Pagbisita ni Papa Francisco sa Pilipinas

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Ang Pagbisita ni Papa Francisco sa Pilipinas mula Enero 15 hanggang 19, 2015, ay ang unang pagbistang pang-estado at pastoral ni Papa Francisco sa bansa. Si Francisco ang ikatlong santo papa na bumisita sa Pilipinas pagkatapos ng pagbisita nila Papa Pablo VI at Juan Pablo II. Ang pagbisita ay minarkahan ang unang bisita ng isang santo papa sa Pilipinas sa ika-21 siglo at ang huling pagbisita ng isang santo papa sa Pilipinas ay ang pagbisita ni Papa Juan Pablo II noong 1995.[1] Binisita ng papa ang Maynila kasama na ang lungsod ng Tacloban at ang bayan ng Palo sa Leyte, upang bisitahin ang mga naging bikitma ng Bagyong Yolanda.[2] Si Papa Francisco ang ikalawang santo papa na lumabas ng maynila sa isang pagbisitang papal sa Pilipinas, pagkatapos ni Papa Juan Pablo II na nagbisita sa Cebu, Davao, Bacolod, Iloilo, Legazpi, Bataan, at Baguio, kasama ang Maynila noong Pebrero 17 hanggang 22, 1981.[3] Ang pagbisita ni papa Francisco sa Pilipinas ay naging pinakamalaking kaganapang papal sa kasaysayan na may 6-7 milyong katao na pumunta sa huling misa sa Luneta at hinigitan nito ang World Youth Day 1995 sa parehas na lugar 20 taong nakaraan.[4][5][6]

Ang tema ng Pagbisita ni Papa Francisco ay "Habag at Malasakit" (Ingles: Mercy and Compassion).

Mga lugar[baguhin | baguhin ang batayan]

Kalakhang Maynila

Leyte

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Placido, Dharel (7 Enero 2015). "What you should know about Pope Francis' PH visit". ABS CBN News. Hinango noong 8 Enero 2015.
  2. Ramos, Roy; Glang, Hader (6 January 2015). "Security bolstered for Pope's Philippines visit". Turkish Weekly. Hinango noong 8 January 2015.
  3. Esmaquel, Paterno II (7 July 2014). "Pope chooses Visayas as core of Philippine trip". Rappler. Hinango noong 14 January 2015.
  4. http://www.abs-cbnnews.com/nation/01/18/15/luneta-mass-largest-papal-event-history
  5. http://www.philstar.com/headlines/2015/01/15/1413239/pope-francis-arrives-philippines
  6. http://www.bbc.com/news/world-asia-30809472