Pumunta sa nilalaman

Neptuno

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Neptuno (planeta))
Ang Neptuno mula sa Voyager 2

Ang Neptuno (Ingles: Neptune, bigkas: /ˈnɛptjuːn/;[1] sagisag: ♆) ay ang ika-8 planeta mula sa Araw sa Sistemang Solar. Ipinangalan ito sa Romanong diyos ng karagatan. Ito ay ang ika-4 sa pinakamalaking planeta ayon sa diametro at ikatlo naman ayon sa masa. Ang Neptuno ay mas mabigat ng 17 beses kaysa sa mundo at mas mabigat ng kaunti sa halos kakambal nitong planeta ng Urano na katumbas ng 15 na Daigdig at hindi ganoon ka dense.[2] Ang orbit ng Neptuno ay kalimitang nasa distansiya na 30.1 AU mula sa Araw, mga halos 30 beses ng layo ng Daigdid sa Araw. Ang astronomikal na simbolo nito ay ang Astronomical symbol for Neptune., isang bersyon ng trident ng diyos na si Neptuno.

Nadiskubre ito noong 23 Setyembre 1846,[3] ang Neptuno ay ang tanging planeta na nahanap gamit ang prediksiyong matematikal kaysa empirikal na obserbasyon. Ang mga hindi inaasahang pagbabago sa orbit ng Urano ang tumulong sa mga astronomer na malaman na naapektuhan ito ng perturbasyong grabitasyonal ng isang di kilalang planeta. Ang Neptuno ay nahanap sa loob ng isang degree ng inaasahan nitong posisyon, at ang pinakamalaki nitong buwan, ang Triton, ay natuklasan pagtapos. Sulbalit hindi kaagad natuklasan ang 12 pang mga buwan sa pamamagitan ng teleskopiya hanggang sa ika-20 na siglo. Isang sasakyang pangkalawakan pa lamang ang nakabisita sa Neptuno, ang Voyager 2, na lumipadng malapit sa planeta noong 25 Agosto 1989.

Ang equatoriyal na radius ng Neptuno na 24,764 kilometro (15,388 mi)[4] ay halos apat na beses na mas malaki kaysa nung sa Daigdig. Ang Neptuno at Urano ay kinokonsidera na sub-klase ng mga higanteng gas na tinatawag na "higanteng yelo", dahil sa kanilang mas maliit na laki at mas maraming konsentrasyon ng mga bolatilo kung ikukumpara sa Hupiter at Saturno.[5] Sa kanilang paghahanap ng mga ekstrasolar na planeta, ang Neptuno ay ginagamit na metonym: ang mga bagay na kasing bigat nito ay tinatawag na "Neptunes",[6] gaya ng pagtawag sa ibang ekstra-solar na bagay na "Jupiters".

  1. Walter, Elizabeth (21 Abril 2003). Cambridge Advanced Learner's Dictionary (ika-Second Edition (na) edisyon). Cambridge University Press. ISBN 0521531063. {{cite book}}: |edition= has extra text (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. The mass of the Earth is 5.9736×1024 kg, giving a mass ratio of:
    The mass of Uranus is 8.6810×1025 kg, giving a mass ratio of:
    The mass of Jupiter is 1.8986×1027 kg, giving a mass ratio of:
    See: Williams, David R. (29 Nobyembre 2007). "Planetary Fact Sheet - Metric". NASA. Nakuha noong 2008-03-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Hamilton, Calvin J. (4 Agosto 2001). "Neptune". Views of the Solar System. Nakuha noong 2007-08-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. P. Kenneth, Seidelmann; Archinal, B. A.; A’hearn, M. F.; atbp. (2007). "Report of the IAU/IAGWorking Group on cartographic coordinates and rotational elements". Celestial Mechanics and Dynamical Astronomy. Springer Netherlands. 90: 155–180. doi:10.1007/s10569-007-9072-y. ISSN (Print) 0923-2958 (Print). Nakuha noong 2008-03-07. {{cite journal}}: Check |issn= value (tulong); Explicit use of et al. in: |author2= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  5. See for example: Boss, Alan P. (2002). "Formation of gas and ice giant planets". Earth and Planetary Science Letters. 202 (3–4): 513–523. doi:10.1016/S0012-821X(02)00808-7.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Lovis, C.; Mayor, M.; Alibert Y.; Benz W. (18 Mayo 2006). "Trio of Neptunes and their Belt". ESO. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2008-03-01. Nakuha noong 2008-02-25.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) Naka-arkibo 2008-03-01 sa Wayback Machine.

ang neptuno ay nadiskubre nina John Couch Adams at Urbain Le Verrier