Paiting
Ang Paiting! (Koreano: 파이팅, [pʰaitʰiŋ] ang pagbigkas) o Hwaiting! (Koreano: 화이팅, [ɸwaitʰiŋ] ang pagbigkas) ay isang Koreanong salita ng pagsuporta o paghihikayat. Madalas itong ginagamit sa palakasan o tuwing may hamon tulad ng mahirap na pagsubok o di-kasiya-siyang gawain.[1] Nagmula ito sa isang hiniram ng Konglish ng "Fighting!" sa wikang Ingles.[1][2][3]
Sa Ingles, ang "fighting" ay isang pang-uri (partikular na isang pandiwaring pangkasalukuyan) samantalang ang mga tagay at bulalas ng suporta ay karaniwang nasa anyo ng mga pandiwang pautos. Bilang halimbawa, mas karaniwan ang bararila ng Faito! (ファイト), ang katumbas sa Hapones ng Paiting!. Dahil diyan, madalas na isinasalin sa Ingles ang paiting! bilang "Halika!" o "Tara!". Maaaring isalinwika ang Daehan Minguk Paiting! ("대한민국 파이팅!") bilang "Go, Korea!"[2][4] Minsan gumagamit ang wikang Ingles ng mga pang-uri at pangngalan bilang mga salita ng pagsuporta ("Good!" "Good job!") ngunit ang orihinal na kahulugan ng fighting ay nagpapahiwatig lamang na may umiiral na tunggalian; hindi ito nagpapahiwatig na may matatagumpay sa magkabilang panig at hindi nagbibigay ng suporta. Sa Koreano, nagsisilbi ang paiting! bilang pampatibay-loob upang mawala ang atubili at humugot ng kapangyarihan sa loob.
Kadalasang sinamahan ang Paiting! ng kasabihang Aja aja! (Koreano: 아자 아자),[5] na magkatulad sa kahulugan. Hindi kasama ang pagbigkas ng Hwaiting sa mga mahahalagang diksyunaryong Koreano tulad ng Standard Korean Language Dictionary, kahit kadalasang ginagamit ito nang kolokyal.[6]
Mga kaugnay na termino
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bilang karagdagan sa Faito!, kabilang sa mga salitang magkatulad sa paggamit sa East Asia ang Ganbatte! (頑張って) ng Hapones at Jiayou! (加油, lit. "magdagdag ng langis!") ng Tsino. Dahil sa lumalagong kahalagahan ng Koreanong kulturang pop, ginagamit na ang "Fighting!" paminsan-minsan sa Engrish at Chinglish pati na rin upang isalinwika ang gayong mga katutubong parirala.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 파이팅 (sa wikang Koreano). Standard Korean Language Dictionary. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 3, 2016. Nakuha noong Disyembre 27, 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo March 3, 2016[Date mismatch], sa Wayback Machine. - ↑ 2.0 2.1 성대석(Seong, Dae-seok) (2010-07-12). '대한민국 파이팅' 유감 (sa wikang Koreano). The Chosun Ilbo. Nakuha noong Disyembre 27, 2010.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 박용찬 (Park Yong-chan) (2004-10-06). "'파이팅'(fighting)의 다듬은 말 '아자'" (sa wikang Koreano). The Korea Defence Daily. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-10-02. Nakuha noong Disyembre 27, 2010.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2011-10-02 sa Wayback Machine. - ↑ 서정보(Seo, Jeong-bo) (2004-12-30). 올 최고 유행어는 ‘그런거야’ (sa wikang Koreano). Dong-a Ilbo. Inarkibo mula sa orihinal noong 2005-01-04. Nakuha noong Disyembre 27, 2010.
'아자, 아자, 파이팅' KBS2 드라마 '풀하우스'에서 지은(송혜교)이 애교있게 외쳤던 말.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 조남호 (Cho Nam-ho) (2006-12-04). 파이팅 (sa wikang Koreano). The Korea Defence Daily. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-10-02. Nakuha noong Disyembre 27, 2010.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2011-10-02 sa Wayback Machine.