Pumunta sa nilalaman

Padron:Unang Pahina/Artikulo/Indiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Teritoryo na kinokontrol ng Indiya na pinapakita sa madilim na luntian; pinapakita naman sa maliwanag na luntian ang teritoryong inaangkin subalit di-kontrolado.
Teritoryo na kinokontrol ng Indiya na pinapakita sa madilim na luntian; pinapakita naman sa maliwanag na luntian ang teritoryong inaangkin subalit di-kontrolado.

Ang Indiya (Hindi: भारत, tr. Bhārat; Ingles: India), opisyal na Republika ng Indiya (Hindi: भारत गणराज्य, tr. Bhārat Gaṇrājya; Ingles: Republic of India), ay isang bansa sa Timog Asya. Napapaligiran ito ng Butan, Nepal, at Tsina sa hilaga, Banglades at Burma sa silangan, at Pakistan sa kanluran. Pinapalibutan ito ng Karagatang Indiyo sa timog, Look ng Bengala sa timog-silangan, at Dagat Arabe sa timog-kanluran. Nasa kalapitan ang bansa ng Maldibas at Sri Lanka sa Karagatang Indiyo. Ang teritoryong Kapuluang Andaman at Nicobar nito ay nagbabahagi ng hangganang maritimo sa Burma, Indonesya, at Taylandiya. Ang kabisera nito ay Bagong Delhi at ang pinakamataong lungsod nito ay Bombay. Ito ang ikapitong bansang pinakamalaki na sumasaklaw ng 3,287,263 km2 (1,269,219 mi kuw), ikalawang bansang pinakamaraming populasyon na mayroon ng tinatayang 1.352 milyong naninirahan (noong 2022), at demokrasyang pinakamalaki sa mundo. Isang pluralista, maramihang wika, at maramihang lahi ang lipunan nito. Dumating ang mga taong moderno sa subkontinenteng Indiyo mula sa Aprika hindi lalampas sa 55,000 taon na ang nakalilipas. Ang kanilang mahabang pag-okupa, na sa una ay iba't ibang anyo ng pagbubukod bilang mangangaso-at-nagtitipon, ay ginawa ang rehiyon ng mataas ang pagkakaiba, pangalawa lamang sa Aprika sa dibersidad ng henetika ng tao. Lumitaw ang pirming pamumuhay sa subkontinente sa kanlurang gilid ng kuwenka ng ilog Indo noong 9,000 taong nakalipas at unti-unting umunlad sa Kabihasnan sa Lambak ng Indo noong ikatlong milenyo BCE. Pagsapit ng 1200 BCE, isang anyong arkaiko ng Sanskrito na wikang Indo-Eurpeo ay kumalat sa Indiya mula sa hilagang-kanluran na nailahad bilang himno ng Rigveda at nagtatala ng pagsibol ng Hinduismo sa lugar. Pinalitan ng mga wikang Drabido ang mga wika sa rehiyong hilaga't kanluran. Noong 400 BCE, nagkaroon ng pagbubukod ayon sa kasta at estratipikasyon sa Hinduismo, na naging isa sa mga dahilan sa pag-iral ng Budismo at Hainismo, dalawang relihiyon na parehong nagdedeklara ng mga kaayusang panlipunang di-nauugnay sa pagmamana.