Pamantasang Agostinho Neto
Ang Pamantasang Agostinho Neto (Ingles: Agostinho Neto University; Portuges: Universidade Agostinho Neto) ay isang pampublikong unibersidad na nakabase sa Luanda, ang kabiserang lungsod ng Angola.
Hanggang 2009, ang unibersidad ay ang tanging pampublikong institusyon ng mas mataas na edukasyon sa buong bansa, at merong mga kampus sa lahat ng mga pangunahing lungsod nito. Noong 2009, ang mga sangay na kampus ay humiwalay, at naging mga nagsasariling pamantasang may awtonomiya, na matatagpuan sa Benguela, Cabinda, Huambo, Lubango, Malanje, at Uíge.
Ang pamantasang Agostinho Neto ngayon ay isa na sa pitong rehiyonal na unibersidad bukod sa iba pa, na nagseserbisyo sa Lalawigan ng Luanda at Lalawigan ng Bengo. Ito ay nananatiling ang pinakamalaking unibersidad sa Angola.
8°56′31″S 13°16′49″E / 8.9419°S 13.28027°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.