Namie Amuro
Namie Amuro 安室奈美恵 | |
---|---|
Kabatiran | |
Pangalan noong ipinanganak | Amuro, Namie |
Kapanganakan | 20 Setyembre 1977 |
Pinagmulan | Naha, Okinawa Prefecture, Hapon |
Genre | J-Pop, R&B, Hip Hop/Hip-Pop |
Trabaho | mang-aawit, kompositor, record producer |
Instrumento | Vokal |
Taong aktibo | 1992–1995 (grupo) 1995–2018 (TBA) (solo) |
Label | Toshiba-EMI (1992–1995) Avex Trax (1995–2013) Dimension Point (2013-2018, TBA) |
Website | http://www.avexnet.or.jp/amuro |
Namie Amuro | |||||
---|---|---|---|---|---|
Pangalang Hapones | |||||
Kanji | 安室 奈美恵 | ||||
Hiragana | あむろ なみえ | ||||
Katakana | アムロ ナミエ | ||||
|
Si Namie Amuro (安室 奈美恵 Amuro Namie) ay isang mang-aawit na mula sa bansang Hapon. Pinanganak siya noong ika-20 ng Setyembre, 1977 sa siyudad ng Naha sa Okinawa.
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagsimulang kumanta't sumayaw si Namie Amuro noong 4 na taong gulang siya. Tagahanga siya noon ng Amerikanong mang-aawit na si Janet Jackson na siyang nagbigay diwa sa kanya. Dahil dito, ipinasok si Namie sa Actor's School sa Okinawa para matuto siya sa pagkanta't pagsayaw. Doon napansin si Namie ng punong-guro ng Actor's School na si Masayuki Makino na siyang nagsali sa kanya sa grupong Super Monkey's nong 1992.
Habang kabilang si Namie Amuro sa Super Monkey's ay gumanap din siya sa mga pantelebisyong drama at mga pambatang palabas. Sumikat dito si Namie Amuro at ang Super Monkey's ay pinangalanang "Namie Amuro with Super Monkey's". Sa tulong ni Tetsuya Komuro, naglabas ang grupo ng mga plakang may temang "Eurobeat" at dito sila sumikat. At sa tulong ni MAX Matsuura, napabilang si Namie sa kompanyang avex noong 1995.
Pinangasiwaan ni Komuro ang mga awit ni Namie tulad ng "Body Feels EXIT", "Chase the Chance", "Don't wanna cry" at "You're my sunshine". Ang mga awit na ito ay napabilang sa plaka niya na "Sweet 19 Blues" na bumenta ng 3,000,000 na piraso. Dahil dito sumikat si Namie Amuro.
At di lamang sa pagkanta sumikat si Namie kundi sa larangan ng pananamit din. Ang moda ng kanyang pananamit na kinabibilangan ng mahabang buhok, manipis na kilay, pagsuot ng mini-skirt at makakapal na bota ay ginaya ng mga kabataang Hapones. Sila ay tinagurinag mga "Amurer"...at ang salitang ito ay naging sikat na salita noong 1996. Ngunit matapos nito ay napalugmok ang buhay ni Namie.
Nag-umpisa ito nooong 1997 nang ginulat ni Namie ang buong mundo nang mapabalita na siya ay tatlong buwang buntis sa miyembro ng grupong TRF na si Sam. Napabalita din na pinaslang ang ina ni Namie na si Emiko Taira ng kanyang tiyuhing si Kenji Tairo. Nanganak si Namie noong 1998 sa isang lalaki na pinangalanan niyang "Haruto" at naghiwalay sina Namie at Sam noong 2002. Ilang taon din ng lumipas bago bumangon muli si Namie.
Bumalik siya sa pagkanta noong 2001 at sa tulong ni Ryuusuke Imai, naglabas si Namie ng plakang pinamagatang "SUITE CHIC" na siya din ang sumulat. Lumibot si Namie Amuro sa Asya na kung saan nagtanghal siya ng mga konsyerto. Sinundan ito ng mga plaka na "ALL FOR YOU" at "GIRL TALK / the SPEED STAR" na siyang bumenta at umakyat sa itaas ng talaang Oricon. Naging sikat muli si Namie Amuro.
