Pacita Abad
Pacita Abad | |
---|---|
Kapanganakan | Pacita Abad 5 Oktubre 1946 Basco, Batanes, Pilipinas |
Kamatayan | 7 Disyembre 2004 | (edad 58)
Nasyonalidad | Pilipino |
Edukasyon | Corcoran School of Art Art Students League of New York |
Nagtapos | Unibersidad ng Pilipinas Diliman (BA, 1967) Kolehiyo ng Lone Mountain / Unibersidad ng San Francisco (MA, 1972) |
Kilala sa | Pagpipinta, Estilong Trapunto |
Website | http://www.pacitaabad.com/ |
Si Pacita Barsana Abad (5 Oktubre 1946 - 7 Disyembre 2004) ay isang Ivatan at Pilipino-Amerikano na babaeng pintor. Ipinanganak siya sa Basco, Batanes na isang maliit na isla sa hilagang bahagi ng Pilipinas, sa pagitan ng Luzon at Taiwan . Ang kanyang higit na 30 taong karera sa pagpipinta ay nagsimula noong siya ay naglakbay sa Estados Unidos upang makapagtapos ng pag-aaral. Ipinakita niya ang kanyang mga gawa sa higit na 200 mga museo, galeriya, at iba pang mga lugar, kabilang ang 75 mga solong pagtatanghal sa buong mundo. Ang iba't ibang gawa ni Abad ay nasa publiko, korporasyon, at pribadong mga koleksyon ng sining sa higit na 70 mga bansa.
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang parehong mga magulang ni Abad ay nagsilbi, sa magkakaibang panahon, bilang Kongresista ng Batanes , at si Abad ay nagtamo ng BA sa agham pampulitika sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman noong 1967. Noong 1970, tumungo siya sa Estados Unidos na balak mag-aral ng abogasya, ngunit sa halip ay nakakuha siya ng master's degree tungkol sa kasaysayan ng Asya sa Lone Mountain College (na kalauna'y naging bahagi ng Unibersidad ng San Francisco ) noong 1972 habang sinusuportahan ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pananahi at pagiging isang typist . Nag-aral si Abad ng pagpipinta sa Corcoran School of Art sa Washington, DC at The Art Student League sa Siyudad ng New York. Tumira siya sa anim na kontinente at nagtrabaho sa higit sa 50 mga bansa, kabilang ang Guatemala, Mexico, India, Afghanistan, Yemen, Sudan, Mali, Papua New Guinea, Cambodia, at Indonesia. Sa Corcoran School of Art, nag-aral si Abad sa ilalim ng gabay nina Berthold Schmutzhart at Blaine Larson, at ang dalawang propesor ay tumulong sa paglunsad ng kanyang masining na karera. Pagkatapos ay nagpursige si Abad sa kanyang pag-aaral sa The Art Student League sa New York kung saan nakatuon siya sa pagpipinta ng inanimadong-buhay at matalinhagang pagguhit sa ilalim nina John Helicker [1] at Robert Beverly Hale .
Sa panahon ni Abad sa San Francisco, pinakasalan niya ang pintor na si George Kleiman, ngunit naghiwalay sila kalaunan. Naglakbay siya sa mga pansining na pagtatanghal sa buong Asya sa loob ng isang taon kasama ang mag-aaral ng negosyo mula sa Stanford na si Jack Garrity, pagkatapos ay bumalik sa EUA upang mag-aral muli ng pagpipinta. Pinasukan niya ang Corcoran School of Art sa Washington DC at kalaunan, sa The Art Student League sa New York City. Habang nasa California, ikinasal siya kay Garrity, na naging isang ekonomista ng pang-internasyunal na kaunlaran.[2]
Mga gawa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nakagawa si Abad ng higit sa 4,500 mga likhang sining sa panahon ng kanyang pagpipinta. Ang kanyang mga naunang gawa ay karamihan tungkol sa mga matatalinhagang gawaing sosyo-pampulitika ng masa at mga primitibong maskara. Ang ilan ay mga malalaking kuwadro ng mga eksena sa ilalim ng dagat, mga tropikal na bulaklak, at buhay ng mga hayop. Ang pinakamalawak na aspekto ng trabaho ni Pacita ay tungkol sa mga makukulay na gawaing abstrakto. Karamihan sa mga gawa ay nasa mga naglalakihang lona at ilang mga maliliit na kolahe. Gumagamit si Pacita ng mga materyales mula sa lona at papel hanggang sa tela, metal, keramika, at baso. Pininturahan niya ang 55-metrong haba ng Tulay ng Alkaff sa Singapore at dinagdagan ito ng halos 2,350 na makukulay na bilog. Ito ay nagawa ilang buwan bago siya pumanaw.
