Jump to content

Sinapsido: Pagkakaiba sa mga binago

Inayos ang ilang mga kawing
(Inayos ang ilang mga kawing)
 
| subdivision_ranks = Orden (tradisyunal)
| subdivision =
* †[[Pelycosauria|Pelikosauriya]]
* [[Therapsida|Terapsido]]
<tr><th colspan=2 style="text-align:center;background-color:#D3D3A4">Mga Klado (pilohenetiko)</th></tr>
}}
[[File:Skull synapsida 1.svg|thumb|right|200px|Ang mga sinapsido ay maitatangi ng isang [[pilipisang bintana]] o temporal fenstra na butas sa likod ng bawat mata(kanang ibaba).]]
Ang mga '''Sinapsido''' (Griyego, 'pinagsamang arko') na isang pangkat ng mga hayop sa kladong '''Synapsida''' na kasingkahulugan ng mga '''teropsido''' (Griyego, 'halimaw na mukha') ay isang pangkat ng mga hayop na kinabibilangan ng mga [[mamalya]] at bawat hayop na mas malapit na nauugnay sa mga [[mamalya]] kaysa sa mga [[Amniota|amniyota]].<ref>Laurin and Reisz 2007.</ref> Ang mga ito ay madaling maihihiwalay mula sa ibang mga amniyota sa pagkakaron ng mga ito ng isang [[pilipisang bintana]] na isang bukasan na mababa sa [[bubong ng bungo]] sa likod ng bawat mata na nag-iiwan ng isang [[zygomatic arch|sigomatikong arko]] sa ilalim ng bawat isa.<ref name=Romer>[[Alfred Romer|Romer, A.S]]. & Parsons, T.S. (1985): ''The Vertebrate Body.'' (6th ed.) Saunders, Philadelphia.</ref> Ang mga primitibong sinapsido ay karaniwang tinatawag na mga [[Pelycosauria|pelikosauriyo]]. Ang mga mas maunlad na tulad ng [[mamalya]] ang mga [[Therapsida|terapsido]]. Ang mga hindi mamalyang mga kasapi nito ay inilalarawan bilang '''mga tulad ng mamalyang reptilya''' sa klasikong sistematika<ref name=Carroll397>Carroll 1988: 397.</ref><ref name=Benton122>Benton 2005: 122.</ref> ngunit tinutukoy bilang mga '''tangkay na mamalya''' sa ilalim ng terminolohiyang kladistiko.<ref>Donoghue, Philip (2005), "[http://palaeo.gly.bris.ac.uk/donoghue/PDFs/2005/Donoghue_2005b.pdf Matters of the Record: Saving the stem group---a contradiction in terms?] {{Webarchive|url=https://web.archive.org/web/20110605085204/http://palaeo.gly.bris.ac.uk/donoghue/PDFs/2005/Donoghue_2005b.pdf |date=2011-06-05 }}". Page 555 (pdf document page 3 of 6)</ref> Ang mga sinapsido ay nag-[[ebolusyon|ebolb]] mula sa mga saligang amniyota at isa sa dalawang mga pangunahing pangkat ng kalaunang mga amniyota. Ang isa ang mga [[sauropsida]] na isang pangkat na kinabibilangan ng mga modernong [[reptilya]] at [[ibon]]. Ang natatanging pilipisang bintana o temporal fenestra ng mga sinapsido ay nag-ebolb sa ninunong sinapsido mga 324 milyong taon ang nakalilipas sa panahong [[Pennsylvanian|Pensilbaniyano]] sa Huling [[Carboniferous]]. Ang mga sinapsido ang mga pinakamalaking [[tetrapoda|pang-lupaing bertebrado]] sa panahong [[Permian]] 299 hanggang 251 milyong taon ang nakalilipas. Gaya ng halos lahat ng mga pangkat na nabubuhay sa panahong ito, ang mga bilang at pagkakaiba nito ay malalang nabawasan sa [[Pangyayaring pagkalipol na Permian-Triyasiko]]. Bagaman ang ilang espesye o uri ay nagpatuloy sa panahong [[Triassic|Triyasiko]], ang mga [[arkosauro]] na mga hindi-mamalyang sinapsido ay tumagal ng mas mahaba sa Triyasiko bagaman ang mga nakapagpatuloy na mga sinapsido ay nagpatuloy hanggang sa panahong [[Kretaseyoso]]. Gayunpaman, bilang isang yunit na pilohenetiko, ang mga ito ay kinabibilangan ng mga mamalya bilang mga inapo nito at sa kahulugang ito, ang mga sinapsido ay labis pa ring isang nabubuhay na pangkat ng mga [[bertebrado]]. Pagkatapos ng [[pangyayaring pagkalipol ng Kretaseyoso-Paleyoheno]], ang mga sinapsido sa anyo ng mga mamalya ay muling naging pinakamalaking mga hayop na pang-lupain.
==Mga sanggunian==
{{reflist}}
648

edit