Palarong Asyano 1962
Punong-abalang lungsod | Jakarta, Indonesia | ||
---|---|---|---|
Motto | Ever Onward | ||
Mga bansang kalahok | 16 | ||
Mga atletang kalahok | 1,460 | ||
Disiplina | 88 sa 13 isports | ||
Seremonya ng pagbubukas | Agosto 24, 1962 | ||
Seremonya ng pagsasara | Setyembre 4, 1962 | ||
Opisyal na binuksan ni | Sukarno Pangulo ng Indonesia | ||
Main venue | Bung Karno Stadium | ||
|
Ang Palarong Asyano noong 1962 (1962 Asian Games)ay ang Ikaapat na Palarong Asyano na ginanap noong Agosto 24 hanggang Setyembre 4 ng taong 1962 sa Jakarta sa bansang Indonesia.[1] Sa pagkakataong ito ay hindi nakasali ang Israel at Taiwan sa Palarong Asyano dahil hindi binigyan ng visa ng pamahalaan ng Indonesia ang mga delegado ng mga nabanggit na mga bansa dahil sa pamumuwersa ng mga Arabong bansa at ng Republikang Bayan ng Tsina.[2] Naganap ito bagama't ito ay taliwas sa mga alituntunin ng Asian Games Federation.[2]
Seremonya ng pagbubukas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Opisyal at pormal na binuksan ang Ikaapat na Palarong Asyano ng Presidente ng bansang Indonesia noong 1962 na si Presidente Sukarno.[2] Ang seremonya ng pagbubukas ay ginanap sa Bung Karno Stadium noong Agosto 24, 1962.[2]
Mga kalahok
[baguhin | baguhin ang wikitext]Lumahok sa Ikaapat na Palarong Asyano noong 1962 ang isang libo apat na raan at animnapu (1,460) na mga atleta na nagmula sa labing-anim (16) na mga bansa.[2] Kasama sa mga bansang ito ang Hong Kong, Indonesia, India, Hapon, Republika ng Korea, Malaysia, Myanmar, Pakistan, Pilipinas, Singapore, Sri Lanka at Thailand.[2]
Mga isports na pinaglabanan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mayroong labingtatlo na isports na pinaglabanan sa Palarong Asyano 1962. Kasama sa mga isports na ito ay ang akwatiks (aquatics) kung saan nakasama ang paglangoy (swimming), atletiks (athletics), basketbol (basketball), boksing (boxing), pagbibisikleta (cycling), futbol (football), hockey, shooting, pingpong (table tennis), tennis, volleyball at pagbubuno (wrestling).[3][2] Nadagdag sa pagkakataong ito ang badminton.[2]
Mga medalyang napanalunan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang bansang Hapon na nakapanalo ng kabuuang isangdaan limangpu't dalawa (152) na medalya (pitumpu't tatlo na gintong medalya, limangpu't lima na pilak na medalya at dalawangpu't apat na tansong medalya) ay ang bansang nakakuha ng pinakamaraming medalya sa Ikaapat na Palarong Asyano.[2] Sinundan ito ng bansang Indonesia na nakapanalo ng kabuuang limangpu't isa (51) na medalya (labing isa na gintong medalya, labing dalawa na pilak na medalya at dalawangpu't walo na tansong medalya).[2] Ito ay sinundan ng bansang India na nakapanalo ng kabuuang tatlungpu't apat na medalya (sampu na gintong medalya, labingtatlo na pilak na medalya at labing-isa na tansong medalya).[2]
* Punong-abalang bansa (Indonesia)
Ranggo | Bansa | Ginto | Pilak | Tanso | Kabuuan |
---|---|---|---|---|---|
1 | Japan (JPN) | 73 | 55 | 24 | 152 |
2 | Indonesia (INA)* | 11 | 12 | 28 | 51 |
3 | India (IND) | 10 | 13 | 11 | 34 |
4 | Pakistan (PAK) | 8 | 5 | 8 | 21 |
5 | Pilipinas (PHI) | 7 | 6 | 25 | 38 |
6 | South Korea (KOR) | 4 | 8 | 11 | 23 |
7 | Thailand (THA) | 2 | 5 | 5 | 12 |
8 | Malaysia (MAS) | 2 | 3 | 5 | 10 |
9 | Myanmar (MYA) | 2 | 1 | 7 | 10 |
10 | Singapore (SGP) | 1 | 0 | 1 | 2 |
11 | Sri Lanka (SRI) | 0 | 1 | 2 | 3 |
12 | Hong Kong (HKG) | 0 | 0 | 1 | 1 |
Mga kabuuan (12 bansa) | 120 | 109 | 128 | 357 |
Seremonya ng pagsasara
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Ikaapat na Palarong Asyano ay opisyal na nagsara noong Setyembre 4, 1962.[2]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Nguyen, Alicia (Agosto 14, 2018). "Indonesia releases footage of its first Asian Games 50 years ago". Taiwan News. Taiwan News. Nakuha noong 20 Nobyembre 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.00 2.01 2.02 2.03 2.04 2.05 2.06 2.07 2.08 2.09 2.10 2.11 2.12 "Jakarta 1962". Olympic Council of Asia. Olympic Council of Asia. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 20 Nobiyembre 2021. Nakuha noong 20 November 2021.
{{cite web}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong) - ↑ "1958 Asian Games". Athletics Podium. Athletics Podium. Nakuha noong 20 Nobyembre 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)