Jump to content

José Burgos: Pagkakaiba sa mga binago

m
No edit summary
m (link paglilitis using Find link)
Si Padre Burgos ay naging aktibong kasapi ng kilusan na pinamumunuan ni Padre Pedro Pelaez. Ipinaglaban nila ang karapatan ng mga Pilipinong pari at sila ay nagtagumpay. Nang namatay si Padre Pelaez, ang kilusang ito ay pinamumunuan ni Padre Burgos kasama sina Padre [[Mariano Gomez]] at Padre [[Jacinto Zamora]].
 
Sa [[paglilitis]] ng ''Pagaaklas sa Cavite'' noong 20 Enero 1872, isa sa mga nag-aklas na si Sarhento Bonifacio Octavo ay naisaiwalat ang isang lalaking nagngagalang Zaldua na naghihikayat ng mga tao na magaklas. Si Octavo ay tumestigo na ang lalaking ito ay inuutusan ni Burgos para gawin ang panghihikayat, ngunit dahil sa paiba-iba ng testimonya ni Octavio, ang naturang pagsisiyasat ay nauwi sa wala. Ngunit ang naturang pangyayari ay sinabi ni Gov. [[Rafael Izquierdo]] sa [[Madrid]] at ang testimonya ay nagpatunay ng kanyang pagdududa. Nadiin sina Burgos kasama ng dalawa pang pari na sina Padre Zamora at Padre Gomez, sa kasong sedisyon.
 
Ang tatlong pari ay kinaladkad sa mga akusayson na pinatunayan ng mga huwag na testigo, at kung saan ang kani-kanilang abogado ay trinaydor sila sa korte. Noong 17 Pebrero 1872, sila ay ginarote sa [[Fort Santiago]] sa gitna ng Bagumbayan na ngayon ay [[Luneta]].
12,349

edits