Pamantasang Erasmus Rotterdam

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Kampus ng unibersidad

Ang Pamantasang Erasmus Rotterdam (Ingles: Erasmus University Rotterdam, Olandes: Erasmus Universiteit Rotterdam, EUR) ay isang pampublikong unibersidad na matatagpuan sa lungsod ng Rotterdam, sa Netherlands. Ang unibersidad ay ipinangalan kay Desiderius Erasmus Roterodamus, humanista at teologo noong ika-15 siglo.

Ang Erasmus MC ay ang pinakamalaki at isa sa mga nangungunang sentrong medikal na akademiko at trauma center sa Netherlands, habang ang paaralang ekonomiko at pangnegosyo, ang Erasmus School of Economics at Rotterdam School of Management, ay kilala sa loob at labas ng Europa. Noong 2017, ang EUR ay niraranggong kabilang sa mga nangungunang sampung paaralan ng negosyo sa Europa ayon sa Financial Times.[1] Noong 2015, Erasmus University Rotterdam ay niranggo ng Times Higher Education bilang ika-20 sa Europa at ika-72 sa mundo, kung saan ang programa nito sa agham panlipunan ay ika-40, at sa kalusugan ay ika-35 sa mundo.[2][3]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Business school rankings from the Financial Times – FT.com". Hinango noong 2017-12-04.
  2. Times Higher Education University Rankings 2014-2015, retrieved 22 January 2015
  3. "EUR Strategy", EUR, nd, hinango noong 11 Hulyo 2012