Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Sayusay"

Jump to navigation Jump to search
1,090 byte removed ,  5 year ago
m (Ibinalik ang mga pagbabago ni 119.94.8.57 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni 180.191.134.136)
[[File:Socrates Louvre.jpg|thumb|250px||right|Si Socrates, batay sa kontekstong pang-kasaysayan, ay itinuturing na isa sa mga nagpalaganap ng retorika noong mga unang siglo. (''Pagkilala sa imahe para kay:'' '''Eric Gaba''' User:Sting)]]
 
JOSHUA TARTAR BALAGTAAAS
Sinasabing nagsimula ang retorika bilang isang sistema ng pakikipagtalo sa '''Syracuse''', isang isla sa ''Sicily'' noong ''ika-limang siglo'' bago dumating si [[Kristo]]. Makaraang bumagsak ang kanilang pamahalaang ''diktaturyal'', ang mga mamamayan doon ay binigyang pagkaka-dumulog at ipagtalo sa hukuman ang kanilang karapatan sa mga lupang inilit ng nakaraang rehimen. Ang marunong na si '''Corax''', isang tagaroon, ang nagpanukala sa mga tuntunin ng paglalahad ng kanilang argumento. Ayon sa kanya, upang makuha ang simpatiya ng mga nakikinig kailanagan ang maayos at sistematikong pagpapahayag ng mga katwiran. Nakasentro ang kanyang pamamaraan sa talumpati na kakikitaan ng limang mahahalaganag elemento: ang ''proem'' o ''introdusyon''; ang ''salaysay'' o pahayag na [[historical]]; ang mga pangunahing argumento; mga '''karagdagang pahayag''' (''supplemental statements'') o '''kaugnay na argumento''' (''supporting arguments''); at ang ''konklusyon''. Naimbento nila ang ''retorika'' sa layuning makahikayat at mapunuan ang anumang pagkukulang sa mga '''konkretong katibayan''' (''concrete evidence'').
 
Makikita agad dito na sadyang ginagamit ang retorika sa pag-apila sa emosyon at di gananong binibigyang diin ang katumpakan at kalakasan ng argumento. Ayon pa sa mga ''sophist'', Makapal na panitik (''katawagan sa pangkat ng matatalinong tao noon''), ang retorika ay angkop sa pagtatamo ng kapangyarihang [[political]] sa pamamgitan lamang ng kanilang pagpapahalaga sa paksang ipinaglalaban at ''estilo'' sa pagbigkas. Maaring binabatikos naman ito ni [[Socrates]] (''c. 470–399 B.C.'') sa pagsasabing walang hangad ang mga ''sophist'' maliban sa kabayarang kanilang tinatanggap sa pagtuturo at ang kanilang lubhang pagbibigay diin sa ''retorika'' bilang sining ng pakikipagtalo (''debate'') at hindi sustansiya ng ''talumpati''. Ang ganitong pamamaraan, banta pa niya, ay nagtuturo lamang sa mga estudyanteng '''palabasin ang kasamaan ng isang mabuting adhikain'''. Kinikilalang pinakama-impluwensiyang retorisyan noon si Isocrates ''(c. 436–338 B.C.)''. Nagtatag siya ng sariling paaralang magtuturo ng istilo ng pananalumpati batay sa maindayog at magandang pagkakatugma ang mga salita sa paraang '''tuluyan''' o ''prosa''. Kakikitaan ang kanyang sariling ''prosa'' ng mga maikli ngunit eleganteng nakabiting [[pangungusap]] na mayaman sa [[History|kasaysayan]] at [[Philosophy|pilosopiya]]. Sa Rhetoric ni '''Aristotle''' ''(384–322 B.C.)'' sinuri niyang mabuti ang sining ng panghihikayat (Art of Persuasion), binigyan ng parehas na empasis ang katangian ng nagsasalita, ang [[Logic|lohika]] ng kanyang kaisipan, at ang kakayahang pumukaw ng damdamin ng mga nakikinig. Inihiwalay niya ang retorika sa pormal na lohika at ang mga kasangkapang panretorika sa siyentipikong pamamaraan ng pagbibigay katuturan dito ayon sa maaring maganap kaysa sa tiyak na magaganap. Nilikha niya ang ideya ng probabilidad o malamang na mangyari o maganap sa pamamagitan ng mga panumbas na retorikal sa lohikang kaisipan: ang ''enthymeme'' kung saan ang pansamantalang kongklusyon ay kinuha sa pansamantalang batayan, sa halip na [[silohismo]] na mula sa katotohanang '''unibersal'''; at ang halimbawa o ''analogy'' para sa pangangatwirang induktibo.
Hindi nakikilalang mga tagagamit

Nav menu