mga Pingo, Muktuk, at Karagatang Artiko]. My Site (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-01-25. Nakuha noong 2022-04-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Boorman ·, Charley (2012). Extreme Frontiers: Racing Across Canada from Newfoundland to the Rockies [Mga matinding hangganan: Pagkakarera sa Buong Kanada mula Newfoundland hanggang sa Rockies] (sa wikang Ingles). Little, Brown Book Group. ISBN 9780748132775.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Pearce, Tristan (2021). Research with Arctic Inuit communities : graduate student experiences, lessons and life learnings [Pananaliksik kasama ang mga komunidad ng Artikong Inuit : mga karanasan ng mag-aaral na nagtapos, mga aralin at natutunan sa buhay] (sa wikang Ingles). Cham, Switzerland: Springer. ISBN 978-3-030-78483-6. OCLC 1265523671.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Soy Sauce — An essential Inuit condiment" [Toyo — Isang esensiyal na pampalasa ng mga Inuit] (sa wikang Ingles). University of Waterloo. 8 Hulyo 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Geraci, Joseph R. & Smith, Thomas G. (1979). "Vitamin C in the Diet of Inuit Hunters From Holman, Northwest Territories" [Bitamina C sa Diyeta ng Mga Mangangasong Inuit Mula sa Holman, Mga Teritoryong Hilagang-kanluran] (PDF). Arctic (sa wikang Ingles). 32 (2): 135–139. doi:10.14430/arctic2611. JSTOR 40508955. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2018-08-19. Nakuha noong 2024-09-18.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Fediuk, K.; Hidiroglou, N.; Madère, R.; Kuhnlein, H. V. (2002). "Vitamin C in Inuit Traditional Food and Women's Diets" [Bitamina C sa Pagkaing Tradisyonal na Mga Inuit at Diyeta ng Kababaihan]. Journal of Food Composition and Analysis (sa wikang Ingles). 15 (3): 221. doi:10.1006/jfca.2002.1053.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ McClintock, Francis Leopold (2012), "CHAPTER XVI", A Narrative of the Discovery of the Fate of Sir John Franklin and His Companions, Cambridge University Press, pp. 301–322, doi:10.1017/cbo9781139236522.018, ISBN 978-1-139-23652-2
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kuhnlein, H. V.; Barthet, V.; Farren, A.; Falahi, E.; Leggee, D.; Receveur, O.; Berti, P. (2006). "Vitamins A, D, and E in Canadian Arctic traditional food and adult diets" [Mga Bitamina A, D, at E sa tradisyonal na pagkain sa Kanadyenseng Artiko at mga diyeta ng adulto]. Journal of Food Composition and Analysis (sa wikang Ingles). 19 (6–7): 495. doi:10.1016/j.jfca.2005.02.007.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Sinclair, H.M. (1953). "The Diet of Canadian Indians and Eskimos". Proceedings of the Nutrition Society. 12: 69–82. doi:10.1079/PNS19530016. S2CID 71578987.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Country Food (Inuit Food) in Canada | The Canadian Encyclopedia". www.thecanadianencyclopedia.ca. Nakuha noong 2022-04-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Wagemann, R.; Snow, N.B.; Lutz, A.; Scott, D.P. (1983). "Heavy Metals in Tissues and Organs of the Narwhal (Monodon monoceras)" [Mabibigat na Metal sa Mga Himaymay at Organo ng Narwal (Monodon monoceras)]. Canadian Journal of Fisheries and Aquatic Sciences (sa wikang Ingles). 40 (S2): s206–s214. doi:10.1139/f83-326.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Chemical Compounds Found In Whale Blubber Are From Natural Sources, Not Industrial Contamination" [Mga Kompuwestong Kemikal sa Taba ng Balyena ay Mula sa Mga Likas na Pinagmumulan, Hindi Kontaminasyong Industriyal] (sa wikang Ingles). 18 Pebrero 2005.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Japan warned on 'contaminated' blubber" [Hapon, binalaan tungkol sa 'kontaminadong' taba]. BBC News. 24 Enero 2001. Nakuha noong 31 Disyembre 2009.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Google Scholar". scholar.google.com. Nakuha noong 2018-11-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Horowitz, B Zane (2010). "Type E botulism" [Botulismong uring E]. Clinical Toxicology (sa wikang Ingles). 48 (9): 880–895. doi:10.3109/15563650.2010.526943. PMID 21171846. S2CID 20417910.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "maktaaq". Asuilaak Living Dictionary.
- ↑ Uqaluktuat: 1980 Elders' Conference, Women's Session ISBN 1-881246-01-9
- ↑ "maktak". Asuilaak Living Dictionary.
- ↑ 25.0 25.1 Ohokak, G.; M. Kadlun; B. Harnum. Inuinnaqtun-English Dictionary [Diksiyonaryong Inuinnaqtun-Ingles] (PDF) (sa wikang Ingles). Kitikmeot Heritage Society. Nakuha noong 3 Abril 2016.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "maktaq". Asuilaak Living Dictionary.
- ↑ "mattak". Asuilaak Living Dictionary.
- ↑ Jacobson, Steven A. (2012). Yup'ik Eskimo Dictionary, 2nd edition [Diksiyonaryo ng Yup'ik Eskimo, Ika-2 edisyon] (sa wikang Ingles). Naka-arkibo 03-08-2017 sa Wayback Machine.. Alaska Native Language Center.
- ↑ "edible whale skin" [nakakaing balat ng balyena]. Asuilaak Living Dictionary.