Hespero
Sa mitolohiyang Griyego, si Hespero, Hesperus, Eosporo, o Posporo (Griyego: Ἓσπερος, Hesperos; Ingles: Hesperus; Kastila: Eósforo, Héspero, o Fósforo; katumbas sa mitolohiyang Romano: Vesper[1], na kahulugan o kalapit na kahulugang "gabi", "hapunan", "panggabing bituin", "kanluran"[2]), ang Bituin ng Gabi ay ang lalaking anak ng diyosa ng bukang-liwayway na si Eos (katumbas sa mitolohiyang Romano: Aurora), at kapatid na lalaki ni Atlas[1] (ayon sa ibang mapagkukunan, kapatid ni Hespero si Eosporo (Ingles: Eosphorus, Griyego: Ηωσφόρος, Eosphoros "tagapagdala ng bukang-liwayway"; o Griyego: Φωσφόρος, Phosphorus, Posporo, o Lucifer "tagapagdala ng liwanag", Iubar), ang Bituin ng Umaga o Pang-umagang Bituin. Dating diyos si Hespero na naging panggabing bituin.[1] Ama ni Hespero si Cephalus, isang tao, habang ama naman ni Eosporo ang diyos ng bituin na si Astraeus (o Astraios).
Dati ring panawag sa Griyego ang "Hesperus" para sa Venus bilang panggabing bituin. Si Pitagoras ang unang taong nag-ugnay kay Hespero, ang panggabing bituin, sa kay Posporo, ang bituin ng umaga.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 "Hesperus". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977., Dictionary Index para sa titik na H, pahina 331.
- ↑ Collins Latin Dictionary plus Grammar, p. 231. ISBN 0-06-053690-X)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Mitolohiya at Gresya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.