Bumuo si Abad ng isang madiskarteng paraan ng pagpipinta, ang trapunto (pinangalanan mula sa isang paraan ng quilting), na nagsasama ng pagtatahi at pagpupuno ng kanyang pininturahan na mga lona upang bigyan ang mga ito ng isang perspektibong tatlong dimensyonal. Sinimulan niyang isama sa ibabaw ng kanyang mga pinture ang mga materyales tulad ng tradisyonal na tela, salamin, kuwintas, kabibi, plastik na mga butones, at iba pang mga bagay.
Mga parangal at pagkilala
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Abad ay nakatanggap ng maraming mga parangal sa panahon ng kanyang masining na karera. Ang kanyang pinaka-hindi malilimutang gantimpala ay ang kanyang pinakauna, ang TOYM Award para sa sining sa Pilipinas noong 1984. Ang Ten Outstanding Young Men (TOYM; Sampung Kalalakihan na Katangi-tangi) [3] ay isang parangal na palaging ibinigay sa mga kalalakihan, hanggang 1984, nang si Abad ang naging kauna-unahang babae na nakatanggap sa prestihiyosong gantimpala. Matapos niyang matanggap ang gantimpala, isang kaguluhan sa publiko at sa media ang naganap kung saan ang ibang mga lalaking artista ay nagalit at nagpadala ng liham sa mga tagapatnugot ng mga nailathalang pahayagan. Inisip nila na hindi nararapat ang karangalan para sa kaniya. Sa kabila ng oposisyon na ito, tuwang-tuwa si Abad na nilabag niya ang hadlang tungkol sa kasarian, at sinabi niya sa kanyang talumpati sa pagtanggap na "matagal na ang panahon na hindi kinikilala ang mga kababaihang Pilipina, kahit na ang Pilipinas ay puno ng mga mahuhusay na babae", at pinagmalaki niya ang kanyang ina .
- "Parangal for Pacita Abad" - bilang memorya sa yumaong internasyunal na pintor, Pambansang Museo ng Pilipinas, Enero 2005
- "Art in Embassies - Indonesia", Kagawarang Estado ng Estados Unidos, Setyembre 2001
- "Pamana Ng Pilipino Award" para sa katangi-tanging tagumpay sa sining, na ibinigay ng Pangulo ng Pilipinas, Maynila, Hunyo 2000
- "Plaque of Recognition to Pacita B. Abad, Ivatan Painter, Internationally Acclaimed Artist", mula sa Lalawigan ng Batanes, 2000
- "Filipina Firsts", isang kumpendyum ng 100 na mga Pilipinong kababaihan na hindi nahadlangan sa kanilang larangan ng pagsisikap na inorganisa ng Philippine American Foundation sa Maynila at Washington, DC, Hunyo 1998
- "Likha Award", na minamarkahan ang Makasandaang siglo ng Kalayaan ng Pilipinas, na ibinigay bilang pagkilala sa tanyag na tagumpay, Hunyo 1998
- "Art in Embassies - Philippines", Kagawarang Estado ng Estados Unidos, Pebrero 1996
- "Excellence 2000 Awards for the Arts", na ibinigay ng US Pan Asian American Chamber of Commerce sa Washington, DC (Websayt www.uspaacc.com), Mayo 1995
- Ang pagkaloob ng Konseho ng Estado ng New York para sa Visiting Artists Program sa Amuan, 1993
- "Gwendolyn Caffritz Award", na ibinigay ng Washington, DC Commission for the Arts, Hunyo 1992
- "Mid-Atlantic Arts Regional Fellowship", US, Hunyo 1992
- "DC Commission on the Arts Award", Hunyo 1990
- "MetroArt II Award: Six Masks from Six Continents", isang mural ng limang mga kuwadro sa Metro Center, Washington, DC, Hunyo 1990
- "National Endowment for the Arts", Visual Arts Fellowship, 1989 hanggang 1990, Hunyo 1989
- "DC Commission on the Arts Award", Hunyo 1989
- "TOYM Award" para sa Pinakahusay na Batang Artista sa Pilipinas, Hulyo 1984
Karamdaman at kamatayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Namatay si Abad dahil sa kanser sa baga noong 2004 sa Singapore. Siya ay inilibing sa Batanes, Pilipinas, sa tabi ng kanyang studio na tinatawag na Fundacion Pacita.
