Pumunta sa nilalaman

Mulino

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Mulinong panghangin)
Isang toreng mulino sa Nederlands na napapaligiran ng mga tulip.

Ang mulino[1] (Ingles: windmill, Kastila: molino) ay isang makina o motor na pinapakilos ng hangin para lumikha ng enerhiya. Karaniwan silang nasa loob ng isang malaking gusali katulad ng mga tore. Maraming mapaggagamitan ang enerhiyang nagmumula sa mga mulino katulad ng paggiling ng mga butil, pagbobomba ng tubig, paglalagari ng mga kahoy, at pagpipisa o pagmamartilyo ng mga buto ng halaman. Ginagamit ang mga makabagong mga mulinong pinapaandar ng mga makinang de-hangin para sa paglalang ng elektrisidad at mas kilala bilang mga turbinang de-hangin.

Dinisenyo ang mga mulinong gumagamit ng lakas ng hangin para mabago ang anyo ng enerhiya ng hangin at maging mas gamitin pang kaanyuhan. Naisasagawa ito ng mulino dahil sa kanilang mga propeler at layag. Kasama sa tinatawag na mulino ang kayariang kinalalagakan nito. Sa kalahatan ng Europa, dati at orihinal na nagsisilbing panggiling ng mga angkak, bagaman kinabilangan ng pagbobomba ng tubig, at sa mas kamakailan lamang, para sa henerasyon ng kuryente.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. English, Leo James (1977). "Mulino, windmill, molino". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


InhenyeriyaTeknolohiyaArkitektura Ang lathalaing ito na tungkol sa Inhenyeriya, Teknolohiya at Arkitektura ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.