Noong 2004 ay ginawaran siya ng parangal sa MTV Japan Video Music Awards ng "Best R&B Video". Sa pagkakataong din iyon, nakamit ni Namie ang pangarap niyang makasama sa entablado si Janet Jackson nang iabot niya kay Janet ang "Special Inspiration Award".
Mga Tampok na Plaka
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga Single
[baguhin | baguhin ang wikitext]- [1995.04.26] Taiyou no Season
- [1995.07.24] Stop the music
- [1995.10.25] Body Feels Exit
- [1995.12.04] Chase the Chance
- [1996.03.13] Don't wanna cry
- [1996.06.05] You're my sunshine
- [1996.08.21] Sweet 19 Blues
- [1996.11.27] A walk in the park
- [1997.02.19] Can You Celebrate?
- [1997.05.21] How to be a Girl
- [1997.11.27] Dreaming I Was Dreaming
- [1998.12.23] I Have Never Seen
- [1999.03.17] Respect the Power of Love
- [1999.07.07] toi et moi
- [1999.09.01] Something 'bout the Kiss
- [2000.01.01] Love 2000
- [2000.07.12] Never End
- [2000.10.04] Please Smile Again
- [2001.01.24] Think of me / no more tears
- [2001.08.08] Say the word
- [2002.02.14] I Will
- [2002.09.11] Wishing On The Same Star
- [2003.03.05] Shine more
- [2003.07.16] Put 'Em Up
- [2003.10.16] So Crazy / Come
- [2004.03.17] Alarm
- [2004.07.22] All For You
- [2004.10.14] Girl Talk / The Speed Star
- [2005.04.06] Want Me, Want Me
- [2005.11.16] White Light / Violet Sauce
- [2006.05.17] Can't Eat, Can't Sleep, I'm sick / Ningyo
- [2007.01.24] Baby Don't Cry
- [2007.04.04] Funky Town
- [2008.03.12] 60s 70s 80s
- [2009.03.18] Wild / Dr.
- [2010.07.28] Break It / Get Myself Back
- [2011.07.27] Naked / Fight Together / Tempest
- [2011.12.07] Sit! Stay! Wait! Down! / Love Story
- [2012.03.21] Go Round / Yeah-Oh!
- [2013.03.06] Big Boys Cry / Beautiful
- [2014.01.29] Tsuki
- [2014.11.12] Brighter Days
- [2015.12.02] Red Carpet
- [2016.05.18] Mint
- [2016.07.27] Hero
- [2016.10.26] Dear Diary / Fighter
- [2017.05.31] Just You And I
Mga Digital Single
[baguhin | baguhin ang wikitext]- [2012.10.31] "Damage"
- [2013.05.26] "Contrail"
- [2013.10.16] "Neonlight Lipstick"
- [2013.10.23] "Ballerina"
- [2016.12.20] "Christmas Wish"
- [2018.02.11] "Hope"
- [2018.04.14] "Body Feels Exit (New Recording Ver.)"
Mga Album
[baguhin | baguhin ang wikitext]- [1995.10.16] Dance Tracks Vol.1
- [1996.07.22] Sweet 19 Blues
- [1997.07.24] Concentration 20
- [2000.01.26] Genius 2000
- [2000.12.20] Break the rules
- [2003.12.10] Style
- [2005.07.13] Queen of Hip-Pop
- [2007.06.27] Play
- [2009.12.16] Past < Future
- [2012.06.27] Uncontrolled
- [2013.07.10] FEEL
- [2015.06.10] _genic
Mga Greatest Album
[baguhin | baguhin ang wikitext]- [1998.01.28] 181920
- [2002.03.13] LOVE ENHANCED Single Collection
- [2008.07.30] Best Fiction
- [2011.04.27] Checkmate
- [2014.06.04] Ballada
- [2017.11.08] Finally
Trivia
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Noong taong 2000, isa si Namie Amuro sa mga mang-aawit na kumanta para sa mga pinuno ng G8 Summit na ginanap sa bansang Hapon. Kabilang sa mga pinunong ito sina Bill Clinton, pangulo ng Estados Unidos at Tony Blair, punong ministro ng Inglatera.
Mga Pahinang Pag-uugnay
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Namie Amuro Official Website Naka-arkibo 2013-03-02 sa Wayback Machine.
- Namie Amuro sa IMDb