Pamana
[baguhin | baguhin ang wikitext]Itinatag ni Abad ang isang natatanging diskarteng trapunto sa pagpipinta, at naimpluwensyahan ang maraming mga iskolar sa sining . Nakatanggap siya ng maraming mga pang-internasyonal na parangal sa larangan ng pagpipinta. Ang kanyang mga gawa ay nakuha at pinahalagahan ng mga museo ng sining sa Tokyo, Paris, London, Singapore, San Francisco, Siyudad ng New York, Hong Kong, at Maynila, bukod pa sa iba. Ang kanyang mga gawang sining ay nasa pambansang koleksyon ng hindi bababa sa 70 mga bansa sa buong mundo.
Ang Fundacion Pacita Batanes Nature Lodge sa Basco, Batanes, ay "inayos nang may buong pagmamahal" ng kanyang kapatid na si Butch Abad .
Ang mga gawa ni Pacita Abad ay itinanghal sa maraming mga galeriya at museo sa Pilipinas sa taunang Philippine Arts Month at mga pistang pansining.
Noong 31 Hulyo 1984, nagwagi si Abad ng parangal sa TOYM. Sa 31 Hulyo 2020 ginunita ng Google ang anibersaryo ng parangal at ginunita rin ang mga pamana ni Abad sa pamamagitan ng isang doodle bilang pagbibigay pugay sa kanyang istilo sa sining.
Kasabihan
[baguhin | baguhin ang wikitext]"I always see the world through colour, although my vision, perspective and paintings are constantly influenced by new ideas and changing environments. I feel like I am an ambassador of colours, always projecting a positive mood that helps make the world smile."
"Palagi kong nakikita ang mundo sa pamamagitan ng kulay, kahit na ang aking paningin, pananaw at mga kuwadrado ay patuloy na naiimpluwensyahan ng mga bagong ideya at ng kapaligirang pabago-bago. Pakiramdam ko ako ay isang embahador ng mga kulay, palaging nagpapalabas ng isang positibong emosyon na makakatulong sa pagngiti ng mundo."
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "John Helicker". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-06-29. Nakuha noong 2021-01-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2016-06-29 sa Wayback Machine. - ↑ Thelma B. Kintanar, Sylvia Mendez Ventura, Self-Portraits 2: Fourteen Filipina Artists Speak (Ateneo de Manila University Press 1999): pp. 3-22.
- ↑ "Ten Outstanding Young Men (TOYM)". Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-08-09. Nakuha noong 2021-01-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2018-08-09 sa Wayback Machine.
Karagdagang pagbabasa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Abad, Pacita; Lapid Rodriguez, M Teresa (2001). Palay (rice) : Trapunto murals by Pacita Abad. Upper Montclair, N.J.: Montclair State University Art Galleries. OCLC 48787832.
- Findlay-Brown, Ian (1996). Pacita Abad: Exploring the Spirit. ISBN 978-979-95029-0-2.
- Abad, Pacita (1998). Alice Guillermo (ed.). Abstract Emotions. Museum Nasional (Indonesia). ISBN 978-979-95424-0-3.
- Abad, Pacita (1999). James T. Bennett (ed.). Pacita Abad: Door to Life. ISBN 978-979-95029-1-9.
- Abad, Pacita (2001). Lin, Tay Swee (ed.). Pacita Abad: The Sky is the Limit. ISBN 978-981-04-3407-6.
- Abad, Pacita; Findlay-Brown, Ian (2002). Pacita Abad: Endless Blues. National Gallery of Indonesia. ISBN 978-981-04-7128-6.
- Abad, Pacita (2003). Cid Reyes (ed.). Pacita Abad: Circles in My Mind. ISBN 978-981-04-9418-6.
- Abad, Pacita (2004). Ian Findlay-Brown; Ruben Defeo (eds.). Obsession. ISBN 978-981-05-1549-2.
- Abad, Pacita (2004). Jack Garrity; Michael Liew (eds.). Pacita's Painted Bridge. ISBN 978-981-05-1020-6.
- Garrity, Jack (2004). A Passion to Paint: The Colorful World of Pacita Abad.
Mga panlabas na kawingan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Pacita sa Feminist Art Base ng Museo ng Brooklyn
- Pahina ng Artsy tungkol kay Pacita Abad
- Websayt ni Pacita Abad
- Mga eBook ni Pacita Abad
- Pacita Abad sa AWARE
- Pacita sa Singapore at iba pang mga bidyo sa Vimeo
- Ang Pintadong Tulay ni Abad at iba pang mga bidyo sa YouTube
- Websayt ng Pintadong Tulay ni Pacita Naka-arkibo 2021-03-05 sa Wayback Machine.
- Panayam kasama si Jack Garrity
- Artnet.com
- Pacita Abad sa Artstor Naka-arkibo 2021-01-26 sa Wayback Machine.