Pagsusuri

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Adriaen van Ostade, "Pagsusuri" (1666)

Ang pagsusuri, analisis, o paglilitis[1] (Ingles: Analysis) ay ang proseso ng paghihimay ng isang paksa upang maging mas maliliit na mga bahagi; upang makatanggap ng isang mas mainam na pagkaunawa rito. Ang tekniko ay ginamit sa pag-aaral ng matematika at lohika bago pa man ang panahon ni Aristotle (384–322 BK), bagaman ang analisis ay isang pormal na konsepto o diwa na halos kamakailan lamang umunlad.[2]

Etimolohiya[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang salitang analisis ay nagmula sa pinagsamang mga salitang Griyegong ἀνάλυσις (analusis, "ang paghihiwa-hiwalay", mula saana- "pataas, sa kabuoan" at lysis "isang pagluluwag").[3]

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bilang isang nagsasariling paksa, ang analisis ay nilikha noong ika-17 daantaon noong panahon ng himagsikang pang-agham.[4] Bilang isang pormal na konsepto, ang metodo ay ibinubunton na nagmula kina Alhazen,[5] René Descartes (Diskurso sa Metodo), at Galileo Galilei. Idinidikit din ito kay Isaac Newton, sa anyo ng isang praktikal na metodo ng pagtuklas na pisikal (na hindi niya pinangalanan o pormal na inilarawan).

Tingnan din[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. Blake, Matthew (2008). "Analysis, pagsuri, paglilitis". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.
  2. Analysis
  3. Diksyunaryo ng Etimolohiya na nasa Internet
  4. Hans Niels Jahnke (2003). "A history of analysis". AMS Bookstore. ISBN 0821826239
  5. O'Connor, John J.; Robertson, Edmund F., "Abu Ali al-Hasan ibn al-Haytham", Arkibo ng Kasaysayan ng Matematika ng MacTutor, Pamantasan ng San Andres.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.